Chapter 32

5.5K 217 36
                                    


R18 - bawal sa bata.

NGUMITI ako sa bumati sa aming waitress pagkapasok namin ni Arsen sa restaurant. Iginiya kami nito sa pandalawahang lamesa bago kami binigyan ng menu. I immediately scanned the whole restaurant when I settled down on my seat.

Dim lang ang ilaw ng buong lugar. Glass walls everywhere and almost all materials and displays were made of wood. Medyo marami-rami na ang tao dahil it was almost dinner time already.

"What do you wanna order, Jaeda?" Arsen asked.

Muling bumalik ang tingin ko sa kaniya matapos ng pagmamasid ko sa buong restaurant. He was already looking at the menu. I cleared my throat and opened the menu, as well. Gaya nga ng sabi ko kahapon, gusto kong mag-usap kami. Hindi ko pa sigurado kung saan ko sisimulan ang pag-uusap naming ito.

Hindi ko alam kung paano magsimula. Magpapadala na lang siguro muna ako sa kung ano man ang mapag-usapan namin at pipiliting maging matatag kung sakali mang mapag-usapan na namin ang nakaraan.

"Let's have Paella," I said while still scanning the menu.

"Uh-huh. What else?"

Inilipat ko sa susunod na page ang menu. "This Gambas Al Ajillo looks delicious."

"Let's order that, then. Also Tortilla Española."

Tumango-tango ako at nagtawag na agad siya ng waiter. Nang masabi ang order namin ay ilang minuto kaming tahimik habang naghihintay. I was busy looking around because I couldn't help admiring the lovely restaurant. Him, on the other hand, was just watching my every move.

Nang mapagod ako sa kakagala ng mata, ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa kaniya na hanggang ngayon ay titig na titig pa rin sa akin. Kung natutunaw lang siguro ako, baka kanina pa ako natunaw.

"How's your work?" tanong ko nang may mapag-usapan naman na kami.

Mas mabuti na rin siguro 'yong magsimula kami sa magaang usapan para hindi agad kami mawalan ng gana.

Ngumiti siya bago sumagot. "It's fine. I'm currently working on a building in Manila."

"Why are you still here, then? Your work is in Manila."

Pasimple siyang lumunok at bahagya pang nag-iwas ng tingin.

"May mga m-meetings pa akong kailangang attend-an dito. Naaasikaso ko pa naman 'yong trabaho ko sa Maynila kahit na wala ako ro'n. I'm getting updates about it from time to time."

Tumango-tango ako at pinaglaruan ang baso ng tubig sa tabi.

"Ikaw? Pagkatapos ba ng project n'yo nina Engineer Gonzaga, babalik ka na ng Maynila?" tanong naman niya.

"Oo. That's where I work, so... I really have no choice but to get back."

He nodded and stared at me longer. "Masaya ka ba sa pinagtatrabahuhan mong kompanya?" he carefully asked.

Sumimsim ako sa baso ng tubig bago siya sinagot. "Very happy. Sa lahat ng company na napagtrabahuhan ko, doon ko lang na-feel na appreciated ako at acknowledged 'yong hardworks and efforts ko."

Unti-unti siyang napangiti. I saw a different kind of gleam in his eyes as his stares lingered at me. He looked happy and... a bit sad at the same time. Was that even possible? Mukha naman siyang masaya pero may nakikita rin akong lungkot sa ekspresyon niya, like loss and regret.

"That's good to hear," aniya. "You deserve that. I'm happy for you."

I swallowed the lump in my throat. Bago pa bulabugin na naman ng sakit at lungkot ang dibdib ko ay mabuti na lang, dumating na ang mga order namin. Hindi na ako nagsalita at ganoon din siya. Nagsimula na lang kaming kumain.

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon