DIARY ENTRY #4
Dear Diary,
OMG, DIARY! May nagka-crush sa akin! Shemay! Is this true‽ I'm not dreaming naman, diba‽ Like, someone actually confessed his feelings for me! At hindi lang 'yun, Diary! Jusmiyo! Palakas din siya kay Mommy! Imagine, Diary, kapag uwian na namin, susunduin ako ni Mommy tapos, Diary, OMYGOSH! Lalapitan niya si Mommy sabay magg-greet and magb-bow. Palakas ang kaloka! Uso pala 'yun‽
Pero infairness, Diary, cute naman si Trenton. Kaya lang ba't naman ganon, Diary? Singkit din! Jusmiyo ano 'to? Kelan pa ako nahilig sa singkit? I mean kuha pa rin naman ni Trenton yung height ng mga nagugustuhan ko nung elementary. Konti lang ang tangkad niya sa akin kahit na 4'9" lang ako. Pero yun nga, mas matangkad siya kesa sa akin kaya pwede ko rin naman siyang maging crush. Plus the effort, Diary. Don't forget about the effort! Nung isang araw nakakaloka! Niregaluhan ako, Diary! Hindi lang ako! Kundi pati kapatid ko at nanay ko.
May ibinigay kasi siya sa akin na isang jar ng gummy bears, isang snickers, at isang elephant na pillow. Si Mommy eh mahilig sa snickers. Yung kapatid ko namang bunso eh mahilig sa gummy bears. Edi sa akin napunta yung pillow.
DIARY! FIRST TIME KONG NARANASAN 'YUN! SINONG 'DI MAGKAKAGUSTO‽ THAT'S SO CUTE AND ROMANTIC!
So yes, Diary. Crush ko na nga ata si Trenton. Besides, it's better to like someone who likes you already, right?
May sure nang crush,
Zoe
BINABASA MO ANG
Dear Goodbye... [COMPLETED]
Teen Fiction~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical teen fiction story. Zoelie loves to write her journey in her diary. Pakiramdam niya kasi ay iyon ang...