CHAPTER 1 - Izabelle's First Heartbreak

5 1 0
                                    

Isang hapon, habang nakaupo si Izabelle sa isang sofa ay biglang siyang napaisip at nagbaliktanaw sa nakalipas na karanasan. Mahigit labindalawang taon na rin ang lumipas ngunit naaalala pa rin ni Izabelle ang kanyang yumaong ama na si Anton T. Alzado. Noong ito ay nabubuhay pa ay mayroon silang magandang buhay. Sa lahat kasi ng mga anak nito ay si Izabelle ang pinakapaboritong anak. Sa katunayan nga simula't sapul pa ay mumunting prinsesa na siya ng kanyang ama. Kaya naman sunod siya sa layaw. Lahat ng gusto niya ay nabibili niya tulad ng mga damit, sandals, sapatos, mga laruan, tali at ipit sa buhok. Ngunit nagbago ang takbo ng buhay ni Izabelle nang magkasakit na ang kanyang ama. Napagpasyahan tuloy ng kanyang pamilya na lumuwas na muna ng probinsiya para magpagaling ang kanyang ama. Nagdesisyon din ang kanyang ina na si Eliah L. Alzado na doon na rin paaralin si Izabelle para makatipid sa gastos.

Pag-uwi nila sa probinsiya ay maaaninag mo sa mukha ni Izabelle ang labis na pagkamangha at paninibago. Lalung-lalo na sa lingguwahe. Sa una talagang nahirapan siya ngunit hindi nagtagal ay natutunan din niya ang lingguwaheng waray. Naalala tuloy niya noong unang sulpot palang niya sa kanilang probinsya. Palagi siyang binibiro ng kanyang mga pinsan at pinagtatawanan ng kanyang mga kaklase sa grade one dahil nga sa hindi pa siya marunong magsalita ng waray. Mabuti nalang nag-aral siya at mabilis din naman siyang natuto.Sa probinsiya rin naranasan ni Izabelle at ng kanyang pamilya ang kahirapan. Dati kasi nang nasa Manila pa sila ay medyo nakakaangat sila sa buhay ngunit ng magkaroon na nga ng malubhang sakit ang kanyang ama ay hindi na ito nakapagtrabaho pa. Ang tanging inaasahan nalang ng buong pamilya ay ang buwanang pension ng kanyang ama sa Social Security System. Ito ang ginagastos nila upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Kaya napilitan ang kanyang ina na magtrabaho bilang kasambahay sa karatig Barangay upang may pang-ambag sa gastos para sa pag-aaral nilang magkakapatid. Limang magkakapatid sila Izabelle. May dalawa siyang kapatid na babae at dalawang kapatid na lalaki. Sila ay sina Aleah L. Alzado, Anna Lei L. Alzado,Joe L. Alzado at Jeo L. Alzado. Noong panahong nagtatrabaho ang kanyang ina,tanging ang ama na ni Izabelle ang nagsilbi nilang gabay, tagapag- alaga, tagapayo, tagaturo, at minsan tinutulungan sila nito sa kanilang mga proyektong pampaaralan. Samantalang ang kanilang ina naman ay nagturo sa kanila ng mga gawain sa bahay. Si Izabelle bilang panganay na anak ay maagang nasabak matuto sa mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.

Masaya ang kanilang pamilya kahit na simple lang ang status ng kanilang pamumuhay. Ngunit isang araw, dumating na ang kinatatakutan ni Izabelle. Limang buwan nalang sana ang hihintayin bago ang graduation niya kaso sa kasawiang palad hindi na nakaabot pa ang kanyang ama sa kanyang graduation. Tuluyan na itong binawian ng buhay kaya labis na pagkalungkot at paghihinagpis ang naranasan ni Izabelle. Naapektuhan pa ang kanyang pag-aaral. Natatandaan pa nga niya noong bagong libing palang ang kanyang ama. Tuwing nakikita niya ang kanilang mga larawan sa graduation ay bigla nalang siyang napapahagulhol sa iyak. Kaya agad siyang pumupunta sa kanilang kwarto at doon na magmumukmok hanggang sa makatulog nalang siya sa kaiiyak. Mahigit anim na buwan din niyang dinanas ang depression. That is why Izabelle considered the death of his father as her first heartbreak. Sino ba namang mag-aakalang agad siyang mauulila sa kanyang ama sa murang edad na labingdalawa. Siya pa naman ang tumayong panganay sa limang magkakapatid kaya labis din siyang naapektuhan sa sitwasyon. Mabuti nalang may mga guro siyang may magagandang kalooban at malalapit na mga kaibigang umaagapay sa kanya upang makabangon ulit sa kabila ng pagkalugmok.

Ika- 31 ng Marso 2008, nakapagtapos din si Izabelle ng kanyang pag-aaral sa elementarya. Talagang sulit ang kaniyang anim na taong pagsisikap sa pag-aaral dahil nakamit din niya ang inaasam na maging "Class Valedictorian" . Natamo niya ito sa tulong din ng mga taong walang sawang nagmamahal at naniniwalang maaabot niya ang minimithing mga pangarap sa buhay. Subalit sa kabila ng kanyang mumunting tagumpay ay may ikinikubling kalungkutan si Izabelle. Nang siya ay nagtapos na sa elementarya, bawat pagsampa niya sa stage para sabitan siya ng mga medals at ribbons ng kanyang ina ay mababanaag mo pa rin sa kanyang mga mata ang pangungulila sa yumaong ama at pag-aasam ng presensiya nito sa kanyang graduation kaso hindi na ito nakaabot pa. Kaya pinilit niyang maging matatag at magpasalamat sa Diyos na malagpasan din niya ang isa sa matinding pagsubok sa kanyang buhay. Ang mahalaga nakapagtapos siya sa elementarya at naipagpatuloy niya ang kanyang kinabukasan.

Isang buwan bago pa nagsimula ang enrollmennt sa highschool ay halatang problemado na si Izabelle. Nababahala kasi siya na baka hindi na niya maipagpatuloy pa ang kanyang pag-aaral. Gipit na gipit pa naman sila sa pera. Kaya isang umaga, kinausap siya ng kanyang ina hinggil sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral. Sinabihan siya ng kanyang ina na napagpasyahan nitong hindi na muna siya papaaralin sa highschool. Patatapusin daw muna ang kapatid niyang si Jeo sa elementarya bago niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aasam na makapag-aral ng highschool. Subalit hindi pumayag si Izabelle na mahinto sa kanyang pag-aaral kahit isang taon lang. Baka daw kasi tamarin na siyang mag-aral ulit. Mabuti nalang naalala niya ang alok sa kanya ni Mrs. Arilyn S. Lihat ---- adviser teacher ni Izabelle sa Elementary. Ito nalang daw ang magpapaaral sa kanya ng highschool hanggang makatapos siya ng kolehiyo pero sa isang kondisyon dapat doon na rin siya maninirahan kapiling ng pamilya ni Mrs. Lihat. Sa una nag-alinlangan muna si Izabelle sa alok nito pero nang talagang gipit sila at hindi na siya kaya pang paaralin ng kaniyang ina ay pumayag nalang siya. Para din naman ito sa kapakanan at kinabukasan niya at higit sa lahat para maibsan din ang matinding kalungkutan na dulot ng pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ama.

The Sedulous Quest For Love And SuccessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon