Chapter 12.2

4K 48 20
                                    

NOTE: I'm CURRENTLY EDITING this story. May minor changes tayo sa edad nina Sachiko at Killian. PLEASE, don't get confused. Thank you and GOD bless! Happy reading! :)

CHAPTER 12.2

Kanina pa pabiling-biling si Killian sa kama niya. 12:45am na pero hindi pa rin siya makatulog. Siyempre, may iba pa bang dahilan nito? Wala namang ibang pwedeng dumistract sa kanya maliban kay Sachiko.

Napaka-random ng nararamdaman niya ngayon. Natutuwa siya na naeexcite na natatakot at na-coconfused din at the same time sa pagbubuntis ni Sachiko. Natutuwa siya dahil tapos na ang problema niya, mabibigyan na niya ng apo si Lola Annie sa pamamagitan ng babaeng iyon. Naeexcite siya dahil feeling niya'y adventure na naman itong pagiging batang ama niya. Pero somehow, natatakot din siya dahil hindi niya alam kung kakayanin niya itong i-handle. Hindi rin niya alam kung anong magiging epekto nito sa career niya, maging sa pag-aaral niya. At siyempre, na-coconfused siya dahil sa estado ng relasyon nila ngayon ni Sachiko. Ni hindi sila in good terms nito, bihira lang silang magkasundong dalawa. Hindi niya alam kung paano siya makikipagcommunicate dito nang maayos at matino.

"Ang sakit naman sa ulo nito!" He hissed. Ang sakit-sakit na talga ng ulo niya. Akala niya'y madali lang ito, nung sila kasi ni Colleen ang nagkaroon ng deal, hindi siya namroblema nang ganito. He can handle things well; he can handle their situation far better than this. At iyon ang ipinagtataka niya sa sarili niya. Bakit siya ganito kay Sachiko? Bakit ganito ang nararamdaman niya?

That I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me
and you'll never go
Stop breathing if
I don't see you anymore...                                                                                              
Nagring ang phone niya. (And take note, hindi na chaka 'yung ring tone niya) Agad siyang napabalikwas ng bangon. Kinuha niya ang cellphone niya sa bedside table niya at tiningnan kung sino ang nagtext sa kanya. To his surprise, it was the girl who caused him all these dilemmas.

Message from: Sachiko

Ui kumag, gising ka pa? May sasabihin ako...Reply ka ASAP!

<End of Message>

Wow, kung maka-kumag ito, wagas! Kala mo pa kung sinong makapag-utos. Feeling boss lang ang peg nito ngayong gabi. Nireplayan niya rin ito.

To: Sachiko

Oh himalang gising pa si tukmol. Hahaha Ano naman un??

<End of Message>

Wala pang isang minuto'y nagreply na ito.

Message from: Sachiko

Hoy, hindi ako tukmol! Sabunutan kita jan eh. Hmp! Anyway, may sasabihin lang kase ako sayo tom bago tayo pmunta sa doktor. IMPORTANTE 'to, so don't you dare ignore this! Gawa ka nrin ng rules na gsto mo about stin...

<End of Message>

Napaisip siya sa text nito. Ano kayang importanteng bagay ang sasabihin nito? At anong rules? Rules para saan daw? Nireplayan niya ulit ito.

To: Sachiko

Anung klaseng rules ha tukmol?? Pwede pki-explain nang mtino. Dko gets eh..

<End of Message>

Nagreply agad ito. Natawa siya sa sunod nitong itinext sa kanya.

Message from: Sachiko

Kanina kpa tukmol nang tukmol hndi nko natutuwa!!  Oh well, I was just thinking kung bkit hndi rin tau gmawa ng srili nating rules about dito? I mean ksunduan ba ntin.. Ung prang ginawa lng nmin ni Mr.Tukishiro before kya ako npapayag, and kgya din nung senyo ni Colleen..Gets nb?

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon