INTRODUCTION

9.6K 103 5
                                    

To all the readers out there,

Alam kong marami na kayong narinig at nabasa na samu't-saring kwento patungkol sa buhay at pag-ibig. At mas lalong alam ko rin na hindi na bago sa inyo ang isang istorya na kagaya nito na patungkol na naman sa pag-ibig. Ang iba sa inyo, maaaring tititigan lang ang istorya ko, o di kaya'y lalagpasan lang ito at maghahanap na lang ng iba. 'Yung iba naman, iisipin lang na korny din ito gaya ng iba. Ngunit sa ipagtatapat ko sa inyong ito, makuha ko kaya ang mga atensiyon niyo?

Hindi ko sinabing magaling ako, papansin o anupamang pwede kong igawad na kataga sa sarili ko. Gusto ko lang sanang marinig niyo rin ang masaya, magulo, masalimuot, at nakakakilig na istorya ng aking buhay.

Oo, tama na ang ilang taong pagtatago. Maglalantad na ako! Ako si Rina Sachiko Makabe, 19 ys.old, at isang proud and certified Artificial Baby-Maker (ABM).

Hep! Hep! Hep! Wala munang mag-iisip ng masama, please.

Oo na, alam kong may 2 katanungang naglalaro diyan sa malilikot niyong pag-iisip. (Gumagalaw ba ang utak? Haha) Bakit may ARTIFICIAL pa na karugtong ang baby-maker? At bakit din sa dinami-rami pa ng pwede kong pasukang trabaho o raket eh ito pa ang napili ko? Ang sagot ko?

Basahin niyo na lang ang istorya ng buhay ko nang malaman niyo. Hahahaha :)

Sincerely yours,

Sachii ^___^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana po nagustuhan niyo ung teaser trailer ko! I'll upload the first chapter kapag may 10 tao ng nagcomment dito. (para malaman ko naman kung papatok ba to o dedemahin lang. hahahaha :D) THANK YOU SO MUCH PO! :))

<3PAM ÜY

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon