Trip
“Ano naman ‘yang dala mo?”
Hindi ko na naitago pa kay Megan ang mga ibinigay ni Sir Brynn sa akin. Ibinaba ko ang mga paper bag sa higaan ko at sinuri ito isa-isa.
“Damit,” matipid na sagot ko kay Megan. Naglakad siya papunta sa higaan ko at tiningnan din ito isa-isa.
“Galing na naman kay Eshym? Grabe yung sponsor mo, ah! Yayamamin!”
Sunod-sunod akong napalunok bago mag salita. “G-Galing kay Sir Brynn.”
Napatigil si Megan at nabitawan ang tinitingnan na dress. Katulad ng reaksyon ko kanina ay gulat din ang ekspresyon nitong nakatingin sa akin.
“Kay Sir Brynn? Bakit ka naman bibigyan ng damit ni Sir Brynn?”
Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam pero sabi niya….kulang daw yung binigay sa akin ni Eshym kaya dinagdagan niya.”
Tumaas ang dalawang kilay ni Megan na parang hindi kombinsido. “Talaga? Napaka generous naman pala nilang magkaibigan. Siguro tatakbo ng Mayor yung dalawa na ‘yon kaya nagpapamigay ng damit.”
“Sira!” natatawa kong hinampas sa kaniya ang isang damit.
“Oh bakit?! Totoo naman! Hindi ba sa atin nagpapamigay ng damit yung mga kandidato para iboto?”
Tinulungan niya ako na pagsamasamahin ang mga damit sa isang paper bag para hindi masyadong maraming kalat. Lalabhan ko na ito sa susunod na araw.
“Mukha ba silang kandidato?”
Humalakhak si Megan. “Hindi! Si Eshym mukhang macho dancer tapos si Sir Brynn mukhang pornstar,” bulong niya sa akin.
Nanlalaki ang mga mata ko sa kaniya. “Sige magsalita ka ng ganyan! Kapag ikaw narinig baka tuluyan kana talagang pauwiin sa probinsya.”
Hindi man lang siya nabahala sa babala ko. Tumawa pa ito ng malakas dahil sa reaksyon ko. Ewan ko kung saan niya nakukuha yung opinyon niya. Hindi ko alam kung paano niya nasabing mukhang matcho dancer si Eshym dahil hindi pa naman ako nakakakita ng matcho dancer. Lalo na yung pornstar ay wala akong kilala para pag basehan ang itsura ni Sir Brynn.
Napabaling naman kaming dalawa sa pagbukas ng pintuan ng kwarto namin ni Megan. Iniluwa nito si Nanay Sony.
“Lumabas muna kayong dalawa diyan at tulungan ninyo ‘ko sa ginagawa ko.”
Tumayo naman kami ni Megan at sumunod kay Nanay Sony sa kusina. Nakita ko ang hinahanda nitong pagkain.
“Saan ‘yan dadalin, Nay?” tanong ni Megan.
“Dalin n'yong dalawa sa swimming pool at nandiyan yung mga kaibigan ni Lilibeth. Si Lilibeth yung nagpagawa niyan.”
Iniabot nito sa amin ang apat na tupper ware na puno ng pagkain.
“May bisita pala ang prinsesa, kaya pala may maingay akong narinig kanina. Mga nagtitilian,” sambit ni Megan.
Pagdating nga namin sa swimming pool ay maiingay na tawanan ang bumungad sa amin. Mga babae ang karaniwan sa kanila at tatlong lalaki. Sa unang tingin mo palang ay alam mo ng katulad ni Lilibeth ang mga ito. Anak mayaman.
“Ma'am, saan po ito ilalagay?” tanong ko kay Lilibeth. Nahinto ang tawanan nila dahil sa paglapit namin ni Megan. Lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa, mataray namang umarko ang kilay ni Lilibeth.
“Doon nalang.” Turo nito sa isang mahabang mesa. “Ikuha mo na rin kami ng towel.”
“Sige po.”
Sinunod ko ang utos nito. Bumalik ako sa swimming pool area na mag-isa bitbit ang iniutos niya. Inilapag ko ang mga ito sa sun lounger.
