CHAPTER 2

26 2 0
                                    

Opinion

“Wow……ang gagwapo naman.”


“Megan, ano ba? Baka mahuli kang nanonood sa kanila baka pagalitan ka ni Sir Brynn.” Pagpapatigil ko kay Megan sa pagsilip nito sa swimming pool area. Nasa garden kami ni Megan para magdilig at mag linis pero itong si Megan hindi magawa ng maayos ang trabaho. Kanina pa nito pinapanood ang mga kaibigan ni Sir Brynn na naliligo.


“Tingnan mo, Reiza, nakahubad na silang lahat! Ang daming abs!” pigil na tili nito.


Hindi ko naman sinunod ang gusto niya. Hindi ako lumilingon doon kahit isang beses at kahit anong pilit sa akin ni Megan. Baka pagkamalan pa kaming naninilip sa kanila. Ang mga mata ko ay nanatili sa mga halaman na aking dinidiligan.


“Ang gagwapo. Isa lang diyan mapa sa'kin ayos na ‘ko.”


Agad kong pinutol ang pagpapantasya ni Megan.


“Hindi ka magugustuhan ng mga ‘yan, Megan. Pagtitripan baka sakali. Yung ganyang mayayaman at magagandang lalaki tiyak na kalevel nila ang hinahanap ng mga ‘yan.”


Agad na sumimangot si Megan. “Grabe ka naman makapanghusga. Posible naman kaya yung magkagusto sa mahirap yung mayaman no!”


“Sa libro lang ‘yon, Megan.”


Yung mga mayayaman na ‘yan sobrang hirap abutin kaya hindi ako kahit kailan nagkagusto sa mayaman. At hindi ko gugustuhin na magkagusto sa mayaman. Ayoko non dahil parang ang sakit na hindi mo afford yung life style na meron sila. Yung kontento ka naman kung ano meron ka, pero kapag nagkagusto ka sa mayaman parang gusto mo nalang sisihin yung sarili mo dahil mahirap ka. At isa pa yung iisipin ng ibang tao kapag nagustuhan ka ng mayaman at mahirap kalang. Iisipin ng iba na pera lang ang habol mo kaya ikaw na lang ang kusang lalayo. Kaya kung magkakagusto man ako, gusto ko yung hindi sobrang taas sa akin. Okay na sa akin yung sabay kaming aangat dalawa.


“May ganun sa totoong buhay, Reiza. May tao pa rin naman na hindi tumitingin sa katayuan sa buhay ng isang tao.”


“Oo siguro meron pang gano'n.” Lakas loob akong tumingin sa mga lalaki na nasa swimming pool. Mga nakahubad nga sila at nakabalandra ang makikisig na katawan. “Sa tingin mo yung mga ganyang lalaki pipili ng hindi malamodelong katawan?”


“Sinasabi mo ba na maganda lang ang hanap ng mga iyan?” tanong nito habang pinupulot ang mga tuyong dahon.


“Oo! Kung hindi physical appearance, katayuan sa buhay!”


“Masyado mo naman yata hinuhusgahan ang mga tao sa paligid mo, Reiza.”


Mabilis akong napalingon sa aking likuran dahil sa pamilyar na boses. Bakit bigla-bigla nalang itong sumusulpot at hindi namin namamalayan?


“Kumuha ka muna ng juice, Megan. Dalhin mo sa swimming pool area.” Utos ni Sir Brynn kay Megan.


“S-Sige po, Sir.” Tinapunan ako ng nag-aalalang tingin ni Megan bago tumalikod sa amin. Tinalikuran ko rin si Sir Brynn at nagpatuloy sa pagdidilig.


“Hindi lahat ng sinabi mo totoo, depende sa tao iyon, Reiza,” ani ni Sir Brynn.


Hindi pa pala siya umaalis. Sa halip ay tinulungan pa ako nito na hatakin ang hose na sumabit.


“Opinyon ko lang po iyon, Sir.”


Ano kayang gusto ipaglaban ni Sir Brynn at parang affected sa opinion ko?


“Iba ang opinion sa nanghuhusga, Reiza.”


Pinatay ko ang hawak na hose at humarap kay Sir Brynn. Nakapamulsa ako nitong tiningnan.


“Bakit, sir? Kung ikaw ba magkakagusto ka sa isang katulong? Sa mas bababa sa iyo?”


Tumaas ang dalawang kilay nito sa akin at saglit na bumaling sa kaniyang gilid.


“Of course, why not? Mayaman na ako, aanhin ko naman yung yaman ng babaeng mamahalin ko?”


“Try mo baliktarin ang sitwasyon, Sir. Kung ikaw ang mahirap at nagkagusto ka sa mayaman, anong mararamdaman mo? Hindi ba manliliit ka sa sarili mo?”


Tuluyan siyang natahimik. Nasasabi lang niya ang mga ito dahil mayaman siya at siguro ay hindi pa naman siya nagkakagusto sa mahirap. Nasasabi ko lang din ang mga ito base sa mararamdaman ko kung magkakagusto ako sa mayaman. Siguro ay magkaiba kami ni Megan. Siya ay kaya niya sigurong balewalain ang sasabihin ng ibang tao at ako ay hindi. Takot kasi akong mahusgahan at maliitin.


“Hindi mo mararamdaman iyon kung hindi ipaparamdam sa iyo ng partner mo ‘yon, Reiza.”


Ngumiti ako kay Sir Brynn.”Opinyon niyo po iyan, Sir. Magkaiba po tayo ng opinyon kung ganon. Papasok na po ako.” Pamamaalam ko bago bumalik sa mansion.


