42

8 2 0
                                    

MIA'S




It's been months simula nung lumipat ako ng condo na katabi ng condo ni Zed. Nung una nga ayaw talaga pumayag ni Mama pero pinipilit ko talaga siya araw araw,ansaya ko nung finally pumayag na siya.

Nasa unit 8 ako habang siya nasa unit 9 si Zed. Nagiging mas maganda na ang takbo ng lovestory namin, nasabi na nya din sakin kung bakit niya ko iniiwasan dahil nakabantay pala sa kanya ang mga tauhan ng mama niya at alam ko na din kung bakit.

Maayos naman ang set up namin dito sa condo. Minsan nags-sleep over siya dito sa unit ko o di kaya nagmomovie marathon kami, Yun nalang ang ginagawa naming bonding, dahil hindi kami pwedeng basta basta nalang magdate sa labas.

Sa halos araw-araw na magkasama kami ni Zed pinapakita niya sakin kung gaano siya ka worth it, lagi niya ding pinapadama sakin kung gaano niya ako kamahal. Kulang na nga lang di na niya ako papatayuin sa kama, lagi niya akong binibaby. Inaamin ko nag eenjoy naman ako.

Bininyagan na pala si baby Wish last week, kunti lang ang kinuhang mga ninong at ninang syempre kasama na kami dun, di dapat kami mawala baka magkaron ng world war 4. Si Gm at Pam ay lumipat na sa isang subdivision malapit sa tinutuluyan ni Ate Ica dahil yun din ang hiling ni Ate Ica, nagtampo pa nga nun si Ate nung sinabi ni Gm na lilipat na sila dahil daw maiiwan na siyang mag Isa sa bahay at mamimiss niya si Wish. Kaya ayun napagdesisyon nila gm na dun nalang sa malapit lumipat para mabisita din agad ni Ate Ica si Wish pag namiss Niya ito.

Engaged na din pala sila Ate Ica at Ate Regine nung isang araw. Sa Boracay nagpropose si Ate Regine kay Ate Ica nung nagbakasyon silang dalawa para sa Monthsarry nila. Kaya tuwang tuwa ang lokang si Ate Ica. Pero di pa naman daw this year ang kasal, pagpaplanohan pa daw nila.

Ngayon plano kong esurprise si Zed, wala namang okasyon gusto ko lang talaga iparamdam sa kanya sa araw araw na mahal na mahal ko siya. Siya ang pipiliin ko sa araw-araw.

Sa unit niya gagawin ang surpise. Bumili ako ng mga pangdecorates dun sa isang shop na pangalan ay Mamarazzi. Nagsimula na akong mag design, pinalobo ko na ang mga balloons, bumili din ako ng cake at flowers. Naglagay ako ng mga candles at petals sa sahig para romantic, odiba parang nasa pelikula lang. Pagkatapos kong magdesign ay pinuntahan ko na si Zed sa bahay nila Ate Jez dahil nag aya kasi kanina si Ate Jez di niya din matanggihan tampororot pa naman yung si Ate Jez.













Third Person POV.

"Miss can I asked if umalis ba yung nasa unit na under my name Chase Victonara Rodriguez"tanong ni Chase sa receptionist.

Kakagaling lang nito sa isang meeting malapit sa condo ng Anak. Pupuntahan niya ito para sunduin at magdinner sa bahay.

"Opo ma'am kakaalis nya lang po kanina kasama ang kasama nyang babae"Sabi ng receptionist.

"Kasama niyang babae?"tanong ni Chase

"Ah opo ma'am yung kaibigan ng kasama lagi nung nasa unit nyo po,taga kabilang unit lang din po siya na katabi ng unit nyo po"Sabi ng Receptionist.

Tumango si Chase.

"Can I get a spare key of my unit?baka Kasi malate siya ng uwi dun din Kasi ako matutulog."Chase asked the receptionist

"Yes po ma'am wait lang po"Sabi ng Receptionist.

Tumango si Chase at naghintay na kunin ang susi ng unit niya.

Pagkatapos makuha ni Chase ang susi ay agad siyang nagpunta sa unit niya para makapagpahinga na din.

Pero laking gulat niya sa nakita niya sa pagpasok sa unit niya.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon