Chapter 27

5.7K 184 25
                                        


ALINLANGAN akong ngumiti kay Arsen nang magkatinginan kami. He smiled warmly and shut the door of his driver's seat. Nagsimula na akong maglakad habang dinig na dinig ko pa rin kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagsabay niya sa akin sa paglalakad.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at kung puwede lang akong kainin ng lupa ay baka kanina pa ako nagpakain. Nangangapal na yata ang pisngi ko dahil sa pula sa tuwing maaalala ko ang kahihiyan ko kagabi. Sa dinami-dami ba naman ng araw ay ngayon pa kami magkikita ulit? Hindi man lang pinalampas ng tadhana ang kahihiyang ginawa ko kagabi.

Isipin ko pa lang na iniisip niyang in-stalk ko ang account niya sa Facebook kagabi ay parang gusto ko na talagang kumaripas ng takbo dahil sa hiya!

Nagbaling siya ng tingin sa akin kaya napaangat din tuloy ako ng tingin sa kaniya. His eyes were gentle as he stared at me longer. Nailang ako nang bahagya kaya napabawi ako ng tingin.

"Kailan magsisimula 'yong pagre-renovate n'yo?" magaang tanong niya.

I didn't know if it's normal to still talk to your ex, but I also didn't see any reason not to talk to Arsen. It wasn't bringing any harm naman and it wasn't taboo, so... I guess this was fine.

"Now na. Napag-usapan naman na namin ni Engineer Gonzaga 'yong about sa plano, e."

Napatango-tango siya. "Good luck, then. I'm sure you'll do good."

I felt like my heart just stopped beating at his response. It sounded surreal and a bit sad because it came from him. Para akong biglang ibinato pabalik sa nakaraan hanggang sa maalala ko na naman ang mga bagay na nag-contribute sa paghihiwalay namin.

I breathed a deep sigh and just forced a smile. Mukhang napansin niya ang biglaan kong pananahimik kaya mas lalong lumambot ang ekspresyon niya. Bumuka ang bibig niya at mukhang may sasabihin ngunit isinara rin ulit.

Nang marating namin ang entrance ng resort, pinauna niya akong pumasok. Papunta na ako sa garden nang muli ko siyang tingalain ng tingin dahil nakasabay pa rin siya sa akin sa paglalakad.

"You have a meeting upstairs?" I asked.

Para siyang biglang natauhan. Napakurap-kurap siya at napakamot sa batok. Pansin ko rin ang bahagyang pamumula ng tainga niya. I suddenly remembered the teen Arsen I've met a decade ago already. How he looked so innocently charming was still stuck in my head. Until now, he still looked like the same.

Except that he really grew some muscles now and an eye glass.

"Uh, oo nga pala." He chuckled. "Pero babati muna ako kay Engineer Gonzaga."

Tumango ako kaya nagpatuloy siya sa pagsabay sa akin sa paglalakad. Nang marating ko ang garden ay naroon na sina Daniel at Kristoff na agad akong binati at si Arsen. Kita ko pa ang pagtataka sa mga mukha nila habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Siguro'y nagtataka kung bakit kami magkasabay.

Naroon na rin ang iilang construction workers na naghahanda na ng mga materyales. Iginala ko ang mga mata ko sa malaking hardin ngunit hindi ko nakita si Engineer Gonzaga.

"Engineer's not here pa yata," I said to Arsen beside me.

Naabutan ko siyang nakatitig sa akin at nang makitang tumingin ako sa kaniya ay bigla siyang ngumiti at tumango. He then sighed and slid his hands in his jeans' pockets as he stepped back.

"Balik na lang ako rito mamaya, kung ganoon."

Marahan akong napatango. Mukhang gustong-gusto niyang batiin si Engineer, ah? Well, baka may itatanong din siya.

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon