DIARY ENTRY #20
Dear WS,
Ang saya ng Friday, Saturday, at Sunday ko dahil sayo! I never thought of chatting someone non-stop tapos nangyari sayo. Goodness! Andami ko nang first time experiences sayo ha, baka mamaya ikaw rin ang first boyfriend ko—charot one-half.
I still respect my parents' trust in me and I don't wanna break it. Hanggang crush muna ako. Besides, I'm still thirteen years old for Pete's sake. At base sa mga napapanood ko't nababasa, mahirap kapag nasa isang relasyon kaya mas magiging mahirap 'yun kapag nag-aaral pa kayo. I mean ang laki ng magiging epekto nun kapag may biglaan kayong problema, your academics might be in danger, ganern.
Also, first time mo akong kinompliment even though sabi ni Lysa eh hindi saw 'yun compliment. Pero dahil doon, talon ako nang talon sa bahay! I mean it still came from you, and I believe that it's a good thing. Minsan mo lang kaya akong i-compliment. Mas minsan pa sa pagkakaroon ng rainbow dito sa Pilipinas. Kaya kapag may narinig akong good word from you at ako ang kausap mo, automatic nang compliment 'yun, and for sure, buo na ang araw ko hihi. Oh diba? Ang laki ng effect mo sa akin, nakakaloka, diba? Hays!
Ayy pustpa! Isa pa, ang co-corny ng mga joke na sinesend mo! Though to be honest, while reading them, ansama na naman ng tingin sa akin ni Zaina. Tawa raw kasi ako nang tawa mag-isa, concern na tuloy siya at baka kailangan ko na raw ng medical help. Bastos na batang 'yun. Also don't worry, yung mga English joke mo maiintindihan ko rin. Hindi naman ako ignorante pagdating sa English, nagiging insecure na lang talaga ako kasi parang antalino ng dating ng pagi-English tapos 'yung si Zaina confident mag-English habang ako naman eh nag-ooverthink ng grammars. Kahit nga yung pagta-type ng messages na English kapag hindi talaga ako sure, pinapalitan ko na lang ng TagLish or Tagalog bago ko i-send eh. Hayst! I should overcome this insecurity before it grows on me.
Another thing, sabi ko sayo ako naman ang mag-eeffort eh. You'll see. I'll make you smile and laugh more, hanggang sa tuluyan nang mawala yung mga mata mo't nakapikit ka na lang lagi—joke lang. You know how much I adore your eyes. Na kahit anime or cartoon characters eh kino-compare ko ang mata mo sa mga mata nila tapos wala pa ring nakakatalo hehehe.
'Yun lang! Ang daldal ko na naman, sabi ko pa naman iiksian ko na yung mga entries ko para isang page na lang. Mukha kasing marami-rami ang maisusulat ko sa diary na 'to about you eh ayoko namang magkaroon pa ng notebook part two kaya tatry kong iksian pramis! 'Wag mo lang akong masyadong pakiligin, mas nagiging madaldal ako eh hihi. Anyways, Thanks! Stay happy, WS.
Willing to do efforts for you,
Zoe
BINABASA MO ANG
Dear Goodbye... [COMPLETED]
Teen Fiction~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical teen fiction story. Zoelie loves to write her journey in her diary. Pakiramdam niya kasi ay iyon ang...