Chapter Six

5.1K 62 7
                                    

NOTE: I'm CURRENTLY EDITING this story. May minor changes tayo sa edad nina Sachiko at Killian. PLEASE, don't get confused. Thank you and GOD bless! Happy reading! :)

CHAPTER 6

Kapwa sila hinihingal nang makarating sila sa parking lot ng building. Kanina pa sila tumatakbo kahit napansin nilang wala namang humahabol na bodyguard or security guard o anupamang klaseng guard sa lugar na iyon. Bakit nga kaya wala?

"K-killian, we gotta get out of here," Sachiko was catching her breath. Feeling niya, hihimatayin siya sa sobrang hingal at pagod sa pagtakbo.

"Get in the car, dalian mo!" utos naman sa kanya ni Killian. Maging ito'y hindi pa rin makaget-over sa hingal.

Kapwa sila pumasok sa loob ng kotse. Isang nakabibinging katahimikan na naman ang namayani sa pagitan nila. Pinahupa muna nila ang pagkahingal na nararanasan.

"A-about what h-happened a w-while ago..." Panimula ni Sachiko. Hindi kasi talaga siya mapakali sa nangyari kanina. Imagine, Killian claimed that she was his girlfriend!! At hindi lang iyon ang gumulantang sa kanya, mas nabigla siya sa ginawa nilang "moment" kanina sa opisina ni Mr.Henry.

"Oh, how 'bout 'yung nangyari kanina? What do you mean?" maang namang tanong nito sa kanya. Ang hayop na lalaking 'to, nagpanggap pang hindi alam ung ibig sabihin ng nangyari kanina!

"Don't be so naive! Anong pinagsasasabi mong girlfriend mo ako at plinano mo ito, ha?! Tsaka...WHY DID YOU KISS ME?! DID YOU GET PERMISSION FROM ME, HUH?! ALAM MO BA NA PWED-

Natigilan siya sa pagsasalita. Killian just kissed her again! As in round 2 ng kissing scene nila kanina! She can't believe this, ano na namang katarantaduhang ginagawa ng lalaking ito sa kanya?

Her heart kept on beating faster. Feeling niya, nakalunok siya ng drums sa sobrang lakas ng dagundong ng dibdib niya. 'What is happening to me?'

Marahas niya itong itinulak palayo sa kanya. Bago pa siya madala nang tuluyan sa binibigay nitong kakaibang sensasyon sa kanya'y dapat na niya itong putulin. (Teka, ano raw?! May kakaibang sensasyon siyang na-feel sa halik ng mokong na ito? NO! NO! NO! Erase. Erase. Erase!!!)

Automatiko namang nagpatulak si Killian sa kanya. He ended up laughing on his own seat. Mas lalo siyang nagtaka sa ginawa nito. Tawa lang ito nang tawa habang pinagmamasdan siyang pinamumulahan sa hiya at galit. Binato niya ito ng wallet niya, wala na kasi siyang ibang maihagis dito kundi ang wallet niya na kanina pa niya mahigpit na pinanggigigilan sa inis sa kaharap.

"Aray! Ano ba! Nakakasakit ka na, a!" tumigil naman ito sa kakatawa. Hinimas-himas pa nito ang ulong natamaan ng wallet niya.

"Buti nga sa'yo! Sumusobra ka na kasi! Are you trying to insult me?! Nakakababae ka na, Killian! Nawiwili ka na kakahalik sa akin!" nanggigigil niyang pinaghahahampas pa ito. Todo ilag at awat naman si Killian sa kanya.

"Sus, kunwari ka pa. E, halatang gustong-gusto mo naman! See? Hindi mo ako pinigilan. Aiyiee!" nagpatuloy pa ito sa pang-aasar sa kanya. Nagpanting ang tenga niya sa narinig, dahilan para mas lakasan niya pa ang pamamalo sa katabi.

"Whoa, what is this all about?! Ayan ka na naman! Ang hilig mong manakit!" ginapos nito ang kamay niya. Pilit siyang nanlalaban pero hindi niya kaya si Killian. Malakas nga talaga ang damuhong na ito.

"Teka, teka, let me explain first! Hindi 'yung para kang batang namamalo dyan," hindi pa rin nito mapigilang tumawa. Bagamat naiinis na talaga siya'y tumahimik na lang siya. She really wanted to hear his goodamn reason.

"Okay, here's the thing," kinalma muna nito ang sarili bago nagsalita. He still couldn't control his laughter.

"Actually, that was my brilliant plan! 'Yun na ung pinagmamalaki ko sa'yo kanina," may pagmamayabang na sinabi ni Killian sa kanya.

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon