Chapter 40

5.8K 187 31
                                        

May Chapter 41 pa palang kasunod hahaha! Sobra nang haba if idudugtong ko pa rito eh. See you again tomorrow sa last chapter :>

NATATARANTA akong naghahalughog sa closet ko ng puting dress na maisusuot. Arsen was already talking to their family lawyer. He said he just needed some documents and requirements for our civil wedding. He was also asking his lawyer kung sinong judge ang puwedeng magkasal sa amin.

Kasi naman! I wanted to marry him, but I didn't expect that he wanted it to happen now! As in ngayon na talaga! Mukhang hindi na siya makakapaghintay pa ng bukas. Hindi naman sa ayaw kong ngayon pero what about our documents, the rings, my dress? OMG, I don't have a dress yet!

Nang wala akong mahanap na matinong dress na puwedeng pangkasal, dali-dali akong bumaba at hinanap si Manang Lou.

"Manang Lou! Help!" tawag ko.

Humahangos naman siyang lumabas ng kusina at medyo nag-aalalang tumingin sa akin.

"Bakit--"

"I'm getting married!"

Nalaglag ang panga niya at tinitigan ako na para akong isang alien sa harap niya. Hindi ko na siya hinayaan pang makapag-react ng kung ano-ano at hinila ko na siya patungong kuwarto ko.

"I still don't have a dress, Manang. Nai-stress na ako. Wala ka po bang natatabing white dress ko na maganda? Or si Mommy, may mga magaganda kaya siyang dress sa closet niya?"

Litong-lito siya at tila hindi malaman ang gagawin. Ilang sandali ay napakurap-kurap din at tinulungan akong maghanap.

"M-may mga naiwang damit ang Mommy mo rito. Baka may magustuhan ka ro'n."

Sumunod ako sa kaniya nang lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa master's bedroom. Binuksan niya ang closet at bumungad sa akin ang mga nakasampay na dress ni Mommy roon.

"Karamihan dito ay noong dalaga pa siya kaya sigurado akong may kakasya sa 'yo."

Nagtulong kami sa paghahanap hanggang sa makakita ako ng puting-puting dress na simple lang ngunit eleganteng tingnan. It had a square neckline and short sleeves. Its length was until below my knees and the texture of it was satin.

"I love this!" I said to Manang.

Nakangiti akong pinagmasdan ni Manang ngunit halata pa rin ang kalituhan sa kaniyang mukha. "Talaga bang magpapakasal ka na? Ngayon na? Papa'no ang Mommy't Daddy mo, alam na ba nila?"

I sighed and smiled. "Biglaan 'to, Manang, pero before pa naman po namin gustong makasal ni Arsen sa isa't isa. We'll just plan for a church wedding sa susunod para we can inform everyone."

Dali-dali na rin akong bumalik sa kuwarto ko at saktong papalabas si Arsen mula roon. Napababa siyang tingin sa dress na hawak ko.

"Where were you? Nakausap ko na si Attorney Severino. Puwedeng si Kuya Zaviar na lang daw ang magkasal sa atin," he informed.

"I looked for a dress in my mom's closet. Anyway..." Bahagyang kumunot ang noo ko. "Aren't your cousin busy? We didn't schedule an appointment! Baka marami siyang ginagawa."

"No, I already talk to him on the phone and he will clear his schedule for later."

Tumango-tango ako. Muli niyang tiningnan ang damit na hawak ko kaya napababa din tuloy ako ng tingin doon.

"It's beautiful," he said.

Nakangiti kong ibinalik sa kaniya ang tingin ko. "Thank you! Of course, I still want to be a beautiful bride even though we're just having a civil wedding."

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon