17

18 4 9
                                    


ICA'S

Nandito kami ngayon sa sala kumakain. Nagpadeliver lang naman si Mia ng subrang daming pagkain at kape galing sa store nila. Di ko alam kung anong meron sa kanya at napagtripan na namn niyang magpadeliver ng subrang daming foods. Anyways di pa naman siya mamumulubi dito eh sa yaman ba naman ng batang yan.

"Bat pa kashi di nalang shila magtanan"reklamo pa ni Nath. Punong puno pa ang bibig niya kaya may tumatalsik.

"Ew gross!" Sabi pa ni Sharlotte.

"Ew bitter!"sabi naman ni Nath. Inirapan lang siya ni Sharlotte.

"Nath may bisita ka"sabi ni Nikka.

"Sino daw?baka naligaw lang yan o baka ibang Nathalie yung hinahanap nyan"Sabi pa ni Nath di man lang nag abalang lumingon.

"Eli daw pangalan niya"Sabi pa ni Nikka. Bigla namang nabulunan si Nath binigyan agad siya ng tubig ni Dhelsa

"Ano?!Eli?"gulat na tanong ni Nath.

"Oo nga paulit ulit!labasin mo nalang"Sabi pa ni Nikka.

"Mukhang magkakalablayp kana Nath ah"tukso ko pa sa kanya. Bigla naman siyang namula. Aba something fishy ha. Umalis na si Nath.

"Ate Ica tignan mo to oh"inabot ni Thea ang phone Niya. Nakita kong may pic dun mas nagulat ako sa nakita kong laman ng pic, si Regine at si Kat, nakahalik si Kat sa noo ni Regine at nakayakap naman sa beywang ni Kat si Regine. Binasa ko ang caption. "You're worth the wait" nakita kong si Kat ang nagpost at nakatag si Regine. Pumunta akong comment section nakita kong nagcomment si Regine ng "Deserving ka po❤️". Parang gumuho ang mundo ko, di ako makapaniwala. Akala ko ba ako ang Mahal mo? Pero bakit?.

"Ate okay ka lang ba?"tanong ni Mia. Naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko.

"Huli na pala ako"sabi ko. Di ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Akala ko makapaghihintay pa siya. Malapit na sana Reg bat ka pa sumuko.

"Ate tubig ka muna"inabotan ako ng isang basong tubig ni Dhelsa.

"Alam mo na ba ang tungkol dun Mia?"tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Kanina ko lang nalaman te"Sabi ni Mia. Gusto ko munang mapag Isa. Tumayo ako hinawakan naman ni Mia ang kamay ko.

"Ate san ka pupunta?"tanong niya sakin.

"Gusto kong mapag isa, Bitawan mo muna ako mia"sabi ko. Binitawan nya naman agad ang kamay ko.

Umakyat ako sa kwarto at inilock ito. Nagsimula ng magsipatak ang mga luha ko. Huli na ang lahat may nagmamay ari na sa kanyang iba. Humiga ako sa kama at dun humagolgol. Bat ba kasi ang bagal ko. Ang laking Tanga mo talaga Angelica!
Di ko namalayan nakatulog na pala ako.





MIA'S

Nasasaktan akong makitang nasasaktan si Ate Ica. Di ko rin naman masisi si Regine dahil antagal na din niyang naghintay kay Ate. Pero huli na ba talaga ang lahat? Naniniwala ako sa kasabihang kung kayo talaga eh kayo talaga. Patunay na dun sila Gm at Pamela. Alam Kong malalagpasan din nila to.

"Asan si Ate Ica?"tanong pa ni Nath.

"Nasa kwarto, wag mo munang puntahan"sabi ko sa kanya. Nagtaka naman siya.

"Nakita na ba niya?"tanong pa ni Nath. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Oo"I said. Napabuntong hininga naman si Nath.

"Kung kailan pa magkakaron na ako ng lovelife saka pa nagkaaberya kay Ate Ica"Sabi pa ni Nath.

"Magkakajowa kana po?Sinong malas na tao ang nabiktima mo te?"sabat pa ni Thea. Binatukan naman siya ni Nath. Naaawa na talaga ako sa batang to lagi nalang nababatukan.

"Anong malas?!kung Tirisin kaya kita dyan!"gigil na sabi ni Nath.

"Naawa lang naman po ako sa magiging jowa nyo po"paliwanag pa ni Thea.

"Aba dapat mas maawa ka sa sarili mo dahil bubugbuggin kitang bata ka!"Sabi pa ni Nath. Tumakbo naman agad si Thea.

Nakita ko naman si Zed na kakapasok lang. Nakaplain white shirt, black maong short at white shoes siya. Ang ganda niya pa rin kahit simple lang ang suot niya. Nagslowmo ang paglakad niya papunta sa kinaroroonan namin. Bigla ko namang naramdaman na may sumiko sakin kaya napabalik ako sa reyalidad.

"Hi Zed!"bati ko pa sa kanya. Buti di ako nautal.

"Hi"sabi niya pa at binati ang iba naming kateammates.

"Take this"inabot ko sa kanya ang isang paper bag. Nagtataka siya pero kinuha nya pa din to.

"Ano to?"tanong niya pa.

"It's your favorite buttered shrimp" I said and smile at her.

"Naalala mo pa talaga. Thank you for this" sabi niya pa at ngumiti sakin. Yang mga ngiting yan talaga ang nagpapalambot ng mga tuhod ko. Kung si superman is kryptonite ang kahinaan ako naman ay ang mga ngiti ni Zed.

"Walang anuman" I said.

"Akyat na ako ng room natin."paalam nya pa sakin. Umalis na si Zed at pumuntang room namin.

"Naks iba talaga ang mga galawan ng isang Mia Bernas!"Sabi pa ni Nath habang pumapalakpak pa.

"Manang mana ka talaga kay Ate Mika mo Baby M"sabat pa ni Ate Van.

"Based on experience ba yun Ate Van?"panunukso ko sa kanya. Namula naman siya.

"Ewan ko sayo baby M." Sabi niya at naglakad paalis. Tumawa naman kaming lahat.

"Di pa ba bumababa sila Gm?"tanong ko sa kanila.

"Hindi pa. Hayaan mo na sila alam mo naman yun laging bebe time"sabi pa ni Nath.

"Hanep di pa ba sila nagsasawa?"sabi ko at tumawa.

"Ewan, kung ako nga di ako magsasawa. Kahit di na kami lumabas ng kwarto ng bebe ko okay lang basta makaano ko lang---"pinutol ko na ang sasabihin ni Nath.

"Anong makakaano ka dyan Nath? At sinong bebe?babalikan mo ulit si Sandy?"tanong ko pa sa kanya

"Hoy! Di na ko babalik dun sa kupal na Yun nagising na ako sa bangungot na yun."sabi niya pa

"Aba mabuti naman at nagising kana. Sino nag umpog sayo sa pader papasalamatan ko lang"sabi ko kinutusan naman ako ni Nath.

"Alam mo may bago ng magkukulay ng Mundo ko"kinikilig na sabi ni Nath.

"Ay hulaan ko painter to. Kasi magkukulay daw eh" sabi ko at tumawa

"Enebe de siya penter nu" pabebe pang Sabi ni Nath.

"Ew para kang Aso!"sabat pa ni Sharlotte.

" Ew para kang ampalaya!"sabi naman ni Nath at inirapan si Sharlotte.

"So sinong malas na tao ba yan?"tanong ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa malas na tao"reklamo pa niya.

Tumawa naman ako

"So sino nga?"sabi ko.

"Si Eli" sabi nya

"Sinong Eli? Eli Reyes?"tanong ko pa

"Sapol ka dyan, pwede ka ng pumalit kay madam Auring!" sabi niya pa.

"Aba ganda ng taste buds mo ha. Goodluck sa kanya" I said at saka tumakbo papuntang room. Makatulog na nga lang.






--------------------------

A/N: Hey guys please don't hate me for this chapter. Need din Kasi to ng story.
Wag nyoko isumpa mga mare. Sana di na kayo bitin dyan

HAPPY READING!







THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon