Sweet Little Move

3.6K 97 3
                                    

Here's Chapter 29! Enjoy! :)

Sorry, it took awhile.

"Demi! Phone mo nag-riring. Kanina pa 'yan,"sabi ni kuya Dexter.

Nagmamadali akong pinulot ang phone at agad na inilagay sa aking tenga. "Hello?"

"My gawd. Ang tagal ha? Para akong engot kakadial ng number mo,"sabi ng kabilang linya.

Napangiti naman ako sa reaksiyon niya. Hahaha. Buti nga. "A-ano kasi, naiwan ko sa sala yung phone." Niliitan ko ang aking boses at nagtungo sa garden namin. "Ba't napatawag ka bakla?"

Narinig ko siyang humiklab. Sleepy much? "Huwag ka munang umalis ng bahay niyo. Pupunta ako diyan, okay?"

"Hoy! Teka!" Bigla niyang binaba ang phone. Gee, thanks.

Okay, so first day of school ko ngayon. Nagwakas na ang maliligayang araw ko at ang mas mabigat pa dyan eh, may quiz na kami agad agad. Review daw. Nagpost kasi sa facebook yung batch president namin. Wow lang. Touch na touch na ako.

"Andito si Justine?" Nagtatakang tanong ni kuya Dexter habang nakatingin sa labas. "Ayos din yang boyfriend mo, ah."

"Andyan na siya?" I asked horribly.

Napatingin siya sa akin. "Ay wala. Malamang asong nakaunifrom ang nasa labas. Ayos noh?"

Inirapan ko siya. Sarap batukan, eh.

Kunwari tamad ako. Hinay-hinay kong binuksan ang gate habang humihiklab. Sheetness lamang. Ba't gumwagwapo siya lalo? Para siyang anghel na bumaba sa lupa. St. Micheal, ikaw ba 'yan?

"Why are you staring at me like that?"He asked.

I shifted my gaze at once. "Who's staring at who? Medyo feeler din eh."

"Sows. Kunwari ka pa eh. Hanggang ngayon ba naman sister. My gawd. Kadiri ha,"naiinis niyang pahayag.

"Gusto mo ng sapak?"

"Easy. I come in peace."

"Tse! Ipis!"

Nagbangayan lang kami ng nagbangayan. Lage niya akong inaaway. Nakakainis. Lage niya akong binabara. Ang evil niya diba? Bakla talaga.

"Hoy! Ba't wala kang dalang kotse. Ayokong mag-commute. Gusto ko may car,"mataray at maarte kong sabi. Nahawa na ata ako kay Leslie. Naketch. I'm so girly na. Di naman halata, diba?

"Ang taray at ang demanding mo 'te, kaya siguro wala kang boyfriend."

He did not just say that, did he? Nice. "Hoy! Wala yan sa katarayan o kaartehan. Dadating yan ng kusa. Bakit, lahat ba ng mga mababait na babae diyan, may boyfriend? Hindi diba? At isa pa, mahal lang talaga ako ni Lord ng sobra kaya, ayaw niya akong masaktan."

"Alam mo ba kung ilang ulit ng sinabi ng babae na dadating siya pero ano ang nangyari, hindi pa rin siya dumating."

"Kaya nga diba, patience is a virtue,"I replied.

He took a long pause before saying something. "In that case, are you willing to wait for forever?"

"Forever is a long time, Justine. Time will change people's minds."

In A Relationship With A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon