3

71 5 0
                                    


Matapos kong magbihis ng pambahay ay pumunta na ako sa kwarto nila Mama. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Hey Bebi lika dito"tawag sa akin ni Mama. Nakaupo siya sa bed nila,tumabi ako sa kaniya.

"How's your day bebi?" Inayos ni Mama ang buhok ko sa may tenga habang nakayakap sa akin.

"Okay lang naman po Ma, bukas na po pala kami magdodorm Mama"hinawakan ko ang kamay ni Mama.

"Pwede bang wag ka nalang magdorm ulit bebi, dito ka nalang sa bahay malapit lang naman ang University dito at tyaka may car ka naman" ipinatong ni mama ang baba Niya sa balikat ko.

"Love hayaan mo na ang anak natin. She need to learn to be independent. Hindi na siya bumabata at nandito Naman tayo para e guide siya" hinaplos ni Dada ang buhok ni mama.

"But she's still my baby" nag pout si Mama. Naku Dada di ka talaga mananalo dito.

"Oo Naman, she's still our baby, but pwede naman tayong gumawa ng bagong baby diba"Dada wink to mama.

"NO!"napalingon kami Kung saan galing ang boses. It's Ate nasa pintuan at nakapameywang. Tumawa naman kaming tatlo. Napakapikon talaga nito kahit kailan.

"Why naman Yang?Nagdodorm ka na tapos si Bebi Naman magdodorm na rin nakakalungkot naman kung walang baby sa bahay."nagpout si Mama. Tumingin si Ate kay Dada para humingi ng tulong nagkibit balikat Lang si Dada. Bahala ka diyan Ate. Save yourself Haha.

"Okay Fine"bumuntong hininga siya bago lumapit kila Dada at yumakap. "Basta Hindi siya mas maganda sakin ha,ipapatapon ko talaga siya."napatawa kaming tatlo kay Ate. Nagyakapan kaming apat.



----



Nasa kwarto ako ngayon nag iimpaki ng pumasok si Dada at umupo sa tabi ko.Tinulungan Niya ako sa pag iimpaki. Napabuntong hinga nalang ako.

"Subrang lalim naman nun baka malunod ako,uhm Bebi may gusto ka bang itanong or sabihin?"panimula ni Dada.

Hindi ko matiis magsinungaling sa parents ko kaya lagi akong nagsasabi ng totoo sa kanila Open na open ako sa kanila.

"Ano po kasi Da, uhm Dada napansin ko kasi kanina na iba yung titigan nyo ni Miss Lora, who's Lora Montero in your life po?"tanong ko sa kanya habang patuloy sa pag aayos ng mga gamit ko.

Hinaplos niya ang buhok ko "Napaka observant mo talagang bata, ito ba ang nakakapagpapabagabag sayo bebi?"-tanong sakin ni Dada.

Hindi ako umimik, nagpatuloy nalang siya sa pagsasalita.

"Well, Lora Montero is my First Love bebi,actually nagsama kami noon sa iisang bubong pero di rin magtagal yun dahil nalaman ng parents ko. Kalaunan naghiwalay din kami ni Lora because she cheated on me din. Matagal na yun kinalimutan ko na nga Yun. Ang mahalaga ngayon Mahal na mahal ko ang Mama nyo at hindi ako mabubuhay ng wala ang Mama nyo lalong lalo na kayo"paliwanag pa ni Dada at hinalikan ako sa noo.

"Did you love her po?"nakayuko lang ako

"Oo naman minahal ko siya dati pero Hindi na ngayon."hinimas ni Dada ang pisngi ko. "Ang Mama nyo na ang mahal ko ngayon at ikakamatay ko pagnawala kayo sa akin."hinalikan ni Dada ang noo ko.

Niyakap ko ng mahigpit si Dada. I trust Dada so much. Hindi ko hahayaang matibag ang pamilya namin.

-·-·-·-

Today is dorm day

Lilipat na ako sa dorm ulit sabi naman ng parents ko same routines pa rin, may makakasama daw ako sa dorm maybe Isa or dalawang tao.

Hinatid pa ako nila Dada sa Dorm. Nag-insist kasi si Mama tapos di din naman kami makapalag baka magtampo eh. Umiyak pa nga si Mama kasi daw mamimiss nya ako eh ang lapit lang naman ng Dorm sa bahay minsan talaga OA na si Mama pero mahal na mahal namin yan.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon