Ika - 4 ng Hunyo 2009, unang araw ng pasukan. Mababanaag mo sa mukha ni Izabelle ang sobrang excitement sa pagpasok sa paaralan. Kaya naman bago pa sumapit ang alas 7:00 ng umaga ay agad nitong tinahak ang maikling distansiya mula sa kanilang bahay patungo sa paaralan ng highschool. Mababakas mo rin sa kanyang mga mata ang tuwa at pananabik na makita ang mga malalapit niyang kaibigan. Siyempre sophomore na siya kaya marami ng kakilala o nakakakilala sa kanya. Hindi tulad nang nasa unang taon pa lamang siya ng highschool ay talagang kabado at mahiyain siya lalo na sa unang araw ng eskwela. Masaya rin siya dahil kumpleto na ang kanyang school supplies at officially enrolled na siya bilang 2nd year student kaya wala na siyang problema pa. Sakto namang nagring ang school bell nang siya ay nakapasok na sa gate. Nagtaka siya dahil halos mapuno ang buong campus ng estudyante. Medyo magulo at maingay ang mga ito. Nilibot niya ang kanyang mga mata upang hanapin ang kanyang mga kaibigan at mga kaklase ngunit tila ba bigla siyang nahilo at nahirapang huminga. Nasusuffocate kasi siya kapag maraming tao o estudyante sa paligid niya. Mabuti nalang nakita siya ng bestfriend niyang si Oraine P. Base ---- small but terrible din tulad niya. Agad siya nitong nilapitan at inusisa. Sinabi naman kaagad ni Izabelle ang kanyang nararamdaman kaya dagling humingi ng saklolo si Oraine kay Hyura C. Luhog ----- ang maganda, mabait at pang beauty queen nilang kaibigan. Mabuti nalang may dala itong nature spring - mineral water at vicks. Sa awa ng Diyos ay medyo kumalma din ang kanyang pakiramdam. Kaya sobrang pasasalamat ni Izabelle sa dalawa nyang malalapit na kaibigan. Pagkatapos ng limang minutong pagpapakalma sa kanya ay minabuti na nilang magtungo sa quadrangle upang pumila ng maayos para sa flag ceremony.
Maya- maya pa ay nag-umpisa na ang flag ceremony at sinundan ito ng maikling programa na pinaghandaan ng mga estudyanteng nasa ika-apat na taon. Sila kasi ang nakatukang mag- host ng programa. Samantalang ginampanan naman nila Izabelle, Oraine, Hyura at ng kapwa nila kamag-aral ang kanilang tungkuling maging aktibo at bigyang atensyon ang nasabing programa. Bago naman natapos ang programa ay nagbigay muna ng short remarks ang kalugud-lugod , kagalang-galang at aktibo nilang Principal na si Mrs. Loraine M. Baldora. Isa sa mga nabanggit nito ay ang tungkol sa pagbabago sa sistema ng kanilang sectioning. Noong unang taon kasi nagkaroon ng biglaang pagtaas ang bilang ng mga "school quitters" kaya naman ngayong taon ay napagdesisyunan ng administrasyon ng paaralan na iayon na muna ito sa "heterogenous system of sectioning". Isa itong paraan upang maibsan ang listahan ng mga kabataang humihinto sa pag-aaral o out of school youth pagdating ng kalagitnaan ng school year. Layunin din ng sistema na ipamalas ang pantay-pantay na pagtingin ng mga guro sa kanilang mga estudyante at maging ng mga estudyante sa kapwa nila mga estudyante. Nilinaw din ng sistema na hindi nakabatay ang teaching strategies ng mga guro at level of intelligency ng mga estudyante sa level of sectioning. Ito ay para maiwasan ang " unfairness" , "favoritism", at diskriminasyon", paliwanag ni Mrs. Baldora. Nabigla ang lahat matapos marinig ang sinabi ng kanilang principal. Ang dating mga estudyanteng nasa unang seksyon ay hinati sa limang grupo. Ang isang grupo ay nanatili sa unang seksyon samantalang ang apat na grupo naman ay nalipat sa ibang seksyon. Sa kasawiang palad ang grupo nila Princess Izabelle L. Alzado, Oraine P. Base, Hyura C. Luhog, Prince Liel B. Dumaog, Ose Marie B. Atchar, Zyra L. Liam, Ikie Rose H. Acosta, Arjon M. Pado, at Jun Ass H. Gama na galing sa unang seksyon ay nalipat sa ikalawang seksyon. Sobra silang nabagot dahil kabilang sila sa top 10 honor students sa unang taon tapos nasayang lang pala dahil hindi nila naipagpatuloy ang mapabilang sa unang seksyon sa ikalawang taon. Pero labag man sa kanilang kalooban ay kailangan nilang tanggapin ang pagkalipat sa kanila sa second section. May misyon kasi silang hikayatin ang iba pang mga mag-aaral na bigyang tuon ang kanilang pag-aaral.
Matapos ang programa ay agad na nagtungo sa kanilang classroom ang pito kasabay ang iba pa nilang magiging kaklase. Akmang papasok na sana ng pinto si Izabelle nang biglang nakasabay niya si Clerk Jon papasok ng silid. Doon rin ito patungo sa room na pupuntahan niya. Kaya naman namutla at bumilis ang tibok ng kanyang puso sa sobrang kaba."Naku Po! Hindi ito pwedeng mangyari", pabulong niyang sabi sa sarili. Agad naman siyang napansin ni Oraine. " Anong nangyari sayo Izabelle? Bakit tulala at para ka yatang nakakita ng halimaw?",usisa ni Oraine sa kaibigan."Ah....eh....Kasi nakita ko si Clerk Jon" ,pautal na sagot ni Izabelle. Bigla naman napahagikhik sa tawa si Oraine at sabay biro sa kanya."Uy! Halimaw daw pero kilig to the bones naman si Ms. Princess Izabelle L. Alzado." Denial Queen ka pa kasi Girl!" pakantiyaw na sabi ni Oraine.Hindi nalang umimik si Izabelle para hindi na humaba pa ang biruan. Maya-maya pa ay inusisa sila ni Hyura."Hey Guys! Parang ang saya-saya niyo ata diyan? Anong ganap?"tanong ni Hyura sa kanilang dalawa." Hayyy naku Hyura si Oraine lang naman ang abot langit ang tawa at tinutukso ako kay Clerk Jon." paliwanag ni Izabelle. "Si Clerk Jon Asevero? Di ba crush mo siya since first year pa tayo?Girl alam mo rin bang classmate natin siya ngayong taon? Nakita ko siya kanina sa flag ceremony. Nakapila siya sa linya natin.Hindi kita nainform kaagad kanina kasi mukhang seryoso kayo ni Oraine sa pakikinig ng closing remarks ni Mrs. Baldora." mungkahi ni Hyura. Kaya nga iyan rin ang isa sa ikinakabahala ko Hyura.Kanina ko lang din siya napansin nang papasok na tayo sa room. Nagkasabay kasi kami kanina kaya nashock at kinabahan ako ng todo." sagot ni Izabelle. "Girl kilala kita! You are a strong lady! Alam kong naiistress ka ngayon sa mga nangyayari.Pero kaya mo iyan!Kaya natin Girl! Kakayanin natin ang mga pagsubok na dumarating sa atin ngayong taon. Basta Girl huwag lang tayong magpaapekto.Ipagpatuloy lang natin ang good performance natin last year para makabawi at mapabilang ulit tayo sa first section sa susunod na taon.Tapos kung nababahala at nahihiya ka ngayon dahil classmate natin si Clerk Jon ay go lang tayo Girl! Nandito lang kami para suportahan at ipagtanggol ka whatever happens." payo ni Hyura kay Izabelle.Yeah! Superduper agree ako dyan Girl! Kaya natin 'to! Tiwala lang tayo kay Lord." pagsang-ayon na sagot ni Oraine sa sinabi ni Hyura.
Laking pasasalamat ni Izabelle kay Hyura at Oraine.Higit pa sa mababait,magaganda at matatalino ang mga ito ay tinurin siya nitong tunay na kapatid na babae. Tunay talaga silang mga kaibigan! Dumagdag din sa grupo nila sina Ose Marie, Prince Liel, Zyra ,Ikie Rose at Jun Ass. Dito na silang pito nagkasundo at nagkaroon ng magandang samahan. Sila ang naging karamay ni Izabelle sa second year highschool. Ito ay palaging nakasuporta at laging nagbibigay ng payo upang patatagin siya.Sa totoo lang, talagang nahirapan siya nang maging classmate niya si Clerk Jon. Labis kasing naapektuhan ang kanyang pag-aaral simula nang maging classmate niya ito. Dumating na kasi sa point na nahihiya na siyang magrecite kapag sila ay may class recitation at reporting. Nangyari na ito sa kanya isang araw. Nagkaroon sila ng reporting sa science class nila pero by partners. Nagkataon naman na naging partner ni Izabelle si Clerk Jon sa reporting. Kaso hindi ito nakipagtulungan sa kanya. Nagpagawa pa naman siya ng instructional materials at siya na ang gumastos. Ngunit nang araw na ng reporting ay hindi ito pumasok. Nagsolo reporting tuloy siya. Mabuti nalang naging successful din ang kanyang report at nakakuha siya ng perfect grade. Minsan kasi parang sinasadya din ng mga guro na ipartner o igrupo sila sa mga reporting, activities at iba pang events.Todo suporta din ang mga kaibigan at classmates niya sa kanilang dalawa. Sila rin palagi ang subject ng tuksuan. Alam na kasi ng kanilang mga guro at ng buong klase na crush ni Izabelle si Clerk Jon at may pagtingin din ito sa kanya. Ngunit hindi siya nagpaapekto sa mga panunukso. Crush at tinurin nalang niya itong kaibigan.
Nagfocus siya sa goal niya na magtop ulit sa klase. Kaya sobrang thankful niya na kasali pa rin siya sa honor students. Sa katunayan nga nagrank 1 siya sa tatlong grading periods except sa ikalawang markahan dahil nakasecond rank lang siya. Buti nalang nagrank 1 pa rin siya sa kabuuan. Nakabawi siya dahil sumali siya sa isang contest about Jose Rizal's Life,Works and Writings.Dito rin niya nakilala si Arizon Vin H. Casin. Ang gwapo, matalino at sikat din sa campus nila. Dati kasi naririnig lang niya ang pangalan ng famous guy na ito. Hindi niya akalaing makakalaban niya pala ito sa isang paligsahan.Si Arizon ang nagchampion sa kanilang contest samantalang siya ay nakakuha lamang ng 4th placer.
Naalala tuloy ni Izabelle ang naging reaksyon niya nang makita niya si Arizon sa paligsahan.Talagang namangha siya sa katalinuhan at mala "Harry Potter" nitong look. Pagkatapos ng kanilang contest ay nakasabayan niya ito papalabas ng room. Kasama nito ang kanyang coach. Lalamanuhan sana ito ni Izabelle kaso tanging "Congratulation" lang ang nasambit niya kay Arizon. Nag-aalangan kasi siya at nahihiya lalo pa't hindi siya nito gaanong kilala. Tapos nagmamadali na ring umuwi si Izabelle at ang kanyang coach na si Mrs. Ressa D. Jao kaya hindi na niya gaanong nakausap si Arizon. Pero malaking pasasalamat niya at nakita niya ito sa personal. Nagkaroon na naman siya ng inspirasyon bago pa man matapos ang sampung buwan niyang pag aaral sa ikalawang taon ng highschool.
BINABASA MO ANG
The Sedulous Quest For Love And Success
AdventureThis is a TagLish Story that tells about Izabelle's sedulous quest for love and success. Izabelle being a simple, cute but amazing lady was determined to achieve all her goals in life eversince she was in her young age. She is one of the Studiosit...