Chapter 33

5.4K 205 42
                                    


MAHIGPIT na nakayakap ang braso ni Arsen sa katawan ko pagkagising ko kinabukasan. Nakatagilid ako ng higa at ganoon din siya. Magkaharap kami. Pikit pa ang mga mata niya at kalmado ang paghinga nang magising ako.

Dahan-dahan kong inangat ang braso niyang nakayakap sa akin upang makabangon ako. Umupo ako at itinaas ang kumot na nakabalot sa kahubaran ko. Saka lamang nag-sink in ulit sa akin ang nangyari sa amin kagabi nang makita kong nakahubad din siya at natatakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan.

Ilang sandali akong natulala sa kawalan at inisip ang nangyari. It wasn't on my plan to have sex with him. I just wanted us to talk last night, so why the hell did we end up fucking? We haven't even talked a lot! I wanted us to talk about the second chance we're gonna have and also to somehow clear whatever unfinished business we left in the past.

Ni hindi man lang tumagal ang usapan namin! Biglang napunta sa sex? Oh, goodness!

"I'm so stupid..." I hissed to myself.

And very marupok.

Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa bedside table nang bigla itong mag-beep. Kinuha ko ito at agad na binuksan. I saw an email for me from work. A smile then crept on my lips when I saw a certificate of excellence given to me by one of the bosses of the company.

I was about to type in a reply to say thank you when I heard Arsen beside me. Nag-stretch siya ng kamay habang nakapikit pa rin ang mga mata. Umuungot pa.

I unconsciously smiled, but when I remembered how familiar all of these were, I immediately felt hollow. Mabilis na nabura ang ngiti sa mukha ko. Unti-unti naman nang bumukas ang mga mata niya at agad na dumapo sa akin.

His cheeks were red and his eyes were still drowsy when he smiled cutely at me. Mabilis niyang ipinalibot ang braso sa baywang ko at mas inilapit ang sarili sa akin. He kissed my bare shoulder and gently stared at me.

"Good morning," malambing niyang bati.

Hindi ako sumagot at tinitigan lang din siya. Ilang sandali ay bumaba ang mga mata niya sa cellphone ko.

"What's that?" he curiously asked.

Napakurap ako at mabilis na umiling. "Wala."

It wasn't important to him, anyway. Or maybe... nasanay na lang talaga ako noon na palaging ayaw ipakita sa kaniya ang mga naa-achieve ko. Kagaya na lang n'ong mga score ko noon sa school. 'Cause I knew that if he happened to see it, he would feel bad and I would feel guilty again. I even felt like it traumatized me a little. Like I just always didn't want to let him see what I've achieved because for sure, he would get mad.

Hanggang ngayon, hindi ko akalain na nadala ko ang ganoong takot.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bedside table ngunit nahawakan niya na ito at agad na tiningnan ang naroon. Kumunot ang noo ko at handa na sana siyang singhalan ngunit hindi natuloy iyon nang bumakas ang saya sa mukha niya. Nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Congrats!" aniya sa masayang tono.

Ang biglaang pag-alala sa nakaraan, ang masayang reaksyon niya ngayon, at ang pagbati niya sa akin ay naghalo-halo lahat sa dibdib ko na bumuo ng kakaibang sakit. Nangilid ang luha sa mga mata ko ngunit mabilis na akong nakapag-iwas ng tingin.

Bumaba ako ng kama at hindi na nag-abala pang dalhin ang kumot upang takpan ang sarili. Nagtungo ako sa closet at kumuha ng underwear na agad kong isinuot. Sa gilid ng mga mata ko ay ramdam ko ang pagmamasid niya sa akin.

Napahinga ako nang malalim dahil parang naninikip na naman ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman. I remembered the past, I remembered his harsh words when we were still together, how he made me feel so unimportant, and how he made me feel like everything was my fault!

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon