Chapter 8: I Am Sorry

19 0 0
                                    

Time flies very fast just like a high speed car, ganun pa rin naman ako yun nga lang mas mahaba lang yung buhok ko kasi nga nagpapatrim nalang ako…sayang kasi yung shampoo at conditioner kung papuputulan ko ng maikli,hehehe…

Classmates pa rin kami ni Kuya Dave…yung barkada magkakaclassmates  pa rin, ako lang talaga yung di na nakabalik sa grupo kasi sa ibang section ako nilagay…walang masyadong nangyari nung 3rd year kami maliban nalang sa pagkakadevelopan nila Joven at Giselle, pagkakaron ng special friend ni best Riz, at pagkakaron ng steady gf ni Kuya Dave…si Ian at ako…magkaibigan…Siya ewan ko…hindi na ‘ko sumasagap ng balita tungkol sa kanya…yung mga adik na kagrupo ko naman,adik pa rin sila,hehehe.

Andito ako sa may speech lab…nagpapalipas ng oras…wala kaming usapan ng barkada…trip ko lang tumambay dito kasi walang masyadong tumatambay dito…gusto ko lang mapag- isa…

Gusto ko lang balikan yung mga nakaraan…kung pano nag- umpisa yung samin ni Ian a pano natapos…kung pano ako napasok sa sitwasyon kung saan…nagpapahirap sakin ngayon…kung bibilangin ang taon, almost 4 years na pala since last kong nakausap Siya…4 years na kong nagbubulagbulagan sa totoong nararamdaman ko…4 years na kong nagpapakamanhid sa totoong halaga niya sakin…ayokong makasakit ng ibang tao…2 years ago ng kausapin ko si best Riz…dun ko narealize how stupid I am…inlove na pala ako sa taong wala namang pakialam sakin…inlove na pala ako sa taong mula pagkabata kilala ko na…now 4 years na akong nagpapakatanga para sakanya…hindi ko alam kung 4 years nga lang ba o mula pa nung umpisa minahal ko na Siya kahit Siya wala namang pakialam sakin….

Sa pagrereminisce ko ng past…

NAGFLASHBACK LAHAT…

Nabuo na ang desisyon ko…I don’t want to hurt someone who becomes my shield every time He hurts me…Ian deserves someone na hindi siya paaasahin at sasaktan…4 years na rin akong inaalagaan ni Ian…I know masasaktan si Ian… I knew na Siya ang rason kung bakit naghiwalay si Ian at si Sabel (Ian’s bestfriend and ex- girlfriend),and now Siya na naman ang rason kung bakit mawawala ako kay Ian…it’s time for me to face the truth…

Iniisip ko palang na masasaktan ko si Ian sobrang nalulungkot na ‘ko,hindi ko mapigilang hindi maiyak…

“Aya, andito ka lang pala,” all smile na bati ni Ian na bigla nalang sumulpot sa may gilid ko kaya agad kong pinahid ang luhang pumatak mula sa mga mata ko…

Oh my…yang ngiting yan makikita ko pa ba after kong magconfess sakanya…Papa Gos please guide me…

Seryoso akong tumingin kay Ian at nagbuntong- hininga…nagtaka si Ian sa ikinikilos ko…

“May problema ba Aya?” nagtatakang tanong ni Ian…

“Ian…I am sorry,”

After kong bitawan ang mga salitang yun, sabay- sabay na nagbagsakan ang mga luha ko…ganito pala kahirap umamin ng totoo lalo na kung alam mong masasaktan mo yung isang taong walang ibang ginawa kundi protektahan ka at pasayahin…

“It’s okay Aya, naiintindihan ko, you don’t have to say sorry,alam ko naman na darating ang araw na ‘to,” pilit na ngiting sabi ni Ian…

Naguluhan ako sa mga sinabi niya…anong ibig  niyang sabihin?

“Anong ibig mong sabihin?” nagtataka kong tanong sakanya.

“Nung araw na nag- usap kayo ni Riz,narinig ko lahat, hindi ko sinadyang makinig pero siguro tadhana na ang nagdecide na mangyari yun,I chose to be in this position, you don’t have to say sorry,” nakangiti pa rin niyang paliwanag kahit halata sakanya yung lungkot na pilit niyang tinatago…

Grabe…alam na niya noon pa…pero pinili pa rin niyang magstay sa tabi ko…mas lalo lang akong naguilty, hindi deserve ni Ian na masaktan ng ganito…

“Ian…”

Wala na kong masabi…niyakap ko na lang siya… he hugged me back…for the very first time…naramdaman kong nasasaktan si Ian ng dahil sakin…bawat patak ng luha niya sa balikat ko parang parusa sa puso at isipan ko…hindi siya dapat nasasaktan ng ganito…I’m so sorry Ian…I am really really sorryL

“Ang masakit lang Aya, pati ikaw inagaw na niya sakin,gusto ko Siyang suntukin para malaman niya na napakagago niya para lang saktan ka ng paulit- ulit, mahal kita Aya pero ayokong maging hadlang sa totoong nararamdaman mo, sana lang magising na rin Siya at maging totoo sa sarili niya,”

END OF FLASHBACK

Sa ngayon, friends na lang talaga kami ni Ian, after ng usapan naming yun, sa umpisa nagkailangan pero nasanay na rin sa bandang huli…right now nagkakamabutihan na ulit sila Ian at Sabel, and I’m happy knowing na nagiging okay na ulit sila…By the way 6 months ago nangyari ang confession ko na yun kay Ian….kaya nga mag-isa ko ngayon sa same place kung saan ako nagpakatotoo kay Ian…

Hay naku! Enough for the drama…makaidlip nga muna habang walang mga istorbo…

Pipikit palang ako ng biglang…

“Excuse me, sa pagkakaalam ko speech lab ‘to at hindi kwartong tutulugan ng isang taong kulang sa tulog,”

Sabi ng taong nakatayo ngayon sa harapan ko…parang alien naman ‘tong isang ‘to…sino ba siya? Panira ng moment para matulog…

Tinitigan ko lang siya at itinuloy na lang ang plano kong pagtulog ng muli ay magsalita siya…

“Isusumbong kita kay Mrs. Carmen, ginagawa mong tulugan ang speech lab,”

Kamote cue! Sino ba ‘tong pinaglihi sa puwet ng manok ang bibig sa sobrang kadaldalan…hindi  ba obvious na gusto kong mapag- isa…atsaka nasa tapat lang naman ako ng speech lab at wala sa loob…kahit magsumbong siya useless kasi nga nasa labas lang naman ako ng lab and to make it clear…walang klase ngayon kasi nga clearance day,ahahahaha!

Muli dinedma ko  siya…ipinikit ko nalang ang aking two beautiful eyes at natulog not bothering myself na may asungot na nakatayo sa harapan ko…

Boink!

Aray ko po! Ang sakit nun ha, sino ba ang bastos na nambabato na yan sa taong natutulog!

Hinimas ko muna ang ulo ko na tinamaan ng kung anong ewan na ibinato sakin bago ko iminulat ang aking mga mata…

Pagkamulat ko…muntik na kong mapatalon sa sobrang gulat….

Andito pa rin siya, tama bang titigan ang mukha ko ng sobrang lapit!!!!!!!!!!!!

Sino ba kasi ‘tong unggoy na ‘to…siya ba may- ari ng speech lab kaya ayaw niya kong tantanan…nakakabad vibes siya ha!

“Ano bang problema mo?!”pasigaw kong tanong sa who you na kaharap ko…

“Uy! Grabe  makasigaw ka naman wagas, wala ng bukas?” pangiti- ngiting sabi pa ni mokong…

“Sa tingin mo nasa mood ako makipagjoke time sayo Mr. Who You?” iritado kong tanong sakanya…

Sino ba kasi siya? Pimpong ball pala ang ibinato niya sakin…feeling niya raketa ng table tennis ang ulo ko,asar much  ha!

“Ang sungit naman, miss hindi Mr. Who You ang pangalan  ko,”

Sumagot pa talaga siya…hay naku, makalayas na nga dito kasi may alien na nag-invade sa privacy ko na mag- isa…tumayo ako at agad-agad na umalis…bad trip na mokong na yun ha…

To lessen the kabadtripan, nagpunta ako ng canteen…hay salamat naman at nandito na sila…unang bumati sakin ay si Sabel, then si Ian, taz yung barkada…kinwento ko sakanila yung tungkol kay mokong…sa gulat ko muntik ko ng maibuga yung nginunguya kong sopas…si mokong pala ay kapatid ni Sabel…3rd  year palang sa pasukan…napakawalang galang na bata…anlayo sa ugali ng ate niya…kaya pala ginawang table tennis ang ulo ko kasi isip- bata pa…hahaha, tawa tayo diyan!

Nagpasign lang kami ng clearance at boom…tapos na ang clearance namin…graduation day nalang ang aantayin namin…before matapos ang araw….pinakilala ni Sabel sakin ang kapatid niya na nantrip sakin kanina… siya pala si Raffy…sa sobrang pahiya niya…wala siyang ibang  nasabi sakin kundi..I Am Sorry Ate AyaJ

Pretending To Be StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon