Chapter Seven

4.3K 60 19
                                    

NOTE: I'm CURRENTLY EDITING this story. May minor changes tayo sa edad nina Sachiko at Killian. PLEASE, don't get confused. Thank you and GOD bless! Happy reading! :)

CHAPTER 7

"Please stop mocking her. Let her talk. Ano bang problema?" tanong ni Sachiko sa babae. Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.

"Sachiko, 'YUNG BAHAY NIYO NASUNOG!! I MEAN SINUNOG!!!! NAGKAKAGULO NA SA INYO!!!"

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang apat. Tila lahat sila'y hindi makapaniwala sa narinig, lalo na si Sachiko. Bigla siyang nanginig sa kinatatayuan. Umihip ang malakas na hangin na tila nagbabadya ng isang masamang pangitain sa kanya. Bigla siyang nagising sa bangungot na narinig niya.

"I.. I h-have t-to see my Lola... Si Lola..." tulala pa rin siya sa pagsasalita. Automatikong kumilos ang mga paa niya at tumakbo palayo sa mga kasama. Hindi na niya alam ang gagawin kapag pati ang Lola niya'y madamay sa nangyari.

"Bebe gurl!!!"

"Sachiko!!!"

Halos sabay ang pagtawag nina Chio at Anya sa kaibigan ngunit parang wala siyang narinig. Hinabol siya ng dalawa habang naiwan naman ang babaeng naghatid ng masamang balita sa kanila. Sobra silang nagpapanic sa mga nangyari, lalo na't maging ang lola ni Sachiko ay involve na rin sa gulo.

Walang ibang tumatakbo sa isipan ni Sachiko kundi ang bahay nilang nasusunog at ang pinakamamahal niyang lola. Wala siyang pakialam sa tagaktak niyang pawis na kanina pa tumutulo sa pisngi niya. Isa lang ang gusto niyang mangyari ngayon: ang makitang ligtas ang pinakamamahal niyang si Lola Meld. Ni hindi na nga niya nahintay pa ang dalawang kaibigan. Hindi naman ganun kalayo ang bahay nila mula sa school niya kaya mabilis na lang niya itong tinakbo.

Hindi nagtagal at narating na niya ang Purok Salot. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa looban ay tanaw na niya ang malaking usok na nanggagaling sa bahay nila. Sa labas ay nagkalat ang mga bombero na aligaga na kung paano maaapula ang sunog. Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa pagsalba ng kanilang mga gamit. Skwater lang naman sila, kaya hindi posibleng hindi makadawit sa ibang kabahayan dito ang sunog na nagmumula sa bahay nila.

"Tabi! Paraanin niyo ako! 'Yung lola ko!" sigaw niya sa mga taong nagkakagulo sa may tapat nila. Hindi siya makasingit dito, naghalo kasi ang mga nagpapanic at mga nakikiusyoso lang.

"Paraanin niyo ako, parang awa niyo na! Kailangan kong makita ang lola ko! Lola!" halos maglumpasay na si Sachiko sa hirap na dinaranas. Hindi niya makita ang lola niya, at ang lalong nagpapakaba sa kanya ay ang ideyang baka nagpumilit pa ito na magsalba ng kanilang mga gamit sa natutupok nilang bahay.

"Miss, hindi ka pwedeng pumasok diyan! Masyado nang mataas ang apoy! Delikado nang pumasok diyan!" pigil sa kanya ng isang bombero roon. Ngunit hindi niya ito pinakinggan. Sige pa rin siya sa pagtulak dito.

"Miss, huwag niyo nang ipilit pa ang sarili niyong pumasok! May ilang bahay na ring nadamay na sa sunog!Baka pati kayo, madamay rin!" pilit pa rin siyang pinakakalma ng iba pang bumbero.

"No! 'Yung lola ko kailangan ko pong makita! Please, papasukin niyo ako! I've gotta see my lola! Siya na lang ang pamilya ko! Please, let me in!" naglulumpasay na si Sachiko sa kakaiyak. Tulirung-tuliro na siya sa mga nangyayari. Nasaan na nga kaya ang lola niya? Kanina pa siya nagdadasal sa kanyang isip na sana'y walang nangyaring masama sa matanda. Dahil kung hindi'y hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang sarili.

Ngunit tila mailap yata sa kanya ang swerte ngayon. Nagulantang siya sa mga sumunod na narinig.

"Sir, may bangkay po ng babae kaming natagpuan sa may loob ng bahay!" sigaw ng ibang rescue team sa may gawi nila.

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon