Grocery
Linggo ng tanghali, habang nag aayos ako ng halaman ni Ma'am Grasha ay nakarinig ako ang malakas na tawag sa akin ni Megan. Kumakaway ito sa akin mula sa mansion at sinesenyasan na lumapit. Hinubad ko ang suot na gloves bago tumungo kay Megan.
“Bakit?” tanong ko.
“Makikisuyo raw si Nanay Sony.”
Ikinawit nito ang braso sa aking braso at iginiya papunta sa kusina.
“Ano raw ‘yon?”
Hinatak naman niya ang aking ulo palapit sa kaniya para bumulong.
“Labhan mo raw yung brief ni Sir Brynn.”
Mabilis kong itinulak palayo sa akin si Megan na tumatawa. “Siraulo!”
“Pumunta ka nalang kasi kay Nanay Sony, dami pang tanong e.”
Inismiran ko ito bago tumuloy kay Nanay Sony. Nasa tapat palang ako ng hagdan nang tawagin ako ng bunsong anak ni Sir Timothy at Ma'am Grasha, si Lilibeth. Kasing edad ko lang ito ngunit ang mukha nito ay dalagang-dalaga na. Napaka ganda katulad ni Ma'am Grasha at ang katawan ay parang model sa magazine.
“Ma'am?” pag lapit ko rito.
Inilahad nito sa akin ang tatlong dress na ibat-iba ang kulay at disenyo. Halatang bago pa damit may tag pa itong nakakabit.
“Labhan mo, kailangan ko ‘yan bukas. Ingatan mo na rin dahil tatlong taon ng sweldo mo ang katumbas niyan,” ani nito.
“Sige po, Ma'am.”
Dumiretso ako sa laundry area para iwanan muna roon ang damit, babalikan ko nalang mamaya pagkapunta ko kay Nanay Sony.
“Nay Sony, tawag niyo raw po ako?” pag pasok ko sa kusina.
“Ay oo, Reiza. Halika may iuutos lang ako.” Pinahid nito ang kamay sa suot na apron at kinuha ang mahabang papel sa taas ng fridge. Inabot ni Nanay Sony ito sa akin. Bumakas naman sa akin ang pagtataka.
“Mag bihis ka muna at pamimilihin kita. Nakalista naman na ang lahat.”
“Pero, Nanay Sony….wala po akong alam sa lugar dito. Baka po maligaw ako.”
Sa isang buwan namin dito ni Megan ay isang beses lang ako nalabas ng mansion. Nung nag padala ako ng pera kina Nanay nung isang linggo. Kaya naman hindi pa ako pamilyar dito.
“Ano ka ba naman bata ka? Sige na gumayak ka na at may kasama ka. Hindi ka mawawala.”
Wala akong nagawa kundi pumunta sa kwarto namin ni Megan para mag palit ng damit. Hindi ko naman na siguro kailangan pang mag suot ng magandang damit kaya napili ko ang aking lumang pants at plain white T-shirt. Pinarisan ko ito ng nag iisa kong flat shoes.
“Pumayat ba ako?” tanong ko sa aking sarili nang mapansin na parang lumuwag ang suot na pants. Ito yung suot ko nung pumunta ako rito at sakto pa naman sa akin noon. Ngayon ay bahagyang lumuwag.
“Huy! Ang tagal mo.” Pag pasok ni Megan sa kwarto.
“Megan, pahiram ako ng belt mo ah? Maluwag kasi ‘tong pants ko.”
Itinuro nito ang taas ang kaniyang lalagyanan ng damit. “Nandiyan. Bilisan mo na at kanina ka pa hinihintay ni Sir Brynn.”
Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni Sir Brynn.
“B-Bakit ako hinihintay ni Sir Brynn?”
“Siya kasama mo mag grocery, kaya bilisan mo diyan dahil alam mo naman ‘yon.” Lumabas na si Megan sa kwarto.
Malas naman. Wala kaya silang ibang driver at si Sir Brynn pa? Iwas nga ako ro'n ngayon tapos makakasama ko pa. Ang malas talaga.
“Nanay Sony, yung pera?” pag panik ko ulit sa kusina.
“Kasama mo si Sir Brynn kaya siya ang magbabayad. Halika at kanina pa ’yon naghihintay.”
Inihatid ako ni Nanay Sony sa labas ng mansion para pumunta kay Sir Brynn. Naabutan namin itong nakatayo sa tabi ng sasakyan na parang may sinusuri dito. Hindi ko naman napigilan na pasadahan nang tingin ang suot nito na simpleng short na pang bahay at black t-shirt. Ito talaga ang susuotin niya? Sabagay, kahit anong suot niya simple o hindi ay napaghahalataan na mayaman. Siya yung kahit pag suotin mo ng gusot-gusot ay malinis pa rin tingnan.
“Sir Brynn, nandito na si Reiza.” Tawag ni Nanay Sony dito. Saglit lang humarap ito sa amin at pumasok na sa sasakyan.
“Sumakay ka na, Reiza.” Utos sa akin ni Nanay Sony.
Kinakabahan man ay tumungo ako sa sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan sa harap. Napatingin ako kay Sir Brynn habang sumasakay ngunit hindi naman ito sa akin tumitingin.
Sa loob ng sasakyan habang bumibyahe ay nakakaramdam ako ng sobrang ilang dahil sa katahimikan. Pero si Sir Brynn? Parang wala lang sa kaniya at normal lang ito. Wala man lang tugtog para magkaroon ng ingay. Parang pati paghinga ko ay maririnig sa sobrang tahimik. Ayoko rin naman mag salita dahil wala naman akong sasabihin at ayoko rin makipag-usap kay Sir Brynn. Kaya habang nasa byahe ay sa bintana lang ako nakatingin, tinitingala ang mga nadadaanan na matataas na building.
Hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan ay wala kaming imikan ni Sir Brynn. Basta nung lumabas ito ng sasakyan ay binuksan ko na rin ang pintuan para sumunod sa kaniya.
“Kumuha ka non.” Turo nito sa cart. Walang salita akong sumunod at kumuha ng isa.
“Na sa ‘yo ba yung listahan?” tanong nito.
Aligaga ko namang kinuha sa aking bulsa ang ibinigay na listahan ni Nanay Sony. Kinuha niya ito sa akin at pinasadahan ito nang tingin. Ibinalik na rin sa akin kalaunan.
“Nandoon ‘yan. Marunong ka naman siguro magbasa no?”
Tumango ako.
“Simulan mo na at bilisan mo.”
Tango lang ulit ang naging sagot ko. Pinuntahan ko ang pwesto ng kaniyang itinuro. Ang daming bibilhin at sa tingin ko ay nandito naman lahat. Pati ang mga gulay saka isda ay nandito na rin. Pero sa tingin ko, hindi ito katulad ng mga nasa palengke na sariwa talaga. Kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko sa palengke dahil mas fresh ang mga gulay doon at mura pa.
“Brynn?”
Mula sa pamimili ng broccoli ay napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang pagtawag ng isang lalaki sa pangalan ni Sir Brynn. Pamilyar ito sa akin parang isa ito sa mga kaibigan ni Sir Brynn. Napalingon ako sa aking likod at nakita ko si Sir Brynn na nakasunod pala sa akin. Akala ko ay nag paiwan siya ro'n.
“Pre,” nag batian ang dalawa. Ngumiti sa akin ang lalaki na ginantihan ko rin naman ng ngiti. Ito yung mukhang mabait dahil parang siya lang yung hindi nagreklamo sa sunog na barbecue noon.
Bumalik naman ako sa pamimili ng gulay.
“Bakit ang tagal mo mamili ng gulay? Kanina pa kita tinitingnan kasi lahat ng kinukuha mo ay sinusiri mo muna. It’s kinda weird for me.” Tanong sa akin ng lalaking kaibigan ni Sir Brynn na wala naman bakas ng panunuya. Para lang siya talagang interesado sa ginagawa ko.
“Pinipili ko po kasi yung pinaka sariwa, Sir.”
Tumawa ang lalaki. “Eshym nalang, hindi mo naman ako amo,” sambit nito at hinawakan ang cart na pinaglalagyan ko ng mga binili.
“Pero kaibigan po kayo ng amo ko.”
Ngumiti ito sa akin. “Hindi naman ako ang nagpapasweldo sa ‘yo. Hindi rin ako komportable na tawagin ako ng Sir kaya Eshym nalang. By the way, you are?”
Narinig ko ang pagtikhim ni Sir Brynn sa aming likuran.
“Reiza po, Sir- I mean….Eshym.” Bahagyang pagyuko ko. Lalong lumaki ang ngiti nito.
“Nice too meet you, Reiza. See you around.”
Ngumiti ako bilang sagot. Bumaling naman ito kay Sir Brynn.
“Mauna na ‘ko, Pre. Naghihintay si Manang. Club nalang next time.” Pag papaalam ni Eshym. Tinanguan lang ito ni Sir Brynn at binalingan ako. Napabalik naman ako sa pamimili ng gulay.
“Marami pa ba?” tanong nito ng nasa hilera na kami ng mga frozen. Tiningnan ko ang mahabang listahan.
“Tapos na po, Sir.”
Inagaw nito sa akin ang itinutulak na cart at nagsimulang mag lakad. Nanatili ako sa kaniyang likuran. Akala ko ay pipila na kami para mag bayad pero may pinuntahan pa si Sir Brynn sa hilera ng sa tingin ko ay puro pang skin care. Pamilyar ako sa iba dahil ganito ang ginagamit ni Megan. Tiningnan ko ang mga kinukuha ni Sir Brynn. Gumagamit din pala siya ng mga ganito kaya pala napaka kinis ng mukha niya at halatang alagang-alaga.
Hinawakan ko ang isang lalagyan na may nakasulat na anti-acne pero nung makita ko ang presyo nito ay mabilis kong ibinalik sa lalagyan. Grabe ang presyo, isang linggong budget na namin iyon nila Nanay ah.
“Kung may gusto ka para sa ‘yo kumuha ka nalang. Ako naman magbabayad,” sambit ni Sir Brynn habang namimili.
“Okay lang po ako.” Pag tanggi ko.
Nakakahiya naman na iaasa ko sa kanila ang kaartehan ko sa katawan. Kaya ko naman isantabi iyon dahil sanay naman ako sa walang ginagamit kahit mag sunod-sunod na ang pagtubo ng tigyawat sa aking pisngi.
“Eshym is a playboy. Huwag kang maging malapit sa kaniya.”
Tumaas ang dalawang kilay ko sa pagtataka sa sinasabi ni Sir Brynn.
“Mukha naman po siyang mabait saka palakaibigan,” ani ko na ikinasama ng mukha ni Sir Brynn.
“Just stay away from him, Reiza. Babaero nga siya kaya mababait sa babae.”
Inilagay nito sa cart ang mga napili at itinulak na ito papunta sa cashier.
“Sinasabi niyo po na magiging isa ako sa babae niya? Parang imposible naman po iyon, Sir.” Pekeng pagtawa ko.
“I know you aren’t his type, he likes girls with big ass and boobs. You don’t have those two, but still, stay away from him. You can be his choice when he has no choice.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Sir Brynn, maiinsulto o ano. Alam ko naman na hindi ako yung tipo ng babae na matitipuhan ni Eshym at hindi rin ako asado katulad ni Megan. Ewan ko ba kung bakit ganito siya makapag-paalala na akala mo naman ay maganda ko.
YOU ARE READING
In Between
RomanceSa murang edad ay namulat si Reiza sa kahirapan. Second year high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa kakulangan sa pinansyal. Nais ni Reiza na makatulong sa kaniyang mga magulang kaya naman namasukan ito bilang katulong sa pamilya Martinez...