"Sister,come here. Try this oh,"sabi ni bakla. Actually kanina niya pa ako pinapasuot ng kung ano-anung klase ng damit. Kapagod talaga pag artista. Ha? Ano raw sabeh? Hahaha.
"Teka lang Justine,break muna tayo ah? Eh ang dami na nitong napili nating damit baka hindi na 'to makeri ng budget ko,"reklamo ko.
"Worry not my dear. Ako ang magbabayad sa di mo makeri owkie?"
"Ha? Wait lang---"
"Bakit na naman? Let me guess,nahihiya ka kasi ako magbabayad?"
"Parang ganun na nga,"malumanay kong sagot.
Nag-isip muna siya sandali bago nagpatuloy. "Sige kung ganun,utang mo nalang 'to"
"Paano naman kita babayaran eh wala pa naman akong trabaho?"
"Ay gaga,hindi naman pera ang kailangan ko te. Kung pera lang,hindi sa pagmamayabang ah.Madami ako nun"
"Oh di sige hindi ka nga nagmamayabang. Nakakahiya naman sayo. Paano nga?" Tanong ko.
"Tutulungan mo ko maglinis ng bahay sa Sabado,owkie dokie?"
"Ay yun lang pala eh. Aye,aye Captain,"I said in mock salute.
"Infairness,bagay"
At sabay kaming napatawa. Sunod naman naming pinuntahan ang Salon. Kailangan ko daw ng bagong haircut,footspa,nail art at kung ano-anu pang utos ni bakla. Pagpasok namin sa loob,naroon ang isang lalakeng maskulado. Seryoso,nagtratrabaho siya dito. Baka naman Security guard. Security guard na nakascarf? Kakaiba yun ah? Ito na ba ang uso ngayon? Nahuhuli na ata ako. I'm so out of the timeline.
"Oh? Justine? You're here,"bati ng lalakeng mukhang Security guard na nakasacarf.
Tumango lang si Justine in response.
"Teka sister,ano bang type mo today? Haircut ba or magpapacolor ka ng buhok. Alam mo,uso ngayon ang red hair,"tanong ng lalake. Sister daw? Don't tell me?
"Ay hindi sis Margaux,ito si Demi kaibigan ko. Kailangan niya ng matinding make-over",sagot ni Justine. Matindi talaga ha? Maya kang bakla ka. Ipriprito kita. Teka Margaux pangalan niya. Ina,Kapatid,Anak pala ang peg niya.
Ipinukol naman ng lalake este baklang si Margaux ang kanyang tingin sa akin. Grabe ha? He scrutinized me from head to toe. Feel ko ako ang iprinito. Bilis naman ng karma,di ko pa nga nagagawa. Plano pa nga lang. Lesson learned.
"Ohmeged. Ako ang bahala sayo. Come here!". Wala na,agad na niya akong hinila tapos pinaupo. Hinawak-hawakan niya yung buhok ko tapos hinila-hila. Ang sakit te ah. Si Justine naman ay nakatingin lang at nagpipigil ng tawa. Sarap sapakin.
"Sister,tingnan mo nga 'tong buhok mo. Kailan ka pa huling nagpagupit? Ang daming split ends. Naku,naku,"reklamo ni Margaux. I just snorted. Kaya nga nagpapagubit diba? Shunga din 'tong bakang 'to ah.
Maya-maya pa ay sinimulan na niya ang pag-gupit sa aking precious hair at kung ano-anu pang dapat gawin. Umalis naman si Justine sandali,may bibilhin lang daw.
----
"Oh ayan sister,you're all done". I just gave him a half-smile. Hindi kasi ako sigurado kung magugustuhan ko 'tong mega transformation. Let's just say hindi talaga ako ready at napilitan lang.
"Oh? Tutunganga ka lang ba diyan at hindi mo titingnan ang sarili mo sa salamin?" Margaux scolded.
"Eh kasi baka matakot ako sa makita ko,"I said shyly.
"Shunga ka te? Matatakot ka lang kung pang horror yang fes mo. Ang ganda-ganda mo kaya. Syempre,ako yata may gawa niyan. Trust me sister,maganda ka". Those words were sort of comforting. The kind of words I wanted to hear from someone. Motioning to turn,I looked at the girl in front of me. I was shocked for a moment. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Bahagyang mahaba pa naman ang buhok ko at nakabig curls. Hindi naman pala masama ang haircut ko. Para akong bumata. Tapos,yung touch-up ko sa mukha,light lang. Naitago nito ang pale kung balat. Ako ba talaga 'to? Ang ganda ko. Pagbigyan niyo na. Paminsan-minsan lang naman magbuhat ng bangko.
BINABASA MO ANG
In A Relationship With A Gay
Hài hướcNote: Ang istoryang ito ay HINDI PO BROMANCE at produkto lamang ng panunukso namin sa aking mga malapit na kaibigan. Ngunit paalala lamang, ang mga pangyayari dito ay pawang mga kathang-isip lamang na maari o hindi maaring mangyari sa totoong buhay...