BLANK PAGES: TWO
ZOE'S POV
"Hello? Oh! Saan na ba kayo? Sorry na nga kasi diba? Malay ko bang nakatulog ako pagkapatay ko ng alarm," pagpapaliwanag ko sa kapatid kong si Zaina.
(Ayan sige! Puyat pa! Sinabihan na kita kahapon, 'Te.)
Tumawid na ako sa kalsada saka naghintay ng bus. "Oo na. Oo na. Sabi ko nga mali ko na. Bakit ba kasi hindi mo na lang ako sinundo? Mas madali para sa akin kaya 'yun!"
(At mas mahirap naman para sa akin. Alam mo namang opposite direction ang lugar mo saka 'tong venue eh.)
I rolled my eyes. Sakto namang may humintong bus sa tapat ko. "Oh siya sige! May bus na akong masasakyan. Kita-kits na lang, Zai!"
(Mag-ingat, Ate!)
"Duh! Ako pa ba?" Tumawa na lang ako saka tuluyan nang nagpaalam at tinapos ang tawag.
Nakakita naman agad ako ng mau-upuang pang-dalawahan. Sakto at nasa tabi ng window, wala pa rin namang katabi kaya mas okay.
Nang maupo ako ay kinuha ko ang earphones ko sa bag saka sinaksak sa phone ko. Nasa low volume lang 'yun para aware pa rin ako sa konduktor at sa makakatabi ko. Syempre kailangan maging alerto lalo na mag-isa ako ngayong babyahe.
Ilang saglit lang ay lumapit na si kuyang konduktor at nakapagbayad na ako. Bumalik na muli ako sa pagtitig sa may bintana. Malakas-lakas ang ulan, balita ko ay may bagyo raw kaya ganito.
Hay! Ba't kasi kabagyuhan ang birthday ni Mommy? Nakakaloka tuloy mag-commute.
Napabuntong-hininga na lang ako saka nag-emote emote kuno. Ganito kaya yung mga nasa music videos ng mga pang-masakitan na kanta.
Napailing na lang ako habang nangingiti mag-isa dahil sa kalokohan ko. Nagmumukha tuloy akong baliw.
Nang tumugtog ang isa sa mga paborito kong kanta ay agad akong napapikit para namnamin ng lyrics at melody nito. Kaya lang agad akong napadilat nang may marinig akong malakas na pagbusina at ang tangi ko na lang nakita ay ang liwanag na papalapit sa akin.
"So, you mean to tell me that I got into an accident then into a coma for a week?" tanong ko sa kapatid ko habang nasa loob kami ng kwarto ko.
Zaina sighed. "Yes, Ate. Isa pa ba ulit? Nakaka-sampu ka na eh. Hindi na nakakatuwa."
I couldn't help but drop my body on the bed and sigh as well. "Hindi pa rin ako makapaniwala." I looked at her. "All the events were vivid as hell, Zai. They were real to me. He was real."
Zaina stared at me as if she had totally given up understanding me. "But they're not, Ate. As you can see, college ka na—"
"—Exactly. Sasakto siya sa timeline na sinasabi ko, Zai."
"Pero imposible talaga, Ate. Homeschooled ka buong high school years mo. Hindi mo lang siguro matandaan 'yun ngayon dahil sabi ng doktor ay may selective temporary amnesia ka, but it's the truth, Ate."
Ayokong maniwala. Kahit ilang beses pa nilang sabihin sa aking hindi totoo ang alam ko sa sinasabi nilang nangyari ay hindi ko pa rin kaya itong tanggapin.
I don't want them to just be part of my imagination. I don't want him to just be fictional. Alam ko sa sarili kong totoo ang naramdaman ko—ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero ano namang klaseng setup ito?
Bakit yung kaisa-isang minahal ko romantically eh nasa ibang dimensyon?
BINABASA MO ANG
Dear Goodbye... [COMPLETED]
Jugendliteratur~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical teen fiction story. Zoelie loves to write her journey in her diary. Pakiramdam niya kasi ay iyon ang...