“Reiza!” todo ngiti akong sinalubong ni Megan pag pasok ko ng mansion. Namumula pisngi nito na siyang pinagtataka ko.


“Anong nangyari sa ‘yo? Sinampal ka ba?”


Nakangiti pa rin itong umiling sa akin at hinatak ako papasok sa kusina.


“Napansin mo ba ‘yung moreno ro'n? Yung naka brace tapos malaki yung katawan?” paglalarawan nito.


“Hindi,” sagot ko.


Nawala ang ngiti nito at nadidismayang napatingin sa akin.


“Isa sa kaibigan ni Sir Brynn, yung gwapo!”


“Oh ano ngayon?”

Saglit lang naman akong napatingin doon sa swimming pool. Hindi ko rin naman sila tiningnan isa-isa.


“Tinanong niya yung pangalan ko!” pagtatatalon ni Megan.


“Oh tapos?”


“Type yata ako!”


Napatawa ako rito sa pangingisay habang nag kukwento. Kesyo ningingitian daw siya nito habang nagsasalin siya ng juice. Kaya pala sobrang pula ng pisngi niya na inakala kong sinampal.


“Reiza?” pag silip ni Nanay Sony sa kusina.


“Po?”


Pumasok ito na may bitbit na tupperware.


“Nagpapatawag si Sir Brynn ng mag iihaw ng barbecue sa kanila. Pwede ba ikaw nalang?” pag abot nito sa akin ng lalagyan hindi pa man ako nakakasagot.


“Ako nalang, Nanay Sony!” pag prisinta ni Megan.


“Si Reiza nalang. Halika tulungan mo nalang ako mag laba.”


Hinatak ni Nanay Sony si Megan palabas ng kusina. Nakanguso ito sa aking napatingin. Dapat nga ay si Megan nalang. Iniiwasan ko nga mapadpad ang tingin ko ro'n tapos ngayon kailangan ko pang pumunta para mag ihaw ng barbecue.


Dala ang tupperware na kinalalagyan ng barbecue ay nagtungo ako sa swimming pool area. Ang iba sa kanila ay naliligo at ang iba naman ay nasa gilid ng pool habang umiinom.


Dumiresto ako agad sa ihawan na nakahanda na at may baga na rin. Habang inililipat ko ang barbecue sa isang plato at biglang umingay sa pagdating ng limang babae. Itong mga babaeng ito ang tinutukoy ko kay Megan. Makikinis, magaganda, at mga balingkinitan.


Nakita ko rin ang tinutukoy ni Megan na lalaking moreno na naka brace. Mukhang nag assume lang yata ang kaibigan ko. Nakita ko kung paano nito haplusin ang baywang ng isang babae at dinampian ng halik sa labi. Sigurado akong hindi gagawin iyon ng isang lalaki sa kaibigan lang.


“Miss, matagal pa ba ‘yan?”

Napabalik ang atensyon ko sa pag-iihaw sa pag lapit sa akin ng isang lalaki. Doon ko lang napansin na halos masunog ang unang salang ko sa pagtitig sa mga babaeng dumating.


“A-Ahh malapit na,” tarantang sagot ko at inalis ang mga barbecue na nasunog.


Nakangiwi kong pinagmasdan ang inihaw na kung hindi sunog ay may parteng hilaw. May kalahati pang hindi ko naiihaw na sana ay mailuto ko ng maayos. Marunong naman ako nito pero hindi ko alam kung bakit pumalpak ako ngayon.


“Miss, kunin ko na ‘to ah? Balikan ko nalang yung iba.” Pag lapit ulit ng lalaki sabay kuha ng plato na kinalalagyan ng palpak na barbecue.


“S-Sige,” kabadong sagot ko.


Kakabog-kabog ang puso ko habang hinihintay na may magreklamo. Alam kong mapapansin nila ang kapalpakan na nagawa ko. Saglit akong napatingin sa pwesto nila Sir Brynn na nagkukwentuhan habang may alak at pulutan sa gitna ng mesa. May katabi itong babae na chinita at halos kasing puti ng papel. Siguro ay girlfriend niya.


“Ew! Bakit hilaw?!”


Halos mamutla ako nang marinig ko ang reaksyon galing doon. Nanginginig ngayon ang kamay ko habang binibiling ang nakasalang.


“What is this? Kung hindi hilaw ay sunog.” Reaksyon ulit ng babae.


Narinig ko ang pagtawa ng isang lalaki. “Huwag ka na maarte, Heydie, may maayos naman oh! Iyon nalang ang kainin mo.”


“Palibhasa si Eshym sanay kumain ng hilaw!” boses ng isang lalaki na dahilan ng malakas na tawanan nila.


Nagulat naman ako sa biglang pag-agaw sa aking kamay ng pamaypay. Si Sir Brynn na halos mag dikit ang mga kilay sa pagkakakunot ng noo.


“Marunong ka ba tumingin ng luto at hilaw? Ang dali-dali lang naman nito hindi mo pa magawa ng maayos. Ako na rito, pumasok ka nalang do'n.”


“Sorry, Sir Brynn.”

Sininghalan lang ako nito.


Wala akong nagawa kundi mapahakbang paatras para mag bigay daan kay Sir Brynn. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa pagpaparamdam sa akin na ang hina ng isip ko. Na yung simpleng bagay hindi ko magawa ng maayos.


Naiinis din ako kasi bakit ganun yung ugali niya? Kanina ay parang okay naman siya tapos ngayon sa konting pagkakamali ay halos umusok ang tenga.

In Between Where stories live. Discover now