5

58 3 0
                                    

5:00 am

I decided to jog, it's too early pa din naman tapos di na ako makatulog ulit. Sa loob ng village lang ako nagjo-jog para di naman masyado mag alala sila Dada,knowing Mama pagdi ako nakikita first thing in the morning napaparanoid agad. I texted them din naman kanina na magjojogging ako.

"Miyat!!"

Napatigil ako ng biglang may tumawag sakin,maliban kay Ate V. may isang tao pa namang tumatawag sa akin ng Miyat at nasa ibang bansa ito, Teka pamilyar ang boses Kaya tumingin ako sa palibot kung sino ang tumawag, may tumatakbong babaeng kumakaway papunta sa direction ko. Tinitigan kong mabuti ang babaeng palapit sa akin.

Matangkad,mahaba ang buhok,maputi, naka Gray floral dress at naka white shoes. Oh no! Don't tell me it's Jhowjhow?. Kumurap ako ng maraming beses baka nanaginip lang ako pero totoo talaga ang lahat. Di ko namalayang nakayakap na pala siya sa akin.

"Hoy ba't di ka kumikibo? Di mo ba ako namiss?" - nagpout siya na nagpapahiwatig na nagtatampo siya.

It's been 3 years simula nung umalis siya ng Pilipinas, 3 years na din kaming di nagkita. She's Joshia Denise Montebon. My ex, we broke up 3 years ago.

"Hey! Magsalita ka naman. Para kang nakakita ng multo" - tumawa siya

Sino bang di magugulat? Sa haba ng panahon na nawala ka tapos bigla ka nalang magpapakita tapos kung makapag acting ka parang walang naganap 3 years ago. Gago ba siya?. Hello ako lang to yung iniwan mo sa ere.

"Hey?"- niyugyog niya ako kaya nabalik ako sa realidad.

"Hey, kailan ka lang nakabalik?" - I need to act normal. Kung ano man ang naganap noon di ko na muna uungkatin.

"Kagabi lang, busy ka ba ngayon?"- nakaakbay na siya ngayon sakin. Actually mas matangkad siya sa akin ng kunti.

"Bakit naman?"

"Wala ka pa ring pinagbago nagtatanong ka pa rin pabalik" - she laugh.

"Bakit nga?"

"Busy ka ba?Aayain sana kita na mamasyal" - ngiting pa cute. Nako Jhowjhow di mo na ako madadaan sa mga ganyan.

"Naku pasensya na may lakad kasi ako tapos birthday din ni Tita Maris ngayon"

"Mamayang hapon pa naman yun eh. Marami ka pang free time diba" - nagpout na siya na tila ba isang tuta na nagpapaawa.

"Pasensya na talaga may mga nakalaan na Kasi sa oras ko, maybe next time?" - ngumiti ako, Sana pumayag nato oh.

"May date ka sguro nu?pinagpalit mo na ako agad?nakakatampo ka"-ginamit na naman nya ang kanyang pangmalakasang pout. Tignan mo tong babaeng to siya na nga yung nang iwan sya pa tong may ganang magtampo na may bago na ako. Natatawa ako sa pumasok ba idea sa utak ko.

"Ah oo eh sa totoo lang may date talaga ako ngayon, ah jhow una na ako ha" - inalis ko na ang kamay nyang nakaakbay at aakmang lalakad na ng bigla siyang magsalita

"You're mine Beatriz. I will do everything to make you back to me. Akin ka lang!"-tumalikod na siya sa akin. Naiwan naman akong nakatulala. Gagi talaga yun kung ano ano nalang sinasabi bahala nga siya sa buhay Niya.

Pagkauwi ko sa bahay naabotan ko si Dada sa living room na nagbabasa ng newspaper, lumapit ako sa kanya para magmano at humalik sa pisngi.

"Goodmorning Da! Asan si Mama?"I said

"Andun sa kitchen bebi nagluluto"Dada said

"Sigi Da puntahan ko lang si Mama"I said

"Bebi pakigising na rin si Ate Yang mo ha"- nagwink pa si Dada, tulog mantika kasi si Ate V,di kasi siya matatawag morning person,yan yung sa tingin ni Dada na namana sa kanya ni Ate,ganyan kasi si Dada nung kabataan.

Pagpasok ko sa kitchen naabotan ko si Mama na nakaharap sa stove at mukha yatang di pa tapos sa pagluluto.

"Goodmorning Ma"-hinalikan ko siya sa pisngi.

"Goodmorning Bebi, how's your morning jog?"Mama asked

"Okay lang po naman Ma"I said

"Tumawag pala kanina si Tita Denden mo may date ka daw mamaya"-tanong pa ni Mama. Kahit di pa siya nakaharap sa akin alam kong naningkit na naman ang mga mata nya, mamaya pagdi ko sinagot ng totoo magtatampo na siya.

"Ah oo po, magmo-mall kami ni Zed mamaya Ma?"- sana naman makalusot ako this time.

"Sinong Zed?"tanong pa ni Mama

"Yung bago ko pong ka roommate"sagot ko Naman.

"Umamin ka nga bebi, iniiwasan mo pa rin ba?" - patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Sasabihin ko na nga lang yung totoo alam ko naman di Niya ako titigilan at magpapakampi na naman siya kay Dada.

"Ano kasi Ma, opo nagkita po kasi kami kanina ni Jhowjhow tapos inaya nya akong lumabas. Sinabi ko nalang na busy ako at may date, alam mo naman yun mapilit yun Ma eh tapos ayoko pa siya makasama."-kumuha ako ng tubig sa Despenser nagbabadya na kasing tumulo ang mga luha ko.

Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Mama. Umakbay siya sa akin at hinimas ang buhok ko. Pinaharap nya ko sa kanya at yinakap.

"Alam naman namin na di ka pa handa bebi, andito lang kami para sayo. Wag mo ipilit kung di mo pa kaya, Okay? I love you"-humalik si Mama sa noo ko.

"Okay po Ma, I love you too"I said

Alam nila Mama ang lahat ng naganap between me and Jhowjhow wala akong tinago sa kanila. I'm blessed to have a parents like them. Kahit di man sila katulad ng mga Normal na couple hinigitan naman nila ang mga katangian ng isang normal na couple. Hindi ako mahihiyang ipagmalaki sila sa buong mundo.

Umakyat na ako sa kwarto para makapaglinis ng katawan at gisingin si Ate.

"Yang samahan mo muna si Mama mo sa Shop mamaya ha"- sabi ni Dada. Nasa dinning area kami ngayon nag aagahan.

"Ehhh Da sama nalang ako sayo please"- nagpuppy eyes pa si Ate.

"Di pwedi yang, kailangan mo munang samahan ang Mama atsaka si bebi naman ang sasama ko muna"-paliwanag pa ni Dada. Nakasimangot na ngayon si Ate.

"Lagi nalang si Bunso ang sinasama mo Dada eh nakakatampo ka na Da"-nagkunwari pang naiiyak si Ate. Pangit niya pa namang umiyak.

"Tama nga naman ang Dada mo Yang. Atsaka need na din matrain ni bebi kung paano ang pamamalakad sa company, bakit ayaw mo ba samahan si Mama?"-paliwanag pa ni Mama.

"Hindi naman po sa ganun Ma"Sabi ni Ate.

"Pangit mo talaga umiyak Ate"-biro ko pa. Inirapan nya lang ako.

"At Isa pa your Mama needs someone to accompany her."Dada said.

"Okay po Da"labag sa loob na sagot ni Ate.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon