Chapter 22.1

3.3K 41 10
                                    

NOTE: I'm CURRENTLY EDITING this story. May minor changes tayo sa edad nina Sachiko at Killian. PLEASE, don't get confused. Thank you and GOD bless! Happy reading! :)

CHAPTER 22.1

"Are you okay? Parang kanina pa malalim ang iniisip mo." Ang tanong na iyon ni Coach Lim ang nagpabalik ng diwa ni Killian sa kasalukuyan. Tinanguan lang niya ito at saka lumagok ng mainit na kape. They were having their breakfast at the Hayatt Hotel lobby.

"Yes, Coach, I'm fine."

"Are you sure? Mukha ka kasing hindi okay. You seemed unfocused." Tila hindi kumbinsido ang Coach niya sa sinabi niya. Kanina pa ba talaga siya tulala? Ewan ba niya, bangag siya ngayon sa kaiisip.

"Ganyan 'yan ngayon, Coach. Kasi po,  may LQ sila ni Sachi," kantiyaw naman sa kanya ng teammate niyang si Lance. Agad naman niya itong binatukan. Natatawang umilag lang sa kanya si Lance.

"Gago ka, bakit ko naman iisipin 'yun? Nakakasira ka naman ng araw!" Sininghalan niya ito.

"O, tama na! 'Wag na nga kayong magtalong dalawa," umawat naman agad ang Coach nila sa kanila. Napapailing nitong tinapik si Killian sa balikat.

"Kung anuman 'yang gumugulo sa isipan mo, Killian, you've gotta stop it. Tandaan mo, mamaya na ang laban mo. You have to win, remember? Or else, you're dream will be messed up."

Oo nga pala, ilang oras na lang ang hihintayin niya at magsisimula na ang Southeast Asian Swimming Competition na matagal niyang hinintay. Matagal niya itong pinaghandaan dahil gusto niya talagang manalo, at kailangan niyang manalo. He has to defend his title of being the 3rd time champion, at kapag nanalo siyang muli ngayon, may posibilidad na kumatawan siya sa Asian Swimming Championships sa susunod na taon. Ito ang matagal na niyang pinapangarap, at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang makamit ito.

Ngunit nang dahil sa mga nangyari sa kanya these past few days, tila hindi na niya alam kung magagawa ba niya nang maayos ang laban niya mamaya. Ni wala pa siyang maayos na pahinga, hindi rin siya gaanong nakatulog kagabi rito sa Hotel kakaisip sa nag-iisang babaeng nagparamdam sa kanya ng ganito sa tanang buhay niya—si Sachiko.

He was really feeling guilty about what happened to her last time. Nang malaman niyang muntik na itong makunan, halos suntukin niya ang sarili niya sa sobrang frustration. Ito na nga lang ang pinanghahawakan niya sa babaneng 'yun, muntik pang mawala dahil na rin sa katangahan niya.

Aminado naman siya sa sarili niya na kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. He was really drunk at that night, and he couldn't control himself for doing stupid things like that. Naiinis naman siya kay Astrud dahil sinamantala nito ang pagkakataon para landiin siya. Oo, ginagawa naman nila ito noon pa. Kapag nalalasing siya, o di kaya'y trip niyang makipaglandian dito, bumibigay siya. Hinahayaan lang niyang gawin nito ang gusto nitong gawin sa kanya. He was not committed to anyone before, so there was no reason for him to stop-- until Sachiko came to the picture and changed everything in his life.

Nakakainis, sobrang naiinis siya sa sarili. Ni hindi manlang siya nakapagpaliwanag kay Sachiko bago siya umalis. Ni hindi manlang niya na-explain ang tunay na nararamdaman niya para sa dalaga. Alam niyang galit na galit ito sa kanya, lalo na't nakuha pa niyang gawin ito sa kabila ng lahat ng pag-eeffort nito sa kanya. Umaasa na lang siya na makatulong ang naging pag-uusap nila nina Chio at Anya patungkol sa problema nila ni Sachiko. Inamin na niya rito ang lahat-lahat, na mahal na niya si Sachiko at sobrang naguiguilty siya sa nagawa niya sa babaeng mahal niya. He really hurt her feelings so badly. Naunawaan naman siya ng dalawa, ngunit mas magiging masaya siya kung pati si Sachiko'y maunawaan din siya.

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon