Color
Sa pagtatawanan namin nina Nanay Sony sa sala habang naglilinis ay bigla kaming natahimik ng may magsalita sa aming likuran.
“Palinis ng mga kalat sa kwarto ko,” mababang boses na utos ni Sir Brynn. Saglit akong lumingon ngunit bumalik din sa pagpupunas ng vase.
“Sige, Brynn, papapuntahin ko ro'n si Reiza pagkatapos namin,” ani ni Nanay Sony. Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Megan. Ningisihan naman ako nito
“Thank you,” huling salita ni Sir Brynn bago pumanik ulit sa kwarto.
“B-Bakit po ako?” tanong ko kay Nanay Sony pagkaalis ni Sir Brynn.
“Bakit naman hindi ikaw?” nagtatakang tanong pabalik sa akin ni Nanay Sony. Napakurap-kurap ako.
“Pwede naman po si Megan. Si Megan naman, Nay.” Pagturo ko kay Megan. Gulat itong nakahawak sa kaniyang dibdib.
“Anong ako?! Ikaw na ah!”
“Sige na, Reiza, ikaw na. Hindi naman makalat masyado ang kwarto ni Brynn.”
Hindi yung kalat ang dahilan kung bakit ayoko. Ayoko pumunta sa kwarto ni Sir Brynn dahil ayoko siyang makasama sa iisang kwarto. Fresh pa sa akin yung nangyari. Kahit anong limot ko sa sagutan namin ay paulit-ulit iyon sa isip ko. Parang ang awkward ng atmosphere sa pagitan namin ni Sir Brynn kung dalawa lang kaming nandoon.
“Megan, ikaw nalang. Hindi pa ako tapos dito oh!” muli kong kinuha ang basahan at pinunasan ang vase.
“Huwag na kayo magturuan dalawa, ako nalang.” Pag presinta ni Nanay Sony. Napatigil naman ako sa ginagawa.
“Kawawa naman si Nay Sony, kanina pa siya gumagawa. Sabi niya sa akin masakit daw yung likod niya,” si Megan.
Inirapan ko ito. Alam kong kinokonsensya niya lang ako.
“Hays….tiyak kong mananakit na naman yung likod ni Nanay Sony,” dagdag nito.
Napabuntong hininga ako bago tumayo. Inilapag ko ang basahan at iniwan si Megan doon para puntahan si Nanay Sony. Magaling talaga mangonsensya ang isang ‘yon. Kung totoong naaawa siya kay Nanay Sony ay dapat siya ang nagpresinta. Hindi rin naman kaya ng konsensya ko na si Nay Sony pa ang maglilinis ng kwarto ni Sir Brynn. Siya na ang naging magulang ko sa mansion na ‘to.
Bago pa man ako maunahan ni Nanay Sony sa panglinis ay kinuha ko na ito at dinala sa second floor, papunta sa kwarto ni Sir Brynn. Nang nasa harap na ako ng kwarto ay malalim akong humugot ng hininga. Trabaho mo ‘to Reiza kaya gawin mo. Kalimutan mo yung nangyari at mga sinabi niya, gawin mo lang yung trabaho mo.
Tatlong beses akong kumatok sa pinto.
“Bukas ‘yan!” dinig kong sigaw ni Sir Brynn.
Dahan-dahan kong pinihit ang pinto para pumasok. Tumaas ang balahibo ko sa lamig sa loob ng kwarto niya dala ng aircon. Katulad ng nasa isip ko, ginawa ko ang trabaho ko. Hindi ko na pinansin pa si Sir Brynn na mukhang nag-aaral sa kaniyang kama. Dumiretso ako sa isang table kung saan maraming papel ang nagkalat sa baba nito. Mga nilukot na papel na may drawing. Pinulot ko iyon isa-isa saka inilagay sa dalang trash bag.
“Ay! Put-” nagulat ako nang maramdaman ko may natamaan ako sa aking pag-atras. Sa pagtingala ko ay si Sir Brynn na nakatayo sa tabi ko na mukhang may kukunin sa table.
“What?” nakataas kilay na tanong nito sa akin.
“W-Wala po.”
Unti-unti kong pinakawalan ang pinipigilang paghinga. Gusto ko sabunutan ang sarili ko. Buti nalang! Buti nalang talaga at napigilan ko ang sarili ko. Kung hindi ay namura ko pa si Sir Brynn.
“Paabot naman ako ng ivory envelope diyan sa ibabaw ng mesa.” Utos ni Sir Brynn.
Tahimik ko naman iyong sinunod. Kaso ay napahinto ako nung marealize ko na hindi ko alam ang tinutukoy ni Sir Brynn. Napalunok ako ng sunod-sunod. Napakaraming envelopes sa ibabaw ng mesa nya, alin dito yung tinutukoy niya? Kulay ba ‘yon? Design? Brand?
“A-Alin po ‘yon, S-Sir Brynn?” kinakabahan na tanong ko. Para kasing nakakatakot na magkamali kapag si Sir Brynn ang nag-utos.
“Yung ivory na envelope.”
Nilingon ko si Sir Brynn at tutok ito sa kaniyang laptop. Alin ba rito ‘yon? Envelope….basta envelope. Siguro ay brand ‘yon. Kaya naman kinuha ko ang mukhang yayamanin na envelope. Kulay dilaw iyon na may design pero hindi ako sigurado kung ito nga ang tinutukoy ni Sir Brynn.
“Sir,” nag-aalangan ang mga kamay ko na ibinigay iyon. Lalong domoble ang kaba ko nung tinitigan lang ni Sir Brynn yung hawak ko bago tumingin sa akin.
“Ivory, Reizia…..hindi yellow.”
Hilaw akong napatawa at napakamot sa ulo. “A-Ahh kala ko po yellow. Sorry.” Pagpapalusot ko at bumalik sa table para hanapin iyon.
Ibig sabihin ay kulay ang ivory. Ano ba kasing klaseng kulay ‘yon at hindi ko yata natutunan sa school? Parang ngayon ko lang ‘yon narinig.
Dahil hindi ko alam ang kulay ng ivory ay nilagpasan ko ang mga alam kong kulay. Kinuha ko ulit ang hindi ko siguradong kulay. Baka tumama. Ngunit sa pagtalikod ko para dalhin ang envelope kay Sir Brynn, ay agad na tumama ang aking katawan sa kaniya. Nasa likuran ko lang pala siya. Nanlalaki ngayon ang mga mata ko sa gulat ngunit walang lumabas na boses sa akin.
“Color blind ka ba?” mahinang tanong nito.
Natuod ako at hindi nakasagot. Natauhan lang ako nung kunin nito sa kamay ko ang hawak at ibinalik sa table. Siya na mismo ang kumuha nang hinahanap niya. Napahawak ako sa aking dibdib sa pagtalikod niya sa akin para bumalik sa pwesto. Ang lapit non ah. Naramdaman kong sumayad yung mukha ko sa dibdib niya.
“Isa ba ‘yan sa binili ni Eshym?”
Napahinto ako sa tapat ng pinto nang akma na akong lalabas dahil tapos ko nang linisin ang kalat niya.
“Opo, Sir.”
Tinukoy nito ang suot kong t-shirt na mas maganda kumpara sa mga dala kong damit nung pumunta rito.
“Ilan ang binili sa ‘yo?”
Bakit kaya niya tinatanong? Para kwentahin kung magkano ang naubos sa akin ng kaibigan niya? Ano? Sasabihan na naman niya ako na probinsyanang mukhang pera? Sa dulo ay pinili ko pa rin sagutin ang tanong nito.
“Lima po.”
Tumango siya. Hinintay ko ang mapang-insulto na ngisi nito pero hindi ko iyon nakita. Kalaunan ay tumayo ito sa kama.
“Huwag ka munang lumabas. Hintayin mo ‘ko rito.”
Tumaas ang dalawang kilay ko sa pagtataka. Mabilis na naglakad si Sir Brynn papasok sa isang pinto. Hinintay ko ang paglabas niya kahit na hindi ko alam kung bakit niya ako pinaghintay. Ngayong wala siya ay nailibot ng mga mata ko ang kabuuan ng kwarto niya. Ang simple. Pang lalaki na pang lalaki ang mga kulay at disenyo. Kung susukatin ay malaki pa ang kwarto ni Sir Brynn sa bahay namin. Parang bahay na nga rin ‘to dahil may sariling sala. Balang araw…..maibibigay ko rin yung ganitong bahay sa kina Nanay.
Paglabas ni Sir Brynn sa pinanggalingang pinto ay may dala-dala itong mga paper bag na pamilyar na sa akin. Katulad ng tatak na binili sa akin ni Eshym.
Hindi ko napigilan na umawang ang aking labi nang iabot ni Sir Brynn iyon sa akin.
“A-Ano po ‘to, Sir Brynn?”
“Damit. Konti lang yung binili sa ‘yo ni Eshym kaya dinagdagan ko,” sagot nito sa hindi sa akin makatingin ng diretso.
Ha? Bakit naman niya ako ibibili? Parang kailan lang ay galit siya dahil binili ako ni Eshym, dahil pinagkagastusan ako. Tapos ngayon binili niya rin ako?
“Hindi ko po ‘to matatanggap, Sir Brynn.” Pilit kong ibinabalik ang mga paper bag ngunit iniwas niya ang sarili at kunot noo na ngayong nakatingin sa akin.
“Bakit naman hindi? Yung kay Eshym naman natanggap mo. Don’t worry, peace offering ko ‘yan. Itatapon ko ‘yan kapag hindi mo kinuha.”
“P-Peace offering?”
Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya dahil mas matangkad siya sa akin.
“O-Oo. Sorry sa nasabi ko. Mali yung nasabi ko. Hindi ko sinasadya….huwag mo sana dibdibin ‘yon.”
Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang nakatingin kay Sir Brynn. Hindi ko inakala na mag sosorry siya sa akin. Hindi dahil masama siyang tao kundi….sino ba naman ako para magpakumbaba siya at humingi ng sorry?
“Huwag mo akong titigan ng ganyan. Sige na lumabas ka na. Nag sorry na ‘ko.”
Naramdaman ko ang pagkailang ni Sir Brynn kaya naman lumabas na ako sa kwarto niya na walang salita. Napatitig ako sa mga hawak ko. Ano isasagot ko kay Megan kapag tinanong niya kung saan ‘to galing?
YOU ARE READING
In Between
RomanceSa murang edad ay namulat si Reiza sa kahirapan. Second year high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa kakulangan sa pinansyal. Nais ni Reiza na makatulong sa kaniyang mga magulang kaya naman namasukan ito bilang katulong sa pamilya Martinez...