28

23 3 3
                                    

ICA'S


2 MONTH LATER.......


"Ate Ica kamusta na pala si Mia?"tanong ni Nath.

"Well sadly to say hindi pa siya okay"Sabi ko. Napabuntong hininga naman si Nath.

Mag-iisang buwan ng naganap yung revelation ng pagkatao ni Mia, pinagbakasyon na muna siya para naman malinawan na siya sa lahat ng nangyayari. About naman sa kasal ng Gamela pinostpone na muna nila dahil sa nangyari kay mia, ang pangit naman nun kung magpapakasal sila ng Wala ang taong may malaking parteng ginampanan sa lovestory nila, after nalang ng pagbalik ni Mia sila magpapakasal.

Wala na din pala kami sa dorm kasi kakagraduate lang namin last month. May work na din ako sa company namin, si Gm naman ay manager ng restaurant nila at si Pamela naman ay naging ganap na doctor na at sa hospital nila Mia siya nagtatrabaho ngayon. Naiwan sila Nath, Thea at iba pa sa dorm dahil may ilang buwan pa silang gagapangin para makapagtapos.

Dito muna kami pinagstay ni Mia sa bahay niya sa city, actually niregalo lang to ng Mommyla niya Incase daw na gusto niya tumira mag Isa sa city. Kasama ko dito ang Gamela, may 4 rooms ito medyo malaki din. Nung una di namin tinanggap Yung offer ni Mia kasi naman ang dami nya ng naitulong sa amin mas inuuna niya pa nga kami kesa sa sarili niya. Dahil na rin sa pagiging mapilit niya eh tinanggap na din namin.

Sa panliligaw ko naman kay Regine so far okay lang naman pero may epal na umeeksana sa buhay namin. May nagpupumilit lang namang manligaw sa kanya at walang iba kundi si Yna Salvador. Nangigigil ako sa kanya sarap nya tirisin!. Lugi pa naman ako kasi magkaworkmate sila, naiinis talaga ako sa epal na yun.

"Ate Ica napadala ko na ang flowers at chocolate kay Ate Reg"Sabi ni Nath.

Laking pasasalamat ko talaga at nandito sila Nath at Mia na tumutulong sakin sa panliligaw ko kay Reg. Speaking of Nath wala na pala sila ni Eli 2 months ago dahil napag alaman ni Nath na may jowa na pala si Eli kaya ayun bugbug sarado at na hospital ng isang buwan kung ano man ang tinamo na pinsala ni Sandy at Haliparot noon ay mas malala naman ang natamo ni Eli pero goods na din yun dahil dumating naman si Micaela na muling nagpatibok sa puso niya.

"Ate alis na ako ha magdedate pa kasi kami ng bebe ko"Sabi ni Nath.

"San naman?"tanong ko.

"Dun lang sa timezone te, alam mo naman na gusto ko laging masaya ang bebe ko except na napapasaya ko siya sa ano--"naputol ang sasabihin ni Nath dahil binatukan ko siya.

"Tong batang to!kung ano anong pinaggagagawa ko kay Micaela ha"Sabi ko pa tumawa naman siya

"To naman si Ate ang dumi ng pag iisip Sabi ko except sa pagpapakilig ko sa kanya"Sabi pa ni Nath.

"Umalis ka na nga lang!"pagtataboy ko pa sa kanya.

Hay nako mga bata talaga!. May phone beep kinuha ko naman ito sa bulsa ko.

RA of my life❤️

I received the flowers and chocolate Ica, thank you for this! Anyway about sa invitation mo sa dinner mamaya Hindi ako makakapunta Kasi mas nauna Kasi mag-aya si Yna,pero wag ka magtampo dyan babawi ako bukas ha. Ingat ka!


Urgh!kainis talaga ang epal na yun!kahit kailan talaga panira. Bat di nalang niya Kasi ecancel yung dinner niya kay Ynang bruha! Urgh!nakakabanas!

"Ate bat ganyan ang pagmumukha mo?Di na naman ba pumayag si Ate Reg sa date nyo?"tanong pa ni Gm.

Kakarating lang pala nila galing work. Usually kasi sinusundo ni Gm si Pam sa work kasi mas nauunang mag out sa work si Gm. Parang mag asawa lang ang datingan ah.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon