Chapter Twenty Five

3.1K 37 10
                                    

NOTE: I'm CURRENTLY EDITING this story. May minor changes tayo sa edad nina Sachiko at Killian. PLEASE, don't get confused. Thank you and GOD bless! Happy reading! :)


CHAPTER 25

"Hoy, Sachiko. Bakit kanina ka pa walang imik diyan? May problema ka ba?" Kanina pa siya kinukulit ni Carmela simula pagpasok niya sa klase nila. Uwian na nila ngayon at kasalukuyan na siyang nagliligpit ng gamit niya.

"I'm okay, Carmela. Medyo masama lang pakiramdam ko," she gave her a fake smile. 'Yung totoo, hindi talaga siya okay. Kanina pa siya nahihilo sa paligid niya. Idagdag pa ang problema nila ni Killian.

"Girl, kung si Killian ang problema mo, huwag mo nang isipin 'yun! Nabigla lang siya. I'm sure papayag din siya sa pagsali mo sa pageant..." Tinapik-tapik siya nito sa balikat. She just sighed. Ngali-ngali niya sanang sabihin dito na malabo pa sa paglipad ng baboy ang chance na pumayag ito.

"Ikaw talaga, Carmela. Sige, mauuna na ako, ha?" Nagmamadali na siyang nagpaalam sa bago niyang kaibigan at lumabas na ng classroom. Gusto muna niyang umiwas sa mga tanong nito tungkol sa kanila ni Killian.

Kanina pa talaga siya nagtataka sa mga nangyayari. Ni hindi manlang nagparamdam si Killian sa kanya. Hindi siya nito sinundo kanina sa condo, kaya hindi sila nakapagsabay pumasok. Ni hindi rin siya nito tinext kahapon matapos ang mga nangyari sa kanila sa canteen. She was really disappointed right now. Akala niya kasi, gagawa ng move si Killian para magbati sila. 'Yun pala'y mukhang tanga lang siyang naghihintay sa wala. Ganon ba talaga katindi ang inis nito sa kanya? At ganon din ba kahalaga rito ang hindi niya pagsali sa pageant?

"Manong, isang tuhog nga ho ng fishball, kikiam at chicken ball." Nasa labas na siya ng eskwelahan at kasalukuyang magfoofood trip sa pinaglilihian niyang pagkain ngayon—ang fishball, kikiam, at chicken ball. Muli na naman siyang napabuntung-hininga. Si Killian kasi ang palagi niyang kasama rito tuwing uwian. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila magkasamang bibili rito. Nalulungkot tuloy siya, mag-isa lang kasi siyang kakain ngayon dito.

"Ineng, bakit ka malungkot? Hindi bagay sa'yo ang malungkot. Ang ganda-ganda mo pa naman," masiglang sabi sa kanya ni Manong habang inihahanda nito ang order niya. Pinilit niyang ngumiti sa lalaki. He was trying to cheer her up. Kilala na rin kasi siya ni Manong dahil palagi nga silang bumibili rito tuwing tanghali.

"Hindi ako malungkot, Manong. Akala niyo lang po iyon..." Ngumiti ulit siya. Nagulat siya nang bigla itong may inabot sa kanya.

"Hay naku, ikaw talaga. Para sa'yo itong rose, at nang hindi ka na malungkot pa..." Sabay abot sa kanya ng isang pirasong red rose. Naguguluhan man ay tinanggap niya ito. Ano 'to, pumoporma ba sa kanya si Manong?

"N-Naku naman, Manong. Naging flower shop na rin kayo, ha!" She faked another laugh. Napangiti rin si Manong sa kanya. Kasunod nitong inabot ang binili niya.

"At least, effective naman, 'di ba? Mas bagay sa'yo ang ngumingiti...." Nagpasalamat siyang muli kay Manong at saka umalis. Sa condo na lang niya kakainin ang binili niya. Hawak-hawak pa rin niya kasi ang isang pirasong rose na ibinigay nito.

"Ineng, saglit lang!" May pahabol pa yata si Manong sa kanya. Nilingon naman niya ito agad.

"Huwag ka nang malungkot, ha? Ayaw ka niyang nakikitang malungkot..." Masaya nitong sambit at saka muling ipinagpatuloy ang pagluluto ng fishball. Clueless man sa mga sinabi ni Manong ay nginitian pa rin niya ito at saka napapailing na naglakad na lang palayo. Ang weird, sino kaya 'yung tinutukoy ni Manong na "siya" ?

"Hi, ate! Kanina pa kita tinitingnan, and you really look sad. Huwag ka na pong malungkot! Pretty please?" Nagulat pa siya nang may bigla na lang sumulpot na bata sa harapan niya. Isang cute na batang lalaki naman ang nag-aabot sa kanya ngayon ng lobo. Kanina rose, tapos ngayon naman lobo? Ang epic.

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon