DIARY ENTRY #55
Dear Diary,
I am so happy! Finally! My kuya has a jowa na! Hindi na siya NGSB! I am so proud! I'm a proud best friend and little sister.
I made ayos the design. So bale, Valentine's ngayon, diba? Tapos sabi ko kay Kuya parang ayos 'yun, na doon din siya mag-ask. So pumayag naman si Kuya and then, nagawa ko yung ilang balloons—ilan lang kasi ayaw makisama nung air pump eh hindi ako marunong nung blow-blow.
Thankful ako kela Brown at Josephine kasi nandoon sila para tulungan ako eh kahit papaano, cram queen na ata ako nakakaloka.
So silang dalawang girls sa balloons tapos ako sa heart na nasa floor saka sa hearts na may picture ng girlfriend ni kuya na isasabit ganon.
Anyways, sa classroom na lang namin ginawa para mabilis ang ayos. Pagkatapos lumayas nung mga kaklase namin eh dinala ko na sa gilid yung mga upuan.
Tapos noon ko lang nalaman na tutugtog pala sila Lim saka dalawa pang boys ng violin habang nagco-confess si Kuya. Like, Diary! I am so happy na gumagana ang aking plans to make my Kuya happy.
So ito na nga, idinahilan ko kay girl eh magsho-shoot ng para sa music video ko ng Feel The Same. So sabi ko sa labas lang muna siya ng room then sisignalan ko siyang pumasok, kapag narinig niya yung gitara, humarap siya. Kumabaga 'yun kunwari yung scene.
And then, everything was great. Hindi ko na kasi masyadong pinakinggan yung pagco-confess ni Kuya at feeling ko private na dapat iyon. Kaya naman niyaya ko na lang sila Brown at Josephine na mag-volleyball habang hinihintay matapos sila Kuya.
Ilang saglit lang din eh bumaba na sila Lim. Pinapanood ko lang naman silang umalis. Hindi ko alam kung bakit pero parang nanghihinayang ako nung mga oras na 'yun.
I be like... kung hinayaan ko ba kami noon, ganon din ang mangyayari? Magkakaroon din kaya kami ng happy ever after? Magiging masaya rin kaya kami katulad ng mga ngiting meron kila Kuya at sa girlfriend niya?
Tapos ayun, tinamaan lang naman ako ng bola ng volleyball sa ulo dahil tulala ako.
Then nung nagsi-uwian na—hindi ko alam kung nasasaan ang kuya ko at ang jowa niya—nakatitig lang ako sayo, Diary. Iniisip ko kasi kung ibibigay kita kay Lim tapos ewan. I wanted to take my chances, I guess.
Nag-message ako sa kanya, kani-kanina lang. Gusto ko lang malaman kung available ba siya bukas at kung pwede ba kaming magkita kahit saglit lang since may importante lang akong ibibigay at sasabihin.
Wala pa naman siyang reply kaya kinakabahan ako—wait! Nag-reply na siya.
Ahm... Diary? Wengya! Pumayag siya! Magkikita kami bukas! Wala nang atrasan 'to! Isang try lang, kung hindi talaga pwede—kung ayaw na niya talaga, edi titigil na ako. Imma go and stop myself from ever feeling anything for him. And maybe—just maybe, we might end up being good friends, hmm?
Anyways, Imma go now, Diary. Gusto ko naman sigurong magmukhang tao bukas, diba? Baka mas lalong umayaw eh—charot! Think positive.
I can do this.
Legit na kabado,
Zoe
BINABASA MO ANG
Dear Goodbye... [COMPLETED]
Teen Fiction~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical teen fiction story. Zoelie loves to write her journey in her diary. Pakiramdam niya kasi ay iyon ang...