Chapter Thirteen

4.2K 49 19
                                    

NOTE: I'm CURRENTLY EDITING this story. May minor changes tayo sa edad nina Sachiko at Killian. PLEASE, don't get confused. Thank you and GOD bless! Happy reading! :)

CHAPTER 13

"I can handle this. Just wait and see," bulong ni Killian kay Sachiko bago ito humarap sa kanila.

"Look, babe. We really have to go now, okay? And please don't call her that way. I'm seriously telling you, you're barking with the wrong tree. Because this girl whom you just called "flirt", is the most special girl in my life..."

Lahat yata ng nakarinig ng sinabi niya'y nagmistulang mannequin na hindi na nagalaw sa kinatatayuan. Well, nakakagulat naman talaga sa panga ang mga binitawan niyang salita.

Nagsimula na ang bulung-bulungan sa paligid habang parang maiiyak na sa sobrang kabiguan ang mga super die hard fans niyang sina Astrud at ang alipores nito na Gertrude pala ang pangalan, based sa pagkakarinig niya hahang nag-uusap ang dalawa. Narinig pa niya ang dalawa na nag-uusap. Mabuti na nga lang daw at wala rito 'yung isa pa sa mga kaibigan nila, si Shannon. Kundi, baka ngumawa raw siya sa sobrang disappointment. 'Yun daw kasi ang pinaka-sobrang naaapektuhan kapag may nalilink na babae kay Killian.

"Uy, narinig mo ba 'yung sinabi ni papa Killian? Siya raw ang most special girl in his life niya!"

"Hindi ako bingi, no! Narinig ko 'yun! Kakainggit naman..."

"Naku, baka nilandi lang siya nung babae. Tingnan mo 'yung mukha, mukhang malandi..."

"Girlfriend na ba niya 'yang mukhang japanese na babae? Naku, wala na tayong pag-asa kay papa Killian!!"

"Ano ba kayo, hindi naman niya sinabing girlfriend. Ang sabi niya lang, most special girl..."

"E, ganun na rin 'yun, ano ba kayo!"

"SHUT UP, YOU BITHCES!!!" ang nakatutuliling sigaw na 'yun ang nagpatahimik sa mga tsismosang babae na nasa swimming pool area. Tila may domino effect naman silang nagsipagtahimik at isa-isa na lang na lumabas ng naturang area.

"This isn't over yet. Magtutuos ulit tayo..." Si Astrud na naman ang nagsalita. Inirapan muna niya si Sachiko bago siya tuluy-tuloy na nagwalk out ng swimming pool area. Kasunod niya si Gertrude na tila shocked pa rin sa mga nangyari.

"Nice one, Killian! Napatahimik mo rin sila," lumapit sa kanila ang kanyang coach na kalaban niya kanina, si Sir Bryan. Tinapik pa siya nito sa braso at saka nilingon si Sachiko na ngayo'y natameme rin yata sa mga sinabi niya.

"Ganun po talaga, coach! Mabuti na 'yung alam nila," he grinned as she glanced at Sachiko who was annoyingly looking at him. Maya-maya'y niyaya na niya si Sachiko papunta sa locker niya. Magshoshower muna siya bago sila mag-usap na dalawa.

"Hoy, bakit natameme ka? May sinabi ba akong masama?" Tanong niya rito nang marating na nila ang locker room niya. Pinaupo niya si Sachi sa bench malapit sa locker niya habang siya nama'y abala sa pagkuha ng isusuot niyang damit.

"Alam mo, Samiko, sumosobra ka na..." Cool na cool lang si Sachiko habang nagsasalita. He just laughed at what she said. Ang drama nito, a. Pero nagulat na lang siya nang bigla siya nitong sampalin nang ubod lakas.

"ARRAAYY! MASAKIT 'YUN, AH!" napasigaw siya sa pagkabigla. Aba't napakalakas naman sumampal ng babaitang ito!

"Dapat lang sa'yo 'yan! Sobra ka na kasi, e! HINDI KA NA NAKAKATUWA!" She was so angry at him. Feeling niya, lalabasan na ito ng pangil anytime.

"Ano ba kasing tinutukoy mo?! 'Yung sinabi ko ba kanina?! Ayaw mo nun, center of attraction ka kapag pumunta ka ulit dito!"

"Talaga palang napakatigas niyang mukha mo, e! Ang mean mean mo, Samiko! Sobra ka na!" Muli na naman siya nitong pinagsasasampal. Grabe, ang war freak talaga ng babaeng ito! Ano ba kasing masama sa mga sinabi niya?

Certified A.B.M! (Artificial Baby-Maker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon