Chapter 39

5.2K 182 52
                                    


MABILIS ang paghinga ko nang makapasok ako sa aking sasakyan. Agad kong nilisan ang condo building na tinutuluyan ni Arsen. Habang bumibilis ang pagpapatakbo ko ay siya ring pagdagdag ng luha sa mga mata ko.

I didn't hear everything that they were talking about, but it was enough to make me feel bad about myself. The way Cyrene spat those words as if she really knew for me being like that? How dare she! Ganoon ba ang tingin niya sa akin noong magkakatrabaho kami? At bakit pareho sila ng opinyon sa akin ni Arsen noon? Ano, pinagtsitsismisan nila 'ko? Were they always talking bad things behind my back?

Why were they talking and why was she even in Arsen's unit? Talaga bang pag-uusap lang ang tanging gagawin nila ro'n? Kung hindi pa ako dumating, hindi ko makikita! Bakit hindi man lang sinabi sa 'kin ni Arsen?

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at mas lalong binilisan ang pagmamaneho. Napatingin na lamang ako sa cellphone kong inilagay ko sa dashboard nang bigla itong mag-ring. Arsen was calling and I didn't bother answering it. Bahala siya sa buhay niya! Pag-usapan nila ako ni Cyrene buong magdamag, wala na akong pakialam.

I wouldn't care anymore if they were backstabbing me. I just wanted to go away to leave all my disappointment in Arsen behind. Damn him. It seemed like he was still the same asshole from before. Akala ko pa naman ay nagbago siya pero mukhang puro kaplastikan lang ang ipinapakita sa akin ngayon.

Hanggang ngayon ba, tingin niya pa rin ay inaagaw ko sa kaniya ang lahat? Fuck him! I never stole anything away from him! I wasn't stealing his success! Isaksak niya pa 'yon sa baga niya!

It was just so disappointing because I really thought that he'd already changed, but with what I heard from that Cyrene? Mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya. Nakakadismaya at nakakalungkot.

Muling nag-ring ang cellphone ko sa pang-apat na beses ng pagtawag ni Arsen. Naririndi na ako kaya ni-reject ko ang call at pinatay na ang cellphone. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Babalik na lang muna ako sa Isla Contejo at maglalagi muna sa bahay namin doon ng ilang araw. Siguro naman ay hindi ako susundan do'n ni Arsen. Kung gawin man niya, bakit pa?

He already had Cyrene and he wasn't even being true to me. Magsama silang dalawa!

Kahit ang layo ay nagtiyaga ako sa pagmamaneho. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana, nakapag-book na agad ako ng flight papuntang Isla Contejo. Ang hassle tuloy dahil by land akong bumabiyahe.

"Oh, hija! Hindi ka nagpasabi na uuwi ka rito ngayon? Gabing-gabi na," salubong sa akin ni Manang Lou nang sa wakas ay makarating ako sa bahay namin sa Isla Contejo.

"This isn't on my plan, Manang." Bumuntonghininga ako at nagtuloy-tuloy sa hagdan. "I'm tired. I'm going to bed now."

"Uh... O, sige," sagot niya na tunog naguguluhan pa rin. "Kumain ka na ba?"

Hindi ko na siya nasagot dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko sa sobrang pagod. Ilang oras ba naman akong nagmaneho! Bakit kasi ang layo ng probinsyang 'to?

Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay hinubad ko lang ang suot kong damit at agad nang humiga sa kama na tanging panty lang ang suot. I was too tired to even change into a sleepwear.

Ramdam ko ang init ng sinag ng araw kinabukasan na siyang unti-unting nakapagpagising sa akin. Bahagya akong nagmulat ng mga mata at nabungaran ang bahagyang nakaawang na kurtina sa may terrace. Pumikit din naman agad ako sa kagustuhan pang matulog.

The sunlight was irritating to feel against my face. The heat was burning my cheeks up until my ears. If I would stay lying here, I could get my face burnt -- literally.

Napaunat ako ng mga braso at may kaunti pang daing na lumabas mula sa bibig ko. My eyes were still closed when I shifted and turned to the other side. This time, it was my back absorbing the heat of the sun.

Glimpses of Yesterday (Isla Contejo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon