CHAPTER 1

26 2 0
                                    

Call


Sa pag pasok ko sa dinning area dala ang ulam ay nakita ko si Sir Timothy at Ma'am Grasha na nasa hapag na para mag almusal. Sa unang kita ko palang sa kanila ay masasabi ko ng mababait sila. Sabi rin ng mayordoma rito na mababait daw talaga ang pamilya Martinez, pero duda ako sa anak na lalaki nito.


“Oh! Kayo ba yung bago?” tanong sa akin ni Sir Timothy. Palangiti ito gaya nang nakita ko sa litrato.


“Opo, Sir,” magalang na sagot ko.


“Bakit parang ang bata mo pa, Hija? Ilang taon kana ba?” tanong naman ni Ma'am Grasha. Hindi ko mapigilan ang humanga sa kagandahan nito. Napakaputi at batang-bata para sa edad niya.


“19 po, Ma'am.”


Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Sir Timothy. “19? Ang bata mo pa. Dapat ay nag-aaral ka pa niyan.”


“Huminto na po ako, Sir. Financial problem po.” Pag ngiti ko.


Tumangu-tango naman ang mag asawa. Gustuhin ko man makapagtapos ay hindi na kaya ng konsensya ko na makita si Nanay na halos magkanda kuba sa pagtatrabaho. Pagkatapos ko ng second year high school ay huminto na ako at nagsimulang mag hanap ng pagkakakitaan. Kahit papaano ay nakakatulong na ako sa mga gastusin sa bahay pero kung buhay lang siguro ang aking ama ay baka nakatapos ako kahit high school lang.



“Kaedaran mo si Lilibeth, yung bunso namin,” ani ni Sir Timothy.


Ang alam ko ay may tatlong anak sila at isa palang ang nakikita namin ang pangalawa at nag iisang lalaki nilang anak.


“Anong pangalan mo?”



“Reiza po, Ma'am,” sagot ko kay Ma'am Grasha habang sinasalinan ng tubig ang baso nito.


“Reiza, tawagin mo muna si Brynn. Katukin mo lang yung pangatlong pinto sa second floor.” Utos nito.


Kinakabahan man ay sinunod ko si Ma'am Grasha. Hindi ko alam kung paano ko kakaharapin ang lalaking iyon na walang nararamdaman na kahihiyan. Halos lumubog kami sa kahihiyan noon ni Megan nang malaman namin na anak pala ng amo namin ang lalaking sumundo sa amin kahapon. Kaya pala unang tingin ko palang ay mukhang anak mayaman na.


Si Megan ay halos mamutla. Hanggang sa makarating kami rito sa mansion ay walang lumabas na salita sa aming dalawa. Tuloy ay nakipag palit ito sa akin ng gawain dito sa bahay. Ako ang nasa loob ng bahay at si Megan naman ay nasa kusina para maiwasan si Sir Brynn. Mas doble ang kahihiyan ang nararamdaman niya dahil sa mga sinabi niya rito.


Pagdating ko harap ng pinto ng kwarto nito ay malalim akong humugot ng hininga bago tatlong beses na kumatok.


“Sir? Sir Brynn, tawag po kayo ni Ma'am Grasha.”


Nanatili ako sa harap ng pinto at naghihintay ng tugon mula sa kaniya. Wala akong natanggap na sagot mula rito kaya naman muli akong kumatok.


“Sir Brynn? Sir? Sir, tawag po kayo ni Ma'am.”


Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil mukhang hindi naman ako narinig ng isang ‘to.


“Sir Brynn! Tawag po kayo!” nilakasan ko ang aking boses para makasiguro na maririnig ako nito.


“Sir-”


“Hindi mo ako kailangan tawagin paulit-ulit dahil narinig ko.” Biglang pagbukas nito ng pintuan. Natuod ako sa aking kinakatayuan dahil sa biglang paglabas niya.


“Baka gusto mong tumabi sa dadaanan ko? Hindi tayo kasya.” Paglapit ng mukha nito sa akin.


Napakurap-kurap ako at napaatras. Gusto ko ngayon batukan ang sarili ko sa pagkakatulala sa kaniya.


“S-Sorry po.”


Nilagpasan ako nito at bumaba ng hagdan. Nasa likuran naman niya ako habang naglalakad, apat na hakbang ang pagitan naming dalawa. Napatitig ako sa malapad nitong likuran. Sa hula ko ang katawan nito ay katulad nang nakikita ko sa mga magazine. Yung parang isang pitik lang sa'yo ay tutumba kana.


“Next time, call my name once. Narinig na kita non hindi mo na kailangan ulitin.”


Napatuwid ako sa pagkakatayo sa biglang pagsasalita nito.


“Opo, Sir.”


Ano ba naman kasing alam ko na narinig na niya ako kanina? Gaano ba kahirap na sumagot para hindi ko na siya tawagin pa ng paulit-ulit? Mukhang itong lalaking ‘to ang magiging pahirap sa akin sa mansion. Mukhang may tinatago namang bait pero lamang yung pagiging masungit. Hindi katulad ng magulang niya na palangiti.


“Sir huh? Hindi na ba ako mukhang driver?” huminto sa paglalakad at nakangising humarap sa akin.


Nahigit ko ang aking paghinga.


“Ahh…” peke akong tumawa. “P-Pasyensya na po, Sir. Hindi naman po kayo mukhang driver, kasi kayo yung nag mamaneho nung araw na iyon kaya lang namin kayo natawag na ganon. Ang gwapo niyo nga po oh! Hindi mukhang driver.”


Hindi ko napigilan na pabirong hampasin ang kaniyang braso na siyang agad na pinagsisisihan ko. Gusto ko nalang lamunin ng lupa sa mga oras na ‘to! Unti-unting nawala ang pekeng ngiti ko dahil sa sobrang seryoso ni Sir Brynn na nakatingin sa akin. Kalaunan ay sininghalan ako nito at inirapan bago nagpatuloy sa paglalakad.


Nakakahiya ka Reiza! Sinong tanga ang hahampasin ang braso ng amo niya?! Close ka?! Gusto ko nalang maglaho sa sobrang kahihiyan.


“Do you have class today?” tanong ni Sir Timothy sa anak.


“Yea,” matipid na sagot ni Sir Brynn. Naniningkit ang mga mata nito sa akin habang inilalapag ko sa mesa ang kaniyang kape.


Napaiwas ako agad nang tingin. Estudyante pa pala siya, hindi lang halata sa pangangatawan niya. Pero tiyak kong nasa college na siya.


Pagkatapos ko ay lumabas ako sa dinning area para pumunta sa kusina kung saan nandoon si Megan. Parang gusto ko nalang makipag palit kay Megan ngayon ng trabaho. Hindi mahirap ang trabaho ko pero parang mahihirapan ako sa pagtatrabaho kung nasa paligid ko lang si Sir Brynn. Pinagmamasdan nito ang bawat kilos ko na parang hinihintay na magkamali ako.


“Megan….”


Madrama akong lumapit kay Megan na naghuhugas ng pinggan.


“Reiza, bakit? Anong nangyari sa'yo?” pinunasan nito ang kamay at kinaharap ako. Bagsak ang balikat ko na umupo sa harapan ng mesa.



“Palit nalang tayo. Balik kana sa loob dito nalang ako.”


Nanlaki ang mata nito sa akin. “Ayoko nga! Dito nalang ako no. Alam mo naman yung….yung nagawa ko kay Sir Brynn. Saka parang ang sungit non.”


Lalo akong lumugmok sa upuan. Hindi ko alam kung ilang kahihiyan pa ang magagawa ko sa loob ng bahay na ‘to.


“Si Sir Brynn ba ang pinag-uusapan ninyo? Huwag kayong matakot don mabait yung batang ‘yon.” Pag pasok ni Nanay Sony, isa sa mga taga luto rito.


“Pero bakit po parang iritable siya madalas? Sarkastiko po siya mag salita.” Sumbong ko kay Nanay Sony na tinawanan nito.


“Natural lang ni Sir Brynn ‘yon. Kapag tumagal kayo rito, mahuhuli niyo rin yung ugali na ‘yon at makakasundo niyo. Ang totoo nga niyan ay pinaka mabait ‘yan sa magkakapatid?”


“Pinaka mabait na po si niyan?” hindi makapaniwalang tanong ni Megan.


Kung pinaka mabait na si Sir Brynn, mas malala ang mga kapatid niya kung ganon.


“Yung panganay nila na si Trisha, strikta ‘yon. Ayaw niya na nagkakamali saka hindi pala ngiti. Buti nga at bumukod na ‘yon kasama yung asawa. Yung bunso naman nila na si Lilibeth, spoiled brat naman. Dapat lahat ng gusto niya binibigay at madalas bastos sa magulang. Kaya lagi niyang kaaway ang kuya niya. Si Brynn talaga ang pinaka mabait dahil marunong gumalang may masungit lang talaga na awra.”


May masungit na awra o literal na masungit talaga? Yung pangyayari pa nga lang sa sasakyan ay talagang nasabi ko ng masungit siya. Ayaw niya rin ng maingay kaya pinapatahimik niya kami ni Megan.


Hindi ko tuloy napigilan sabihin ang nasa isip ko. “Masungit po talaga siya, Nanay Sony. Minsan iritable, minsan walang emosyon, minsan antipatiko, ay mali madalas-”


“Reiza,”

Bigla akong napatayo sa aking kinauupuan at halos lumuwa ang aking mga mata nang makilala ko kung kaninong boses iyon. Si Megan ay bumalik sa ginagawa at si Nanay Sony naman ay nagpipigil ito ng tawa bago lumabas sa kusina.


Para akong tuod na humarap kay Sir Brynn. Pakiramdam ko ay naubos ang dugo sa aking mukha sa pamumutla.


“S-Sir,”


Nakataas ang kilay nito sa akin. Napaatras ako sa paglakad niya palapit. Ilang beses akong sunod-sunod na napalunok.


“Labhan mo ‘to, susuotin ko iyan bukas.” Pag-abot niya sa akin ng isang polo shirt. Inismiran ako nito bago lumabas sa kusina.



In Between Where stories live. Discover now