30

16 3 0
                                    

ICA'S

Busy kami ngayon sa pag-aasikaso sa kasal ng mabuti naming kaibigang si Gm. Medyo di naman ako napepressure sa kasalang ito. Naawa na nga ako kay Mia dahil siya yung pinipressure ni Gm, Wala na ngang lovelife yung tao pinipressure nyo pa.

"Ate Ica gusto ko po may pink sa dress ko ha"Sabi naman ni Thea.

Skyblue & purple kasi ang theme ng kasal nila Gm at Pamela. Kasama sa mga bridesmaid ang mga teammates namin. Beach wedding ang napili nila Gm kasi they love beaches. Tama din talaga yung napili nila para pagmay ginawang kalokohan si Thea isang lunodan nalang.

"Hindi pwede Thea, Kasi purple and skyblue ang theme ng kasal"Sabi ko.

"Ehhhhh! Ate gusto ko pink!"pagmamaktol pa niya.

"Pwede naman yun Basta wag ka umattend"Sabi ko sa kanya.

"Ate gusto ko kasi ng pink!"Sabi pa ni Thea.

"Mare wag mo nalang ipilit"Sabi pa ni Dhelsa kay Thea. Nagpout naman si Thea. Naglakad na sila papaalis.

Naalala ko may date pa pala kami ni Regine my loves ko ngayon, pupunta kaming amusement park. Doon ko na din siya tatanungin kong payag na ba siyang maging girlfriend ko.

Malapit na din magdilim ang paligid. Lumapit ako kay gm para magpaalam. Ayaw ko pa naman pag antayin ng matagal ang my love so sweet ko.

"Gm!una na ako ha may date pa kasi ako"Sabi ko.

"Siguraduhin mo lang na date yan ha, baka mamaya itatanan mo na din si Reg!"panunukso pa ni Gm

"Loko ka talaga!wag mo ko itulad sayo nu!"Sabi ko pa.

"Sigi na nga, umalis kana! Naway maging masaya ka sa kunwaring date niyo"Sabi pa ni Gm.

"Magdedate nga lang kami!"Sabi ko at naglakad paalis.

Susunduin ko pa pala si Reg sa bahay niya para isang kotse nalang ang gamit namin. Kotse ni Mia ang ginamit namin dahil coding ako ngayon, Hindi ito yung bago nyang kotse ito yung kotse nya nung Highschool, katakot lang magdrive sa bago niyang kotse baka magasgassan ko pa yun mas Mahal pa sguro yun sa bahay at Lupa, jusq wala akong pambayad. Magpapasundo nalang din daw si Mia sa Dada niya, oh diba siya na nag adjust para sa kaharutan ko HAHHAAH.

Naabutan ko si Regine sa labas ng bahay nila naghihintay sakin na nakangiti. Her smile is contagious kaya naman nakangiti na din ako.

"Good evening, my lady!"bati ko sa kanya.

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Nakapasok na siya sa passenger seat umikot naman ako papuntang driver seat.

"Good evening din Ica"bati niya pa sakin.

"You ready?"I said.

"Yes"Sabi niya.

Nagdrive na ako papuntang amusement park medyo may kalayuan din. Agad naman siyang lumabas at nagningning ang mga mata.

Hinawakan ko ang kamay niya. HHWW kami today, wag na kayo umepal. Nagsimula na kaming maglakad lakad.

Nakarami na kami ng rides na nasakyan medyo nahihilo at nasusuka na din ako pero need ko magpakastrong para sa Plano ko. Last na naming sasakyan ay yung ferris wheel. Pumila na kami para bumili ng Ticket. May kasabay kami sa pila na dalawang babaeng teenager.

"Miss ganda naman ng Jowa nyo"Sabi nung babae sakin.

"Naku miss di pa po kami magjowa"Sabi naman ni Reg.

"Ayy sayang naman, miss wag kanang magsayang ng oras, galaw galaw po baka maunahan pa kayo"Sabi nung babae saka umalis.

"Mga kabataan talaga ngayon"Sabi pa ni Reg.

THE CIRCLE OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon