CHAPTER 6 - Junior Highschool: Back to Normal

3 1 0
                                    

Matapos ang dalawang buwang summer vacation ay dagling pumunta si Izabelle sa bahay nila Hyura. Tapos sabay silang nagtungo sa paaralan para asikasuhin ang kanilang enrollment papers upang maging ganap na silang 3rd year student. Sinubukan nilang tawagan si Oraine at ang iba pa nilang mga kaibigan para magpa-enroll ngunit nag-alibi lang ang mga ito na busy at sinusulit pa nila ang kanilang bakasyon. Kaya naman nauna nang magpa-enroll ang dalawa. Tinaon kasi nila na konti palang ang nagpapa-enroll para madali lang maprocess ang kanilang papers. Pagkahapon din ay officially enrolled na silang dalawa at sinulit ang natitirang tatlong oras sa pamamasyal.
Ika-6 ng Hunyo 2010 saktong 6:30 ng umaga nang mag-ring ang cellphone ni Izabelle. Tumatawag pala si Hyura sa kanya. Katatapos lang kasi niyang maligo kaya hindi niya nasagot ang mga tawag nito. Kanina pa pala ito tawag ng tawag sa kanya. Kaya naman mas minabuti ni Hyura na puntahan siya sa kanilang bahay. Naghintay din ito ng sampung minuto bago pa sila tuluyang nagtungo sa kanilang paaralan. Mabuti nalang nakaabot sila sa flag ceremony. Gaya ng dati ay nagkaroon din ng maikling programa. Nagbigay din ng maikling mensahe si Mrs. Baldora. Magandang balita naman ang sinabi nito para sa lahat. Balik na kasi ulit sa Homogeneous system ang sectioning. Sa mga oras na ito biglang kinabahan sila Izabelle, Hyura at Oraine. Mabuti nalang nakakuha sila ng 90 above na general average noong 2nd year. Kaya pasok din sila sa banga ng listahan ng mga estudyanteng mapapabilang sa unang seksyon. Labis ang ikinatuwa ng magbabarkada. Natupad din ang isa sa mga hiling nila.

Napakaswerte din nila dahil adviser na nila si Mrs. Diadema S. Langao. Mabait, magaling magturo, chubby pero maganda at paboritong guro ni Izabelle sa English subject. Napabilang din sa unang seksyon si Rizty F. Orat-- ang bestfriend niya simula pa ng elementary sila. Mukang ang bait yata talaga ngayon ng tadhana para kay Izabelle. Medyo malungkot lang siya dahil hindi na niya palaging makikita ang crush niyang si Clerk Jon

Mahigit dalawang taon na rin kasi ang lumipas nang biglang naputol ang nagsisimulang love team story nila ni Clerk Jon. Sa taon na ito hindi na sila magkaklase kaya magkakaroon na din ng katahimikan ang isipan ni Izabelle at mas makakafocus na siya sa kanyang pag-aaral. Ngunit may mga oras na hindi niya maikukubling namimiss niya si Clerk Jon. Naaalala kasi niya ang mga kilig moments kapag tinutukso sila ng kanilang mga kaklase nang maging classmate niya ito sa 2nd year. Hindi kasi malayo ang agwat ng kanilang mga apelyido kaya kapag naka-alphabetical order ang seat arrangement ay palaging nasa likuran niya ang assigned seat nito at may pagkakataon naman na isang upuan lang ang pagitan nila. Kaya huwag ka ng magtaka kung lagi silang subject ng tuksuhan noon. Kaya naging dahilan din ito kung bakit medyo nahirapang magbigay ng todong atensyon si Izabelle sa kanyang pero laking pasasalamat niya dahil isa ito sa mga nalagpasan niyang pagsubok sa 2nd year highschool.

Matapos ang apat na oras ng morning class nila Izabelle ay agad itong nagtungo sa canteen kasama ang mga barkada niya. Nagbaon kasi siya ng lunch para hindi na siya umuwi pa ng bahay. Pagkatapos ng lunchbreak ay nag- usap-usap ang magbabarkada nang biglang sumulpot si Anderson M. Rato---kaibigan ni Clerk Jon. Ito ay may gusto Kay Izabelle pero si Clerk Jon ang natitipuhan ng dalaga.
"Hey Izabelle? Pwede ba akong manghiram ng lecture notes mo?" tanong ni Anderson kay Izabelle. " Haha naku! hindi ka na naman naglecture noh? Siguro nqgcutting class ka na naman kahapon. "mataray na sabi ni Izabelle. " Tumpak ka nga! Kahapon kasi biglang sumama ang pakiramdam ko kaya minabuti kong umuwi at magpahinga sa bahay. Kaya wala akong notes sa Science subject kahapon. May quiz pa naman bukas. Kaya sige na please... Pahiramin mo naman ako!,pagsusumamo nito kay Izabelle. " Sige na nga. Basta ba ibalik mo rin ito sa akin before 5:00 pm." sabi ni Izabelle. "Okay! I will madam'" tugon ni Anderson.
Nang hiramin ni Anderson ang lecture notes ni Izabelle ay napasagot sa isipan ng dalaga ang gabing pumunta sina Anderson at Clerk Jon sa kanilang bahay. Akala niya bibili ng yelo nang "magtao po" ang mga ito ngunit ng usisain niya ay sila Clerk Jon at Anderson pala. Bigla tuloy siyang kinabahan dahil baka mapagkamalang boyfriend niya ang isa sa mga ito. Nandiyan pa naman ang tatay ni Mrs. Lihat. Kaya agad naman niyang tinanong ang dalawa kung ano ang ma pakay ng mga ito. Manghihiram lang pala ng lecture notes niya. Agad naman niyang inabot kay Clerk Jon ang kapirasong notebook upang makauwi na ang mga ito sa kani-kanilang bahay. Nang makauwi na sila Clerk Jon at Anderson ay tinanong naman si Izabelle ng Tatay ni Mrs. Lihat kung sinu-sino ang mga iyon. "Mga classmates ko lang po iyon Tay." Pumunta po dito para hiramin ang lecture notes ko.",magalang na sagot ni Izabelle. Mabuti nalang hindi ito nagalit sa kanila. Pero sa loob-loob ni Izabelle at nang makabalik na siya sa kanyang study table ay bigla siyang napangiti at kinilig dahil hiniram ni Clerk Jon ang kanyang lecture notes.
Maya-maya pa ay napansin ni Oraine si Izabelle na abot langit ang ngiti nito kaya inusisa niya ito.
"Uyy Girl! Parang ang ganda ata ng ngisi mo diyan at tila ba kinikilig ka! Nanghiram lang sayo si Anderson ng lecture notes mo ay ganyan na agad ang reaction mo?" usisa ni Oraine. " Ayy grabeh siya! Napangiti lang ako si Anderson na agad ang dahilan? Hindi ba pwedeng si Clerk Jon. Tsaka bessie bang huwag mong bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Anderson dahil sa puso ko si Clerk Jon lang talaga!" depensang sagot ni Izabelle. " Ganern ba? Masyado ka kasing defensive! Binibiro nga lang kita nagtaray ka kaagad. Sabagay ganyan talaga pag greatest crush---- mahirap kalimutan. By the way, kumusta na nga pala siya? Updated ka pa rin ba sa life niya? Tapos nagtataka ako dahil hindi ko na nakikitang nagsasama sila Anderson at Clerk kahit na magclassmate sila. Nagkaroon ba sila ng alitan?" pagdududang tanong ni Oraine."Yeah! Precisely! Dahil up until now naaalala ko pa rin ang gabing pumunta sila Anderson at Clerk Jon sa bahay. Akala ko bibili ng yelo, hindi pala. Pumunta silang dalawa sa bahay dahil nanghiram kasi ng lecture notes ko si Clerk Jon. That night kinilig ako! Charrr! Buti nalang ginandahan ko ang sulat-kamay ko that time. "Ay ano ba ito Girl napapathrowback tuloy ako sa kanya. Kilig moments namin noong second year highschool pa tayo." mungkahi ni Izabelle. And speaking kung kumusta na siya? At kung nag-away ba sila ni Anderson ay talagang wala akong alam diyan.
Malimit ko na rin kasing makita si Clerk Jon sa Campus. Try kaya nating tanungin si Anderson para malaman natin;total magkaibigan naman sila.", pahabol na sagot ni Izabelle.

At exactly 5:00 p.m., binalik ni Anderson ang hiniram nitong notebook kay Izabelle. Tapos kinausap siya ng masin-sinan ni Izabelle. "Belle ito na nga pala ang notes mo; Maraming salamat" pagpapasalamat na sabi ni Anderson at nagtatangka ng umalis. " Welcome bro! But wait puwede ba kitang makausap sandali ." pakiusap ni Izabelle . " Oh sure why not? May problema ka ba?" tanong ni Anderson . "Wala naman pero gusto ko lang sanang kamustahin si Clerk Jon . And para matanong kung nag-away ba kayong dalawa? Hindi ko na kasi kayong nakikitang magkasama even in lunchbreak." usisang tanong ni ni Izabelle. " Ha? Kami nag-aaway ni Clerk? Sa ano namang rason? By the way hindi ko pa pala nasabi sayo na nasa hospital si Clerk Jon ngayon. Mahigit isang linggo na siyang naconfine. Nadisgrasya kasi siya ng sila'y maglaro ng basketball kasama ang mga barkada niya. But don't you worry he will be fine soon sabi ng doctor. Kaya kailangan niyang magrest for 6 months. Kaya kailangan niyang magrest for 6 months. Kaya huwag ka ng mag-alala kung hindi mo muna siya makikita sa campus. " sabi ni Anderson sabay alis.
Tela hindi muna naniwala si Izabelle sa sinabi ni Anderson. Akala kasi niya nag-jojoke lang ito. Mabuti nalang dumating si Hyura. " Belle kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala sa canteen. May mahalaga akong sasabihin sayo."matamlay na sabi ni Hyura. "Ano na namang balita iyan Girl? Good news ba? " tanong ni Izabelle. "Actually it's bad news dahil kanina ko lang nalaman na na-hospital pala si Clerk Jon. Nadisgrasya siya noong nakaraang linggo. Niyaya kasi siya ng mga barkada niyang mag-basketball kahit na medyo masama ang pakiramdam . Ah alam mo namang hibang na hibang ang crush mo pagdating sa basketball. Kaya tinapos pa nila ang isang game kahit na overfatigue na siya. Tapos may limang minuto na lang siyang natitira para i-shoot ang bola nang bigla siyang mahilo at dumilim ang paningin. Kaya hindi niya napansing basa pala ang natapakang sahig. Kaya iyon medyo nabagok ang ulo niya. Mabuti nalang naishoot pa niya ang bola for the win. And the doctor had advised him na magkaroon ng mahaba-habang pahinga." detalyadong salaysay ni Hyura. " Totoo nga pala talaga ang sinabi ni Anderson. Akala ko nagbibiro lang iyon. Anyway salamat nga pala sa iyong detalyadong impormasyon. Nag-aalala na kasi ako sa kanya. Ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita sa campus." mungkahi ni Izabelle. Pagkatapos ng mahaba-habang usapan ay sabay na umuwi sina Izabelle at Hyura.
Hanggang sa pag-uwi ni Izabelle sa kanilang bahay ay nangangamba at nalulungkot pa rin siya sa nabalitaang kalagayan ng greatest crush niyang si Clerk Jon. Mabuti nalang nadischarge na ito sa hospital at ipagpapatuloy nalang ang medication at full recovery sa kanilang bahay. Kaya kailangan nito ng ilang buwang pahinga. Nalulungkot lang si Izabelle sapagkat nanghihinayang ang dalaga sa mga araw na hindi ito makakapasok sa paaralan. Nagkataon pa na nasa kalagitnaan ng nang school year nang mangyari iyon kay Clerk Jon. Ilang buwan nalang ay Commencement Exercise na nila. Bibisitahin sana ni Izabelle si Clerk Jon kaso nahihiya siya dahil wala naman silang commitment para mag-alala ng sobra lalo pa't hindi na sila magkaklase ngayong 3rd year. Kaya mas minabuti nalang ni Izabelle na hindi nalang ituloy ang balak na bisitahin si Clerk Jon. Ipinagdasal nalang ng dalaga ang lubusang paggaling nito para makabalik na rin ito sa eskwela.

The Sedulous Quest For Love And SuccessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon