44

14 2 0
                                    


GM'S

Nandito kami ngayon kila Nath, nagcecelebrate kami ng Monthsarry nila ni Micaela. Kunting salo-salo lang naman. Kompleto kaming magbabarkada.

"Ate pwede po ba to kay baby Wish?"tanong ni Thea at ipinakita sa amin ang bote. Teka shit bote ng wine.

"Tangina mo Thea igagaya mo naman si Wish sa Ninang Ica nya"Sabi ni Mia.

"Ano po ba to? Diba milk to?"inosenteng tanong ni Thea.

"Wine yan Thea"Sabi ni Pam

"Wine pala to?!, papatayin ko talaga yung manong na nagbenta nito, sabi niya milk to!"gigil na sabi ni Thea.

"Sgi lang balikan mo na dun, sagot ko na yung St.Peter"sabi pa ni Mia. Halatang lasing na ang loka

Nagbreak na kasi sila ni Zed a month ago at balita namin umalis na din ng bansa si Zed for good daw. Kaya ang Lola nyo laging wasted,dinaig pa si Ate Ica. Ang malala pa nung nalasing, bumili ng isang bar at factory ng alak. Naging basagulera na din siya lately, sayang yung maganda nyang mukha kung papasuntok niya lang pero infairnes di naman siya napupuruhan yung mga nakakasuntukan niya lang yung laging nakakatulog ng panghabang buhay.
Nag aalala na nga sila Tita Ley sa kanya except sa umuuwing wasted ay napapabayaan na din niya yung sarili at pag aaral niya graduating pa naman siya this month. Pati kami nababahala na sa kaibigan namin, gusto nya yatang sirain talaga ang buhay niya.

"Mia ang aga pa lasing kana agad"Sabi ni Ate Ica.

"Goods lang yan Ate, it's better early than never diba"Sabi ng lasing na mia.

"Tanga anong goods dyan?"sabat naman ni Nath.

"Uy happy Monthsarry pala sa inyo lovebirds!!"bati pa ni Mia.

"Nakarami ka na ng bati ngayon Mia. Pang lagpas sampo mo na kaming binati"Sabi ni Nath.

Tumawa naman kaming lahat dahil totoo naman talaga ilang ulit na siyang bumabati kila Nath.

"Mia maglalasing ka nalang ba buong buhay mo?"tanong ni Nath.

"Depende, pero parang usto ko din yung idea"sagot ni Mia. Binatukan naman siya ni Nath.

"Anong depende ka dyan?! Ayusin mo na nga yang buhay mo!gagraduate na tayo"sermon pa ni Nath.

"Goods lang yun, gagraduate pa rin naman ako"sabi ni Mia sabay tungga ng alak.

"Tangina mo naman Mia!"Sabi ni Nath at umalis.

"Ate Pam san po ba nakalagay yung stroller ni baby Wish?"tanong ni Thea.

"Nasa sala Thea"sagot ni Pam.

Binilhan kasi ni Mia ng Stroller at Crib si baby wish Hindi lang isa ang binili kundi lima, advance gift na din daw niya kay wish, tangina yung si Mia iisa lang si wish anong gagawin niya sa limang stroller at limang crib?. Ito pa mas malala pinagawan na niya ng playground si Wish sa bakuran namin, muntik ko pa nga siyang ipadala sa mental kasi para siyang sirang bili ng bili kahit di naman kailangan. May isang beses pa na gusto nyang ipabago ng design ang room ni Wish kaso ayaw ko kaya wala din siyang nagawa.

"Mia inom tayo mamaya dun sa bar na nabili mo"Sabi pa ni Ate Ica.

"Alin dun te?"tanong ni Mia.

"Don't tell me bumili ka na naman ng isang bar ulit Mia?!"tanong ko.

"Hehe"tumawa lang siya. Binatukan ko naman siya.

"Tangina mo Mia! Alam mo ba magkano yung mga pinagbibili mo?subrang mahal ng mga yun?aanhin mo ba Yun?jusq naiistress ako sayong hinayupak ka!"Sabi ko.