“Maid!” tawag ng isang babae na ikinalingon ko. Mahinang bumubungisngis ang mga kasama nito. Ako lang naman ang maid dito kaya ako ang tinutukoy niya. Lumapit akong muli sa kanila.
“Ikuha mo kami ng extra baso, kulang kasi kami ng isa.” Utos ng kaibigan ni Lilibeth.
Hindi ko na kailangan pang bilangin ang baso na nasa harapan nila, sobra pa nga iyon dahil may plastic cups pa sila. Pero sinunod ko pa rin ang utos. Inisip ko nalang na baka may dadating pa sila na kaibigan.
“Pakuha ulit ng isang towel, nahulog kasi yung isa kaya dumumi.” Utos naman ni Lilibeth pagdating ko dala ang baso.
“Okay po.”
Sa patalikod ko ay narinig ko ang tawanan ng magkakaibigan. Ipinagsawalang bahala ko iyon kahit na mukhang pinagtitripan nalang ako ng mga ito.
Bitbit ang isang towel ay bumagal ang lakad ko nung makita ko si Sir Brynn na nakaupo sa sala na walang ginagawa. Nakahalukipkip nitong sinusundan ang lakad ko. Bahagya akong yumuko bilang pagbati bago tuluyang pumunta ulit sa pool.
“Pwedeng makisuyo ng dalawang wine?” utos naman nung isa.
Muli akong tumalikod para sundin na naman ang utos nila. Napapagod na rin ako pabalik-balik dahil sa laki ng bahay nila ay sino ang hindi mapapagod? Sa pagtapat ko ng sala at nandoon pa rin si Sir Brynn pero ngayon ay nagbabasa na ito ng isang magazine. Hindi na ‘ko nag abala pa na batiin siya ulit, dumiretso ako sa kuhanan nila ng wine. Nagdala na rin ako ng wine glass in case na iutos na naman nila. At magkaibang wine rin ang kinuha ko para may pagpilian sila.
Sa muling pagdaan ko sa sala ay mabilis akong tinapunan nang tingin ni Sir Brynn, ngunit bumalik din ang atensyon sa binabasa.
“Ipalit mo yung isang ‘to. Katulad nalang nito ang kunin mo.”
Hindi nagustuhan ni Lilibeth ang isang wine na kinuha ko kaya naman gusto niya na palitan ko iyon. Kaya naman wala akong nagawa kundi kunin iyon at lumakad pabalik sa loob ng mansion.
“That’s enough, Lilibeth,” dinig kong tinig ng isang lalaki. Tumawa si Lilibeth.
“What? They are paid to obey me. Chill ka lang diyan, Terence, trabaho nila ‘yan.”
Tama. Wala naman akong karapatan magreklamo kahit na utusan nila ako hanggang magdamag dahil trabaho ko ito. Pero hindi ba mali naman kung ginagawa mo lang iyon para pahirapan ang isang katulong? Pero wala akong magagawa kundi idaan sa buntong hininga ang lahat. Talagang spoiled brat ang bunso ng pamilyang ito.
Sa kasamaang palad ay hindi ko maabot ang kaisa-isahang wine na katulad nang hinihingi ni Lilibeth. Kaya naman kinuha ko ang isang upuang kahoy para gawing tungtungan ko.
“Anong gagawin mo?”
Napalundag ako sa gulat sa pagsalita mula sa likuran ko. Naibaba ko ang isang paa na nakatungtong na sa upuan.
“Kukunin ko lang yung wine, Sir. Huwag po kayong mag-alala pupunasan ko nalang itong upuan.”
Tumaas ang dalawang kilay nito. Lumakad si Sir Brynn palapit sa akin at inalis ang upuang hinila ko. Iniangat lang nito ang kamay at naabot niya agad ang bote ng wine. Sa tangkad niya ay hindi na niya kinailangan pang tumingkayad. Inabot niya ito sa akin.
“Saan mo ba ‘yan dadalin?” tanong nito.
“Sa swimming pool po. Nandiyan yung mga kaibigan ni Ma'am Lilibeth.”
Naging strikto ang mukha nito. Muli niyang kinuha sa akin ang bote ng wine.
“Ako na ang magdadala nito.”
Napahabol ako sa kaniya sa pagtalikod nito sa akin.
“Pero, Sir! Sa akin po iyan inutos.”
Bigla si Sir Brynn huminto at lumingon sa akin. Mabilis naman akong napaatras dahil sa muntikang pagbunggo ko sa likod niya.
“Mukhang pinagtitripan ka lang nila. Alam ni Lilibeth na bawal silang uminom ng kahit wine rito dahil magagalit ako.”
Iyon naman na ang hinala ko kanina hindi lang ako nagrereklamo dahil alam kong ako lang ang mapapasama. Mukha rin naman kaugali ni Lilibeth ang mga kasama niya, maliban lang yata sa isang lalaki na pinapahinto na si Lilibeth.
“Pero….baka po magalit na naman sa akin si Ma'am.”
“Don't worry ako bahala sa kaniya.”
“Bakit ba ang tagal mo? Mahirap ba yung inutos ko?” pagsulpot ni Lilibeth. Halos mag abot ang kilay nito sa pagkakakunot.
“Stop it, Lilibeth!” suway ni Sir Brynn sa kapatid. Masasaksihan ko na naman yata ang pag-aaway ng magkapatid.
“Why are you always defending her, kuya?!” pagturo sa akin ni Lilibeth. Napaatras ako dahil doon. Ako na naman ang dahilan nang sigawan nila.
“I'm not!” depensa ni Sir Brynn. Inilapag nito ang wine na hawak. Kung pwede lang ako umalis ngayon para hindi ko makita ang pag-aaway nila ay ginawa ko na.
“No, you are!”
Taas baba ang dibdib ni Lilibeth dahil sa pagsigaw. Malalim naman humugot ng hininga si Sir Brynn.
“Don't argue with me, Lilibeth. In the first place, bakit mo siya pinapakuha ng wine?”
Napahinto si Lilibeth at saglit na napatingin sa akin. “Dahil….iyon ang gusto nila Heydie!”
“Iyon ang gusto nila o iyon ang gusto mo?”
“I-I don’t know what are you talking about, Kuya.” Napalunok si Lilibeth na tila takot na malaman ng kuya niya na pinagtitripan nila akong magkakaibigan.
“Treat her nicely, Lilibeth. Pati allowance mo ay mawawala sa ‘yo.”
Pareho kami ni Lilibeth ng reaksyon. Hindi kami makapaniwalang nakatingin kay Sir Brynn. Bakit niya iyon gagawin sa kapatid niya?
“No…you are not serious,” iiling-iling na pahayag ni Lilibeth.
“I am,” malamig na tugon ni Sir Brynn.
“Hindi mo ‘yan gagawin, Kuya, dahil lang sa isang maid na ‘yan!”
Ibinaba ni Sir Brynn ang kamay ni Lilibeth na nakaduro sa akin.
“Gagawin ko, Lilibeth.”
Napatitig si Lilibeth sa kapatid bago padabog na tumalikod. Grabe yung dalawang ‘to. Napapaisip tuloy ako kung nag-aaway din sila sa harap ng magulang nila katulad nito. Hindi ko mapigilan ang mabigla dahil hindi ko naranasan na makipagsigawan sa mga kapatid ko.
“Sorry. Sorry sa inasal ni Lilibeth.” Pagharap sa akin ni Sir Brynn. Napatuwid naman ako.
“Uhm…Sir, hindi niyo po kailangan gawin ‘yon sa kapatid n'yo. Ayos lang naman po ako.”
Tumaas ang dalawang kilay nito. “Don’t worry hindi ko ‘yon ginawa para sa ‘yo. Ginawa ko ‘yon para madisiplina ang kapatid ko.”
Para naman akong naubusan ng dugo sa mukha. Oo nga naman, saan ako kumuha ng kapal ng mukha para akalain na ginawa iyon ni Sir Brynn sa akin? Sa isang maid lang na katulad ko.
YOU ARE READING
In Between
RomanceSa murang edad ay namulat si Reiza sa kahirapan. Second year high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa kakulangan sa pinansyal. Nais ni Reiza na makatulong sa kaniyang mga magulang kaya naman namasukan ito bilang katulong sa pamilya Martinez...