CHAPTER 5

17 1 0
                                    

Day off

“Nandyan na naman yung mga pogi,” bulong sa akin ni Megan habang nangunguha ng mga sinampay.


“Sila Eshym?” pagtukoy ko sa kaibigan ni Sir Brynn.


“Eshym? Sinong Eshym?”


Hindi ko nga pala naikwento sa kaniya yung nangyari nung nag grocery kami ni Sir Brynn. Nawala na rin kasi sa isip ko na ikwento sa kaniya dahil sa nangyari pagkauwi namin.


“Yung kaibigan ni Sir Brynn,” sagot ko rito.


“Teka! Paano mo nalaman yung pangalan? Tinanong mo? Type mo siguro ‘yon no!”


Binuksan ko ang kwarto kung saan inilalagay ang mga nilabhan para maplansta. Isinara naman iyon ni Megan.


Tinawanan ko ito. “Hindi no! Sinabi lang niya nung nakita niya kami ni Sir Brynn sa grocery.”


Pabagsak namang humiga si Megan sa isang maliit na kama rito sa kwarto.


“Buti kapa. Samantalang ako hindi ko pa alam yung pangalan nung lalaking moreno na nagtanong ng pangalan ko,” deklara nito habang nakatingala sa kisame. Umupo ako sa tabi niya.


“Seryoso ka gusto mo ‘yon?”


Para itong nasisiraan na ngumiti habang nakapikit.


“Oo. Iniisip ko nga siya bago ako matulog. Siguro, Reiza, kung malapit lang ako sa mundo na kinagagalawan niya, magugustuhan niya rin ako no?”


Nagkibit balikat ako. “Ewan ko. May girlfriend yata siya.”


Biglang napamulat si Megan at napaupo.


“Saan mo naman nalaman? Huwag mo namang saktan yung puso ko, Reiza!” ani nito habang nakahawak sa puso niya.


“Nung nagluto ako ng barbecue sa pool area nakita ko hinalikan niya yung isang babae.”


Bumagsak ang balikat ni Megan. “Baka naman friendly kiss lang ‘yon.”


Napailing-iling ako sa kaniya. “May magkaibigan ba nag nagkikiss sa lips, Megan? Girlfriend niya tiyak ‘yon dahil ang sweet nila.”


Napatingala ako rito sa bigla nitong pagtayo.


“Okay lang! Girlfriend palang naman. Mag bebreak din ‘yon. Maganda rin naman ako kaya alam kong magugustuhan din ako non kapag kumilos ako. Kaya hanggang sila pa ng girlfriend niya ngayon, panonoorin ko muna kung paano sila maglokohan.”


Napailing-iling nalang ako kay Megan. Seryoso talaga siya sa sinasabi niya. Sa lahat ng magugustuhan ni Megan ay isa pa talaga sa kaibigan ni Sir Brynn. Sa lahat ng magugustuhan niya ay iyon pang mahirap abutin.


“Reiza, dalhan mo sila Sir Brynn ng towel at bathrobe ro'n sa swimming pool.” Utos sa akin ni Nanay Sony. Nagkatinginan kami ni Megan.



“Tulungan ko na si Reiza, Nay Sony!” presinta ni Megan.


Malungkot itong napatingin sa akin sa desisyon ni Nay Sony.


“Huwag na, Megan. Kaya na ni Reiza ‘yon, doon ka nalang sa kusina at tingnan mo yung sinalang ko.”


Ako naman ay dumiresto sa stock room para kumuha ng mga bagong towel at bathrobes. Pito ang kinuha ko dahil baka mga kaibigan lang ni Sir Brynn ang nandoon, wala ang mga babae.


Sa pagpunta ko sa pool area ay agad nasalubong ng mata ko si Eshym na naglalakad sa gilid ng pool. Nakangiti itong kumaway sa akin at ngumiti naman ako. Dumiretso ako sa isang upuan at ipinatong doon ng maayos ang mga towel at bathrobes.



“Hi, Reiza!” pag-upo ni Eshym sa harapan ko.


“Hello po, Sir.” Bati ko pabalik.


Tumaas ang kilay nito sa akin. “Sir again?”


Saglit akong napahinto sa ginagawa. “E-Eshym pala,” nahihiyang banggit ko.


“So….kumusta ka naman dito sa bahay nila Brynn?”


Napaka friendly talaga ng mukha niya dahil lagi siyang nakangiti. Palagay ko ay mabilis siyang makasundo ng mga tao dahil sa aura niya. Hindi katulad ni Sir Brynn na depende sa mood ang emosyon pero madalas ay seryoso.


“Okay lang naman,” sagot ko.


“Parang nahihiyang ka rito ah,” natatawang sambit nito.


Napatigil ulit ako at napatingin sa kaniya. “Ha? Anong…..ibig mong sabihin?”


Itinuro niya ako. “Ang daming nagbago sa ‘yo. Ang dalang ko pumunta rito kaya nahalata ko agad. Pumayat ka.”


Napatingin ako sa aking katawan. Totoo ang sinabi ni Eshym, napapansin ko nga na numinipis ako. Hindi naman ako nag da-diet at hindi kami ginugutom dito. Kailangan ko na nga bumili ng mga bagong damit dahil malalaki na ang suot ko. Hindi ko lang magawa dahil sayang ang pera.


“At kuminis din ang balat mo. Nawala yung mga pimples mo. Nagpapaganda ka no!” panunuya nito. Bumilog ang mga mata ko sa kaniya.


“N-Naku! Hindi ah! H-Hindi ko nga napansin yung mga sinasabi mo.”


Humalakhak ito. “Ibig sabihin pala….natural ka palang maganda.” Pagtaas baba ng kilay nito sa akin.


Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Ngayon ko lang narinig yung salitang ‘yon bukod sa nanay ko. O baka naman nang bobola lang yung isang ‘to. Sabi ni Sir Brynn ay babaero ‘to kaya siguro magaling sa mga linyahan.


“H-Hindi naman ako maganda,” mahinang sambit ko bago ilapag ang pinakahuling bathrobe.


“Sinong nagsabi? Sponsoran ko ng salamin ‘yan.”


Sabay kaming natawa ni Eshym. Napagitil kami sa pag-uusap sa pagdating ni Sir Brynn. Umupo ito sa katabing upuan ni Eshym.



“Mukhang masaya yung pinag-uusapan niyo ah.” Pagpapalit nito nang tingin sa akin at kay Eshym. Si Eshym naman ang sumagot dito.


“Masaya kasing kausap si Reiza. By the way, may day off ka ba?” tanong nito sa akin.


“Meron, once a week.”


Hindi ako mapakali ngayon dahil nakataas ang mga kilay ni Sir Brynn sa akin habang pinapanood ako.


“Anong araw?”


“Bakit mo tinatanong?” pagsingit ni Sir Brynn.


“Aayain ko lang lumabas saglit si Reiza. Sigurado akong hindi pa siya nakakagala simula nung pumunta siya rito. So, anong araw ang day off mo?” pagbaling ulit sa akin ni Eshym.


“Sunday.”


Malawak na ngumiti si Eshym. “Good! Labas tayo ng Sunday? Ipapasyal kita.”


“Hindi siya pwede Eshym.” Pagsabat ulit ni Sir Brynn. Napatingin kami ni Eshym sa kaniya.


“Bakit naman hindi? Day off niya ‘yon. Deserve naman niya siguro na magpahinga sa gawaing bahay.”


Iritado ngayon ang mukha ni Sir Brynn. “Dahil pinoprotektahan lang namin yung mga tauhan namin. Pamilya ang turing namin sa kanila kaya kapag may nangyari sa kanila, sagutin namin.”


Malakas na napatawa si Eshym at pabiro nitong sinuntok ang braso ni Sir Brynn.


“Ang bait mo naman pala, Brynn. Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring masama kay Reiza. Ibabalik ko rin siya ng hapon.”


“Kahit na-”


“Ano, Reiza? Game ka sa Sunday?”


Sunod-sunod akong napalunok. Nakangiting naghihintay sa akin ng sagot si Eshym si Sir Brynn naman ay halos kasing lamig ng yelo ang mga titig.


“S-Sige,” tugon ko.


Nakita ko ang pag-irap ni Sir Brynn bago tumayo at pumunta sa ibang kaibigan. Sinundan ko ito nang tingin. Wala kayang tiwala si Sir Brynn sa sarili niyang kaibigan?


“Sunduin kita sa Sunday ah? Huwag kang mag-alala kay Brynn, akong bahala diyan.”



Yung linggo ngang iyon at natuloy ang pag-aya sa akin ni Eshym. Pinahiram ako ni Megan ng damit at inayusan niya rin ako. Mas excited pa nga siya sa akin, paano ba naman kasi e may kapalit ang ginagawa niya sa akin. Gusto niya ay alamin ko ang pangalan ng lalaking gusto niya. Pumayag nalang ako kahit hindi ko alam kung paano ko iyon itatanong kay Eshym, para lang matahimik si Megan.


Sa paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na si Eshym na nakaupo sa sala katabi si Sir Brynn na halatang kagigising lang. Masama ang timpla ng mukha nito hindi katulad ni Eshym na talagang palangiti.


“Can we go now?” pagtayo ni Eshym. Tumango ako bilang sagot.


“3:00 p.m, dapat 3:00 p.m ay nandito kana. Kung wala ka pa sa ibinigay ko na oras, bumalik ka nalang ulit sa probinsya,” malamig na sabi ni Sir Brynn.



“Ang aga naman non, Brynn. Baka hindi mag enjoy si Reiza n'yan.”


Tumaas lang ang kilay ni Sir Brynn sa amin ni Eshym.


“Ayos lang ‘yon, Eshym. Sapat na oras na yung ibinigay ni Sir Brynn.”


Biglang tumayo si Sir Brynn at nilagpasan kami nito ni Eshym para umakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung talaga bang may oras ang paglabas namin, pero mas okay na ang sumunod kaysa naman mapauwi pa ako ng probinsya.


“Kung ganon tara na para masulit ang oras natin.”


11:00 a.m nang umalis kami sa mansion ni Eshym. Sabi niya ay pupunta raw kami ng mall. Ibig sabihin ay may apat na oras ako para ma enjoy ang araw na ito. Hindi naman ako inosente pagdating sa mall dahil meron din naman non sa probinsya namin. Kaso ay bilang lang sa daliri kung ilang beses ako pumunta. Karaniwan ay isinasama lang ako ni Megan tuwing may kikitain siyang lalaki.


“Tara muna rito?” pagturo ni Eshym sa tindahan ng mga damit. Tumango lang ako sa kaniya. Buti nalang at madaldal din itong si Eshym kaya naman hindi ako nahihirapan na makasama siya at nawawala ang hiya ako.


“Pumili ka na.”


Nanlaki ang mga mata ko rito. Akala ko ay isinama niya ako rito dahil may bibilhin siya. Wala rin naman akong balak bumili ng damit dahil magpapadala ako ngayong buwan kina Nanay.



“Naku, Eshym….hindi ako bibili. Mukhang mahal ang mga damit dito, saka yung pera ko nakalaan para ipadala ko sa probinsya.”


Malaki ang ngiti nitong hinawakan ang aking balikat.


“Huwag kang mag-alala, Reiza. Kumuha kalang ng gusto mo at ako ang magbabayad.”


Mabilis akong napailing. “H-Hindi na! Nakakahiya at saka….” Tiningnan ko ang mga nag gagandahang damit na nakasabit. Mga damit na pinangarap kong mabili balang araw. “hindi ko naman kailangan ‘yan. Kaya huwag na.”


Nagulat ako nang hawakan ni Eshym ang kamay ko. Napakurap-kurap akong napatitig dito.


“Kung ayaw mong pumili, ako ang pipili sa ‘yo. Huwag kang mag-alala, hindi kita sisingilin at gusto ko lang talaga ibili kita dahil pakiramdam ko ay bagay sa iyo yung mga damit na ganito.”


Tumalikod sa akin si Eshym para pumunta sa damit na pangbabae. May lumapit sa kaniya na sales lady para mag assist sa kaniya. Napahawak naman ako sa aking bandang dibdib sa malakas na pagtibok ng puso ko. Ano ‘tong nararamdaman ko? Bakit kakaiba ngayon yung nararamdaman ko habang nakatitig sa matamis na ngiti ni Eshym?

In Between Where stories live. Discover now