"2 lang naman nabili ko ay Hindi 3 pala, ay di ko pala sure ilan yun"Sabi niya sabay kamot ng ulo Niya.

"Mas malala ka pa pala sa inaasahan ko Mia"Sabi ni Pam sabay tawa

"Puta Mia dinaig mo pa si Ica"Sabi ni Ate Jez.

Ewan ko nalang anong gagawin namin dito kay Mia. Hahayaan na muna namin to, baka sa mga susunod na araw magtino na to o baka naman pagnabagok na to maging matino na ulit to.

"GM! SI WISH NAWAWALA!"sigaw pa ni Nath. Kaya nagulat kami at nagpanic.

"ANO?ANG ANAK KO NAWAWALA?!ASAN SI THEA?!"sigaw ko.

"Nawawala din kasama si Dhelsa!"Sabi ni Nath.

"Tangina naman oh!"Sabi ko.

"HALUGHUGON ANG BUONG BAHAY!"sigaw ko pa agad naman silang kumilos

"Babe si Wish"Sabi ni Pam at yumakap sakin.

"Makikita natin ang anak natin Babe, wag ka mag alala"Sabi ko sa kanya.

Hinalughog na namin ang buong bahay wala talaga sila. Actually kami lang pala kasi yung isang lasing chill lang sa isang tabi.

San na naman ba sila nagpunta? Kahit kailan talaga tong si Thea!

Bigla namang bumukas ang pinto. Nakita namin si Thea,Dhelsa at si Wish.

"Ano pong ginagawa nyo?naglalaro po ba kayo?Andaya naman sali nyo kami"Sabi ni Thea. May bitbit siyang mga paper bags.

Lumapit agad ako sa anak ko.

"Shuta ka Thea pinag alala mo sila"Sabi pa ni Mia. Binatukan ko naman siya.

"Tangina mo di ka nag alala?!"Sabi ko.

"Hindi"sagot niya. Binatukan naman siya ni Nath.

"Walang kwenta kang Ninang ni Wish"Sabi ni Nath.

Nagwalk out naman si Mia.

"Nath bat mo yun sinabi!"kinutusan ni Ate Ica si Nath.

"Alam mo namang ang sensitive nung tao baby"Sabi ni Mica.

"Kumakampi ka pa talaga sa kanila? Babyhin mo mukha mo!"Sabi ni Nath at umalis

Teka nga siya na nga yung may kasalanan siya pa yung galit?. Mga babae nga naman di ko talaga sila maintindihan.

"Suyuin mo na dun Micaela"Sabi ni Ate Reg.

"Any tips Ate Reg?"tanong ni Micaela.

"Ikama mo agad para mawala ang tampo"Sabi ni Ate Reg. Hinampas naman siya ni Ate Ica.

"Ang halay mo!mga tinuturo mo kay Micaela baka sundin nya talaga"Sabi ni Ate Ica. Tumawa naman si Ate Reg.

"Sayo lang naman ako mahalay love"Sabi ni Ate Reg and pinch her nose.

"Tse!"Sabi ni Ate Ica.

"Aysus kinikilig ka lang te!"panunukso ko pa sa kanya.

Nagwalk out naman si Ate Ica. Teka ano ba! bat uso yung walk outan dito?

"Ate Pam ito po pala para kay baby Wish"iniaabot ni Thea ang mga paper bags na hawak niya kanina kay Pamela.

"Mga damit at baby kits lang po yan, yung isang bag lang po yung samin dyan, yung iba pinabinili ni Ate Mia"Sabi ni Thea.

Nakonsensya naman ako sa nasabi ko kanina kay Mia. Kahit ganun yun Mahal na mahal pa din nun ang anak namin ni Pam. Bukas ko na nga lang yun kakausapin yun, yung di na siya lasing. Mahirap pa naman yun kausapin paglasing yung tipong kumakausap ka ng isang baliw.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon