DIARY ENTRY #16

10 1 0
                                    


DIARY ENTRY #16

Dear Diary,

'Wag kang magseselos, ha? Pero kasi may ita-try ako. Since love mo naman ako, papayagan mo ako, Diary, diba? I'll take that as a yes.

Anyways, update! KINAKAUSAP NIYA PA RIN AKO SA PERSONAL KAHIT UMAMIN NA AKO! Diary! OMG Talaga!

I am not assuming, ha? Pero parang ganon na nga—charot! Pero legit nga! Feeling ko mas palangiti na si Kaine. Tapos parang mas naging close pa kami, Diary!

Alam mo bang nakakarami kaming chats araw-araw, Diary? Ack! Kinikilig ako habang inaalala ang mga 'yun. I cannot, Diary! I cannot handle it with care—joke!

Pero ayun nga, ang dami naming chats tapos syempre before the night ends, 'Goodnight. Sweetest dreams.' Like Diary! Kulang na lang yung 'I like you. Mwah.' Charot ang harot harot ko na tuloy. Kainis kasi si Kaine ih!

But anyways, katulad ng sinabi sinabi ko sa simula, 'wag kang magseselos ha? Hindi muna Dear Diary ang gagawin ko kundi Dear WS. Hihihi. I think you know naman na kung sino ang WS ko. So ayun! Para kunwari kausap ko siya. Sisimulan ko na bukas, diary ha? Love you! Mwah!

Hindi kinikilig kay Kaine, sobra lang,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon