10

32 4 0
                                    

ICA'S

"Ate Ica may flowers ka na naman po"Sabay abot ni Thea ng bouquet ng flowers sakin. Siya kasi lagi nag aabot sakin ng flowers na pinabibigay ng mga manliligaw ko.

"Aba parang baliw to nangiti ng mag-isa"sabi pa ni Nath. Kainis talaga tong batang to epal. Ganyan talaga pag walang jowa.

"Epal mo talaga" sabi ko sa kanya at inirapan siya.

"Aba kanino na naman Yan?Hulaan ko kay Mafe Yan nu"sabi pa ni Nath.

"Mali ka dun kay Ate Regine yan galing"sulpot pa ni Thea. Nandito pa pala tong batang to.

"Naks haba talaga ng Hair mo Angelica Alolor"kunwaring sinusuklay ang buhok ko.

"Tse!----"I said

"Ate may nagpapabigay po"inabot naman sakin ni Dhelsa ang isang box.

"Ay ganda ka te?" Sabi pa ni Nath.

"Aba oo naman"sabi ko pa at nagflip hair.

"Aba aba nakakainggit naman!" sabi pa ni Nath.

"Mainggit ka lang dyan" tumawa ako. Binuksan ko ang box at nagulat ako sa laman nito mga pictures ko lang naman at isang sketch ng mukha ko. Di ko alam anong mararamdaman ko naghahalo ang emosyon ko ngayon sa Saya. My phone beep. I open it.

2 messages

Mafelicious❤️

Goodmorning pretty!
Did you like it?

Mafelicious❤️

Don't forget to eat your meals ha. Keep safe always! Papakasalan pa kita😉

Ano ba yan mafe ke aga aga kinikilig na naman mga nerves ko. Sweet talaga ng bebe ko. Papakasalan nya daw ako! Omaygad! Naiimagine na niya yung future niya with me. Pigilan nyo ko kinikilig akoooo! Jusq!

"Hoy! Para kang timang dyan! Kulang nalang maglupasay ka sa kilig dyan!" Sabi pa ni Nath sabay batok.

"Enebe neth!"hinampas hampas ko pa siya ng mahina.

"Nababaliw kana talaga Ate!"sabi pa ni Nath sabay irap.

"SINONG BALIW?!ASAN ANG BALIW?!" Sigaw pa ni Thea na may dalang dos por dos,San na naman kaya niya to nakuha. Nagulat naman kami. Makasigaw tong batang to. Binatukan naman siya ni Nath.

"IKAW YUNG BALIW! ALIS KA NGA DITO!"sabi pa ni Nath at pinagtabuyan si Thea.

"Ica may nagpapabigay na naman sayo. Ano ba yan bat di nalang ediretso sayo!"reklamo pa ni Sharlotte at umalis na. Isang plastic na may lamang baunan may nakalagay na sticky note:

Goodmorning Mylabs!

I made this for you Mylabs! Pakabusog ka ha. Alam kong busog na busog kana sa pagmamahal ko pero mas bubusogin pa kita. Kain madami Mylabs. Ingat ka lagi, ako na bahala mag ingat sayo sa future😉.

Ano ba yan Joyce kinikilig ako pati mga alaga ko sa tiyan dahil sa pamessage mo. Elem me nemen ne busog ako lagi diba. Ano ba yan Mylabs parang usto ko na pumuntang future kung ikaw din Naman nag aantay sakin dun. Ene be!

"Ate maglupasay kana kaya dyan nahiya ka pa!"sabi pa ni Nath. Inirapan ko lang siya. Inggit ka lang.

"So sino po ba sa kanila ang sasagutin mo Ate?"biglang sulpot ulit ni Thea. Parang Kabute talaga tong batang to.

"Wag mo munang sagutin te! Para may ayuda lagi"sabat pa ni Dhelsa. Pakalat kalat tong mga kaluluwang to.

"Sinong pipiliin ko Si Regine , Si Mafe o si Joyce~"kanta pa ni Thea. Feel na feel niya pa kahit sintunado.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon