All I can hear from up here is ‘Hahahahaha’. What’s wrong with people? Ba’t tawa sila ng tawa? Hmmp. Ano kaya nangyari kagabi? I can hardly remember. Bumangon ako saglit at nagtungo sa stairs. Grabe. Kahit dito ba naman dinig na dinig ko sila. Sino kayang pinagtatawaan nila? Ako kaya yun? Ano bang ginawa ko? Ang alam ko hindi naman ako lasing kaya malamang wala naman akong kahiya-hiyang ginawa.
“Grabe. Akala ko nga mahuhulog na si Demi eh,”sabi ni kuya Nathan. Wets lang. Pinag-uusapan ba nila yung pagbuhat sa kin ni Justine? Okay guys,ganito kasi ang nangyari.
Nakaidlip ako sandali sa kotse kasi natagalan kaming makauwi kasi super traffic. Medyo pagod na rin ako noon kaya hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami. Ayaw ko pa ring ibukas ang mata ko. Ayaw ko pa. Natatamad ako. Gusto dito nalang sa kotse ni Justine matulog. Saktong tulog pa din si Leslie kaya nagpasya akong huwag imulat ang aking mga mata.
“Demi”. Boses yun ni kuya Niel. Ayaw ko pa talagang umalis sa pwesto ko. Komportable na ako dito. Bahala siya,hindi ako gigising.
Ilang ulit pa niya akong sinubukang gisingin pero nagmatigas pa rin ako. Ilang sandali pa,naramdaman kong binuhat niya si Leslie palabas at naiwan ako sa kotse mag-isa. Sige,iwanan niyo ako dito. I could only care less. Ilang Segundo pa,napansin kong may humawak sa akin at binuhat ako palabas ng kotse. Gustuhin ko mang ibukas ang aking mga mata,ayaw kong mabukong nagtutulog-tulugan kaya pinabayan ko nalang.
He smelled like gin. It must be…Justine.
May natitirang pagkalalaki din pala tong si bakla.
While he was carrying me,nararamdaman kong parang unsteady siya at parang matutumba na kami. Oh no! Suddenly,he stopped. Bakit?
“I’ll carry her”. No doubt,it was Nick epal’s voice. No,Justine. Don’t give me to him.
“It’s okay. I can manage,”Justine said. KILIG MUCH!
“Dude,you’re tipsy”.
“I said I can manage”. Justine’s voice was firm. Wow bakla! I’m super impressed. Anong nakain mo?
I think Nick epal cleared the way because Justine continued walking. Grabe,parang matutumba talaga kami. Justine!!!! He carried me through the door and we almost stumbled. Justine,maawa ka! Kung gumising nalang kaya ako,hindi pa manganganib ang buhay ko. Naman kasi Demi. Yan ang napapala mo. Arte arte ka pa diyan!
Justine stopped again.
“Pare, hindi mo na kaya. I’ll carry her. Mag-aantay ka pa ba na mahulog mo si Demi before you listen to me?”. Concerned siya? Kakahiya naman kay epal. May busilak din naman palang kalooban.
After what felt like an hour,I was shifted to Nick epal’s arms. Boy,he was strong. Parang mas safe nga ako dito. So,yun nga ang nangyari,nakatulog din ako at paggising ko,katabi ko na si Leslie.
I heard a crick from kuya Niel’s door and I immediately hide. There came out a man in jeans and gray shirt. Si Nick epal!! Dito siya natulog? Si Justine? Saan siya natulog? Dali dali naman akong nagtungo sa aking kwarto at tiningnan ang bintana. Ohmeged! Nandoon ang kotse ni Justine which means dito rin siya natulog. Pero saan? Paano kung may kalokohan siyang ginawa?
Oh no. Oh no.
I quickly went to the bathroom,brushed my teeth and washed my face. I also changed into my shirt and cargo pants.
Shucks! Kailangan kong puntahan si Justine! Bakla,pakiusap,sana wala kang kalokohang ginawa.
If Nick epal slept on my kuya Niel’s room then maybe si Justine nasa kwarto ni kuya Dexter or Nathan. No way magpapashare ng kwarto si kuya Dylan.
BINABASA MO ANG
In A Relationship With A Gay
HumorNote: Ang istoryang ito ay HINDI PO BROMANCE at produkto lamang ng panunukso namin sa aking mga malapit na kaibigan. Ngunit paalala lamang, ang mga pangyayari dito ay pawang mga kathang-isip lamang na maari o hindi maaring mangyari sa totoong buhay...