Ever Heard of Inertia?

3.6K 88 15
                                    

Chapter 30! Hooray! Mabilis ang update. Wala. Nakakapagod kasi mag-aral. I wanted to destress. Sana lang, makapasa ako sa Major exam namin bukas. :)

I'll dedicate this to @yllissayu. Why? Because she asked. Hahaha. Knock and the door shall be opened unto you. 

And @scratchpapers, I hoped you read my reply because I said yes. Hehe. 

Enjoy guys!

"Justine. May pagkain ba kayo?" Tanong ko. Andito kasi ako ngayon sa bahay ni Justine because it's Saturady at wala akong pasok! Hooray! Bwahaha. Natapos din ang isang linggong pasakit. First wave palang ang hirap na, pano pa kaya ang second wave, third wave, fourth wave and fifth wave? Ay bahala na, basta mag-eenjoy ako ngayon. 

"Wala. Hindi pa ako nag-grogrocery eh,"tugon niya mula sa sala.

Nagpunta agad ako sa sala at tinakpan ang T.V. "Kain tayo,"I practically beg while pouting.

He smiled for a moment there. "Tabi nga diyan! Nanonood po ang tao."

"Sige na. Gutom na ako."

"Mamaya na. Hindi pa ako gutom."

"Sige na! Tayo na diyan! Ano? Hihintayin mo pang tumirik ang mga mata ko? Buti pa si Nick nilibre ako."

"Ows?"

"Oo nga. Nilibre niya ako ng pizza."

"Kailangan talaga ipagmalaki? Bakit, ngayon ka lang nakakain ng pizza?"

"Ang sabihin mo, mas galante lang talaga siya sayo."

He contemplated for a moment. "Pizza lang naman. Sows kala mo naman ang mahal mahal."

He bounded to the door and I followed suit. He was still mumbling something under his breath.

Nagtungo kami sa isang carinderia malapit sa bahay nila. Isang matandang babae ang sumalubong sa amin ni Justine at nginitian niya kami. Hayy lola, yer so cute.

Nagmano naman si Justine sa kanya. "Magandang tanghali po lola. May sinigang po ba kayo?"

"Ay oo naman. Alam kong favorite mo yan. Buti naman napadaan ka dito." Napatingin sakin si lola. "Sino ba yang magandang binibining kasama mo?"

Awwe. Magandang binibini daw oh? Sige pa lola, konting push nalang, love na kita. 

Sininyasan ako ni Justine na magmano sa kanya at agad ko namang itong ginawa.

"Siya po si Demi, kaibigan ko. Demi, si lola Teresa. Ang pinakamasarap magluto sa buong mundo."

"Talaga po?"

Napa-iling si lola. Mukhang nahiya sa sinabi ni Justine. "Naku, ikaw talaga, mambobola. Oh sige, kuhanan ko na kayo ng sinigang. Mainit pa 'to kaya siguradong masarap."

Nag-ngitian kami ni Justine na para bang alam namin ang gusto naming ipahiwatig sa isa't - isa. At iyon ay...ang cute ni lola. Walang halong biro ha. Cute talaga si lola kasi bilogan yung mata niya, tapos maputi at higit sa lahat pandak si lola. Hahaha. Pero, infairness, siguro nung kabataan niya, pwede siyang isali sa SNSD. Ay,ay. Ay, hindi. Hanuba.

Umupo muna kami ni Justine sa upuan malapit sa may pintuan. Napansin kong halos walang tao ang kainan nina lola Teresa. Bakit kaya? Eh, diba magaling siyang magluto? 

"Justine, bakit wala atang customers si lola?"

"Ewan. Lage naman kasing ganito dito eh. Hindi ko pa natatanong at ayokong magtanong baka malungkot yung matanda. Actually, nakakaawa nga si lola kasi siya lang mag-isa dito. Siguro yun na din yung dahilan kaya wala halos tao. Kasi hindi niya kayang mag-serve ng maraming tao,"paliwanag niya.

In A Relationship With A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon