Chapter Twenty Seven

2.8K 31 12
                                    

NOTE: I'm CURRENTLY EDITING this story. May minor changes tayo sa edad nina Sachiko at Killian. PLEASE, don't get confused. Thank you and GOD bless! Happy reading! :)


CHAPTER 27

"Etong si bebe gurl, kanina pa hindi mabura-bura ang ngiti niyan! Anyare?" Kanina pa siya kinukulit nina Anya at Chio sa sasakyan. Ayaw nga niya sanang sumabay sa mga ito but they insisted. Gusto raw siyang ihatid ng dalawa sa Recoletos. Hindi niya tuloy nakasabay si Killian sa pagpasok. Buti na lang at pumayag ang boyfriend niyang hindi siya nito sunduin ngayong araw.

"Basta, masaya lang ako kaya hayaan niyo na lang ako," ang lapad-lapad pa rin ng ngiti ni Sachiko. Hindi talaga siya makaget-over sa ginawa nila ni Killian kahapon. Ang saya-saya nila kahit hanggang sa pag-uwi. Pati tuloy sa pagtulog niya, kinikilig pa rin siya.

"Ay naku, Chichi. Paano kasi, sinurprise siya ni Killian kahapon sa school! Tapos nagdate pa sila. Gabi na nga umuwi 'yan, e. Hindi ko alam kung anong ginawa nilang dal-

"Anya naman, kanina ka pa! Ang dumi-dumi ng utak mo! 'To talaga. Sinabi nang wala kaming ginawa," kanina lang ay todo ngiti si Sachiko sa kanila, pero ngayo'y tila bigla siyang nairita. Ewan ba niya, nagtataka rin siya kung bakit ang bilis magpalit ng mood niya.

"Hay naku, Sachi. Kanina lang, todo smile ka. Tapos ngayon, biglang busangot na 'yang mukha mo? Hindi ka naman kasi mabiro, e. Malay ba namin kung anong ginawa niyo ni Killian kagabi! 'Di ba, Chi?" Tatawa-tawa si Anyang sumulyap sa nagdridrive na si Chio. Katabi niya kasi ito habang si Sachiko nama'y nasa back seat.

"Naku, Anyatot, hayaan na lang natin si bebe gurl. Alam mo, ganyan talaga ang mga juntis, madalas magkaroon ng mood swing!" Tinawanan lang din siya ni Chio. Inirapan na lang niya ang dalawa.

"So, bebe gurl, bati na talaga kayo ni papa Killian? Paano na 'yung pageant na gusto mong salihan? Hindi ka na sasali run?" Si Chio ang muling nagtanong sa kanya.

"Wala na rin naman akong magagawa, Chi. Sayang naman kasi 'yung effort niya sa akin kahapon tapos hindi ko rin pala pagbibigyan 'yung wish niya. Maybe I'm not really meant for that." Sagot naman niya sa kaibigan. Oo nga pala, hindi na siya makakasali sa paparating na pageant sa Recoletos. She promised Killian not to join that pageant for his own peace of mind. Sobra siyang kinilig sa bonggang surpresa nito sa kanya at ayaw niyang sirain ang momentum na iyon. He was so happy yesterday- she could feel it by the way he looked in her eyes. Naramdaman niya 'yung masayahing si Killian. Naramdaman niya na nag-enjoy ito nang husto sa ginawa nila kahapon. Kaya naman ayaw niyang mabalewala lang iyon. May iba pa namang paraan para masupla ang kamalditahan ni Astrud.

"Alam mo, Sachiko, mas maigi na rin 'yung sumunod ka na lang kay Killian kesa suwayin mo pa siya. It's for your own good din naman. Tingnan mo nga, kung hindi siya nagcacare sa'yo, he wouldn't do those sweet surprises to you kahapon." Sumegunda rin si Anya sa kanya.

"Saka, bebe gurl, alalahanin mong jontis ka. Paano na lang kapag biglang uminit ang ulo mo kay Astrud during practice? E, 'di, warla kayo agad! Mas lalo ka lang maiistress." Si Chio naman ang nagsalita. Napatango na lang siya sa sinabi ng dalawa. Kahit kailan talaga, kay Killian sila palaging sumasang-ayon.

Hindi nagtagal at narating din nila ang Recoletos. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan at nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Excited na siyang muli na makita si Killian. Naiisip pa lang niya ang pangalan nito, kinikilig na siya.

"Uy, Sachiko! Ikaw, ha! Ang astig ng surprise sa'yo ni Killian kahapon! Ikaw na, the best ka!" Mabilis pa sa alas-kwatro nang salubungin siya ni Carmela sa room. Agad din namang nagsilingunan ang iba pa niyang kaklase. Nginitian niya lang ang mga ito at saka umupo na. Sinundan pa rin siya ni Carmela.

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon