15

18 4 1
                                    


MIA'S

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Kinapa ko to. Sinagot ko agad

"Hello po is this Miss Mia?"tanong ng nasa kabilang linya

"Yes po sino po sila?"I said nakapikit pa rin ako.

"Ah bartender po to ng Laugh² Bar. Nandito po kasi yung may ari ng phone na to. Lasing na lasing na po. Pakisundo nalang po"Kuya Barista said. Tinignan ko ang pangalan ng Caller. It's Christ. Hay nako ano na naman to Christ.

"Okay po Kuya text me the address po. thank you" tumingin ako sa wall clock kung anong oras na gash It's 2:30 Am.

Binaba ko na ang tawag.

I received the address of the bar. Pumunta akong kwarto nila Dada at kumatok, magpapasama nalang ako kay Dada delikado na at Bar pa Naman ang pupuntahan ko.

"Oh bebi bat gising ka pa?Anong kelangan mo?"tanong pa ni Dada.

"Da samahan mo naman ako sa bar"I said.

"Bat ka naman pupunta ng bar?"nagtatakang tanong ni Dada.

"We need to fetch Christ there but first let's just call Mommy Mary Ann"I said.

Tinawagan ni Dada si Mommy Mary Ann bago kami pumuntang bar. Sinabihan ni Dada sila Mommy Mary Ann na sa bahay nalang kami antayin. Pagpasok namin sa Bar bumungad sa akin ang halo-halong Amoy na Hindi ko maintindihan para akong nasusuka na hindi ko alam. Naglakad  na ako para hanapin si Christ at nakita ko naman agad si Christ sa may Counter area. Linapitan ko siya.

"Hey Christ!Gising!"yugyog ko pa sa kanya. Ungol lang ang tinugon niya.

"Uwi na tayo! Gising na Christ!" Hila ko pa sa kanya, ang bigat niya naman.

"Wag ka nga malikot Mia! Bat siya ganun mia"sabi niya pa habang umiiyak. Umiiyak siya na parang batang inagawan ng lollipop.

"Sinong siya ba?"hinimas ko ang likod niya.

"Hindi ba ako deserving?Bat di ako pinili niya!pwede naman yun ipilit diba!sabihin mo Oo"hagulgol niya pa.

"Is it Catherine?"tumango naman siya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Iiyak mo lang yang lahat ng hinanakit mo"sabi ko sa kanya.

"Ang unfair kasi niya,bat di niya sinabing may jowa siya!"sabi ni Christ

Hay nako Catherine malilintikan ka talaga sakin.

"Wala naman talagang fair dito sa mundo. Iyak ka lang dyan. Bubugbuggin ko si Catherine bukas"kinutusan niya naman ako.

"A-aray naman. Biro lang naman yun. Halika na nga uwi na tayo!"buong pwersa ko siyang hinila. Buti naman di na siya nagmatigas.

Pagdating namin sa bahay nandito na sila Mommy Mary Ann magkausap sila ni Mama. Di naman strict si Mommy Mary Ann pagdating kay Christ pero may limitations din naman Yun.

"Anong nangyari sayo Christ?"tanong pa ni Mommy Mary Ann.

"Mommy!"lumapit si Christ kay Mommy at humagulgol. Umiiyak si Christ sa Mommy niya na parang batang inaway ng kalaro Niya.

"Okay lang yan anak. Nandito na si Mommy"hinimas himas ni Mommy ang likod ni Christ mas lalo pa itong humagulgol.

Mayamaya pa ay nakalma na si Christ Kaya napagpasyahan na din nila Mommy na umuwi na,mag uumaga na din kasi. Naaawa ako sa sitwasyon ni Christ halatang seryoso siya sa pagmamahal niya kay Catherine, ilang buwan na din siyang nanliligaw kay Catherine pero ngayon lang niya nalaman na may jowa na pala ito. Alam kong magiging okay din si Christ strong na tao si Christ naniniwala ako dun.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon