CHAPTER 3 - Izabelle's Unpremeditated Reading of Jon's love letter

9 1 0
                                    

Dalawang buwan na ang lumipas ng maging crush ni Izabelle si Clerk Jon. Sabado walang pasok kaya naglinis ng bahay si Izabelle. Tapos sa isang sulok may nakita siyang kahon na nakakalat. Agad naman niya itong dinampot. Puno ito ng mga lumang aklat at may nakita rin siyang diary notebook ni Dara S. Nomis ---- kaibigan ni Izabelle na pamangkin ni Mrs. Lihat. Binasa niya ang bawat pahina ng masinsinan nang biglang may nahulog na piraso ng intermediate paper na nakaipit sa diary notebook. Love letter pala ito ni Clerk Jon kay Dara. Nalaman tuloy ni Izabelle na elementary crush pala ni Clerk si Dara. Pagkatapos niyang mabasa ang sulat ay nagkataon naman na pumunta si Dara sa bahay nila Izabelle. Hinahanap nito ang diary notebook niya. Agad naman itong binigay ni Izabelle at humingi ng paumanhin dahil nabasa niya ang sulat ni Clerk Jon para sa kanya. Ngumiti lang si Dara at sinabi Kay Izabelle na hindi naman niya gusto si Clerk Jon. Si Clerk Jon lang kasi ang may crush kay Dara. Maya- maya pa ay inamin din ni Izabelle na crush niya si Clerk Jon kaya nacurious siya sa love letter nito para kay Dara. Agad naman siyang biniro ni Dara na " lagot ka Ate Belle isusumbong kita kay Mommy. May pa crush, crush ka ng nalalaman ngayon ha!" Bigla namang nagmakaawa si Belle na huwag itong ipaalam kay Mrs. Lihat baka kasi mapagalitan siya nito." Sumagot naman si Dara na " Si Ate Belle hindi naman mabiro! Joke lang iyon! Tsaka okay lang namang magkacrush ka. Ibig sabihin normal kang tao dahil natututo kang umibig. Huwag ka lang maging tanga sa pag-ibig." Nagpasalamat naman si Izabelle sa payo ng kaibigan.

The Sedulous Quest For Love And SuccessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon