DREAM ENTRY #3

11 0 0
                                    


DREAM ENTRY #3

Nasa loob ako ng SM at kasama ko yung choir kaya lang papauwi naman na kami dahil tapos na yung performance. Nagpaalam na kami sa isa't isa nang marinig kong magsalita ang choir director namin.

"Paano na yung mga motor na dadalhin sa kabila? Hindi niyo naman sinabi agad na masama pala pakiramdam ng riders," medyo problemadong sabi nito.

Motor? OMG! Magd-drive ng motor?

Agad akong lumapit kay Sir. "Ahm... Sir, sorry to eavesdrop po, but I accidentally heard about your problem sa motor?"

He seemed a bit shocked pero nawala rin agad 'yun saka napakamot sa batok niya. "Oo eh. Kakailanganing i-drive yung tatlong motor kahit man lang sa kabilang mall."

Lumiwanag ang mukha ko dahil sa narinig. "Sir, if you want po, I can help driving po." Nag-alangan pa siya kaya naman ipinakita ko ang driver's license ko. "Legal na akong mag-drive, Sir," pangungumbinsi ko.

He let out a sigh. "Sige na nga. Pasensya ka na talaga ha?"

"Nako, ayos lang po sa akin, Sir!"

Tumango naman siya sabay tingin sa suot ko. "Kaya lang, nakapalda ka. May pamalit ka bang pambaba?"

Agad akong napatingin sa suot ko. Ay shems! Oo nga pala! May kaiksian pa naman 'to! Nasa kalagitnaan ako ng pamomroblema nang may maalala ako. Tumingin agad ako kay Sir habang nakangiti. "Yes, Sir! May dala po akong pantalon!" Buti na lang at may naisalpak ako sa backpack ko.

Napangiti naman siya. "Good. Magpalit ka na muna at hihintayin ka namin dito."

Ako naman ang napangiti sa narinig. Nagpaalam na ako sa kanila saka tumatakbong naghanap ng CR. Kaya lang ang puno ang CR dito sa loob ng mall kaya nagmamadali akong lumabas ng SM at tumakbo papunta sa CR na malapit sa sakayan ng jeep.

Ilang saglit lang ay nakapagpalit na ako. Pati ang suot kong pantaas ay pinalitan ko na rin para komportableng t-shirt ang suot ko.

Mabilis ulit akong tumakbo pabalik sa pwesto nila sir kanina kaya lang wala na sila doon. Nagpa-ikot ikot ako hanggang sa mapagdesisyunan ko na lang na tawagan siya.

Kaya lang agad kong napansing may text siya sa akin.

'Zoe, kinailangan naming mauna na kasi may kaibigan kaming naaksidente at kami ang pinakamalapit na kakilala. Pasensya ka na. Pero yung motor sanang isa ay maidala mo pa rin sa kabilang mall. Pasensya ka na ulit at salamat.'

Nasa pinakadulo ng text ang lugar kung saan naka-park ang motor. Kagaling! Hindi ko alam kung saang part ng mall 'to. Napagdesisyunan ko na lang na magtanong sa makikita kong guard.

Papalis na sana ako sa pwesto ko nang may mahagip ang mata ko. Nanlalaking mga mata na napatitig ako sa lalakeng nakikita kong nakaupo sa may bench at may iniinom.

Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla siya humarap sa direksyon ko. Patay na! Kung mamalasin ka nga naman oh! Nakatingin na lang sa akin si Kaine habang nakakunot ang noo.

Napailing naman ako habang papalapit sa kanya. "Lim, alam mo ba kung saan 'to?" tanong ko sabay pakita sa kanya ng text ni Sir.

Binasa niya naman 'yun saka umiling. "Nope."

Welp! I tried. I let out a sigh before I smiled. "Thanks."

Tatalikod na sana ako sa kanya nang magtanong siya. "Why?"

Since nagtanong naman ako sa kanya, I decided to answer his question as well. "May pinapasuyo kasi si Sir na mga motor na dadalhin sa kabilang mall. Kaya lang nauna na silang umalis sa akin kaya ngayon, mag-isa ko na lang dadalhin yung natitirang motor. Kaya lang 'di ko alam kung saan 'to."

Napatango naman siya saka tumayo. "Try asking the mall security guards."

"Naisip ko rin naman 'yan pero nagbaka sakali lang ako na alam mo." Hindi ko alam pero iniisip ko talaga kung kakausapin ko pa siya o magpapaalam na ako. "Ah sige. Thank you na lang ulit."

Aalis na sana ulit ako nang magtanong na naman siya. "Wala kang kasama?"

Meron, kung sasama ka. "Wala eh. Nagpaiwan na ako kanina dahil nga sa motor."

Matagal siyang tumitig sa akin at na-aawkwardan na ako kaya lang nagsalita siya. "I'll accompany you."

Natulala naman ako. "E-Eh? W-Wala ka bang kasama?"

"May nakikita ka bang 'di ko nakikita?"

I flatly looked at him. Akala ko pa naman mabait na. "Ewan ko sayo. Aalis na talaga ako." Kaya sumabay ka na please lang.

"Okay," tanging sagot niya na 'di ko malaman kung anong sasabihin o gagawin ko.

"Okay." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad para maghanap ng guard.

Napatigil naman ako sa paghinga nang maramdaman kong may kasabay na ako. I took a quick glance at him para lang makasigurado. And gosh! Paano pakalmahin si self‽

Nang may namataan akong guard, patakbo akong lumapit doon. Tinanong ko kaagad kung nasaan yung sinasabi ng choir director namin at nang maituro ni kuya guard ay agad akong nagpasalamat at nagmamadaling maglakad papunta roon.

Late ko naman nang na-realize na may katabi nga pala ako. Sumilip ako sa direksyon niya saka hindi pinahalatang natatawa dahil sa layo niya sa akin.

Mukhang social distancing pa rin ang trip niya ah. Nailing na lang ako.

"What's funny?" bigla kong rinig na tanong niya.

"H-Ha?"

"I'm asking you what's funny."

Nakangiti akong umiling na para bang sinasabing wala lang. Tuloy-tuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa i-stretch out niya ang kanang braso niya papunta sa side ko.

Eh? Antrip kaya nito? Tiningnan ko lang siya saka niya ako sinenyasan sa iniinom niya kanina. Inaalok niya ba ako?

Instead of grabbing the drink, humigop lang ako mula sa straw. Mangalay ka riyan. Natawa ako sa naisip ko.

Nakakapagtaka naman na hindi siya nagrereklamo sa ginagawa ko. Ah basta ako nage-enjoy sa iced black coffee na 'to.

Kapansin-pansin naman ang pagliit ng distansya naming dalawa dahil sa mga nakakasalubong namin. Hanggang sa nasiksik tuloy kaming dalawa. Akala ko ay tuluyan na niyang ibibigay sa akin yung inumin pero hindi pa rin pala at umiinom pa rin pala siya.

Shems naman, Kaine eh! Enebe! Wengya naman! Ba't ka ba kinikilig ha, Zoe‽ Sinasamahan ka lang naman niyang makapunta roon sa parking lot, inaalok ka lang naman niya ng inumin, enebe keseng nekekekeleg deen heh‽

Mababaliw na ata ako kakakausap sa sarili ko. Ba't kasi 'di ako kausapin nitong katabi ko? Oh sige! Ako na magfi-first move!

Tiningnan ko siya at akmang magbubukas ng conversation nang makita ko siya nakangiti at naiiling. H-Hoy! B-Ba't ang cute mo‽

"B-Ba't ka nakangiti?" alanganin kong tanong sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin, at hindi pa rin naman nawawala ang ngiti niya. "I just don't get the reason why I'm doing this."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Huh? Pwede ka namang bumalik doon, ako nang bahalang pumunta sa parking lot—"

"What is happening? What are you doing to me?"

Eh‽ Anong ginagawa ko sayo‽ Wala! "Aba malay ko sayo. 'Di naman kita inaano ah."

Napailing na naman siya. "This is so unfair. "

"Ano ang unfair?"

He looked into my eyes. "Unfair, the girl who broke my heart came to steal it again."

HALA SIYA!—And bigla akong nagising. Kainis!

Dear Goodbye... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon