CHAPTER 4 -Izabelle's First Love Letter to Jon

8 2 0
                                    

Biyernes ng hapon, hindi umuwi si Oraine sa kanilang bahay. Nakitulog ito sa bahay na tinitirahan ni Izabelle dahil pagkabukas may activity sila sa school. Kaya nagkaroon din ng bonding time ang dalawang magkaibigan. Pagkatapos nilang magdinner ay agad silang nagtungo sa study table ni Izabelle. Inasikaso muna nila ang mga gamit na gagamitin nila para bukas. Maya-maya pa ay nag-umpisa ng magkwento si Oraine sa mga nagawa niyang story. Bigla tuloy nilang naisingit sa usapan si Clerk Jon. Ipinaalam din ni Izabelle Kay Oraine na elementary crush pala ni Clerk Jon si Dara. Nalaman niya ito dahil nabasa niya ang love letter ni Clerk Jon para kay Dara. Naisipan tuloy ni Oraine na sulatan nila si Clerk Jon. "Belle,what if??Kung magbigay ka kaya ng love letter kay Clerk Jon. Ako lang ang susulat pero ikaw ang magdidictate ng magiging laman ng sulat", ika ni Oraine. Sumagot naman si Izabelle na "Ha? Ako pa talaga ang magbibigay ng love letter? Hindi ba nakakahiya iyon na babae pa ang unang gagawa ng move?" "Belle hindi naman masama na magbigay ka ng love letter sa isang lalaki. Mas formal nga dahil ipapaalam mong crush mo siya sa pamamagitan ng love letter. Pero syempre dapat may thrill muna. Susulat tayo ng love letter na hindi agad malalaman kung kanino nanggaling ang sulat. Ito ang paraan para siya ang humanap sayo. Oh! Di ba! Ang galing ng bestfriend mo?" nakangiting wika ni Oraine Kay Izabelle. Sa una hindi muna siya sumang-ayon dahil first time niyang magbibigay ng love letter sa isang lalaki. Samantalang noong elementary nakagawian niya na siya ang tumatanggap ng mga sulat sa mga kaibigan at classmate niyang nagkakacrush sa kanya. Pero napilitan din siya kaya agad naman silang gumawa ng love letter.

Pagdating ng lunes ay agad na ipinaabot ni Oraine ang love letter sa isang classmate ni Clerk Jon. Nabasa ito ni Clerk Jon at ng mga kaibigan nito. Nacurious siya kung sino ang nagbigay ng sulat dahil ang bating pangwakas at lagda ng sulat ay "from your secret admirer - first year Anchovy". Kinabukasan din ng hapon habang nakatambay at naghihintay ang buong klase nila Clerk Jon na magring ang bell para sa Filipino subject class nila ay pina-trace niya kung sino ang real sender ng love letter kaya naman nagpasuyo siya kay Anderson na ipakita ang nabasang sulat sa mga classmate ni Izabelle para malaman kung kaninong handwriting iyon. Mabuti nalang wala pa si Mrs. Diadem Langao ------ English teacher nila Izabelle . Kaya agad na lumapit sila Ose Marie at Anderson sa kinauupuan nila Izabelle at Oraine. Alam kasi ni Ose Marie ang sulat-kamay ni Oraine kaya ito ang una niyang tinanong. "Oraine, di ba handwriting mo ito? Crush mo ba si Clerk Jon at sinusulatan mo siya ng love letter?" pag-uusisang tanong ni Ose Marie. Nagtaka at kinabahan sila Oraine at Izabelle. "OMG! Bakit binalik ang sulat?" pagtatakang tanong ni Oraine. Sa sobrang takot ni Izabelle na baka malaman ni Clerk Jon na siya ang nagpasulat ng love letter ay agad niyang hinablot ang isang kamay ni Oraine papalabas ng room. Nagpunta sila sa may puno ng mangga na malapit lang din sa kanilang room. Tapos kinausap niya si Oraine na magpanggap na ito ang sumulat ng love letter dahil gusto nito si Clerk Jon ngunit nagtalo ang dalawa. Ayaw kasing pumayag ni Oraine sa pakiusap ni Izabelle. Kaya naman bigla nitong nalakasan ang kanyang boses, " Belle umamin ka na kasi na ikaw ang may gusto kay Clerk Jon kaya nagpatulong ka sa akin na gumawa ng love letter! Maiipit pa tuloy ako dyan! Tsaka okay lang namang malaman ni Clerk Jon na crush mo siya. Hindi naman masamang humanga Belle. Ang mahirap ay ang hindi ka marunong magmahal."

Maya-maya pa ay biglang nakarinig ng ingay sila Izabelle at Oraine na nagmumula sa Filipino room na nasa 2nd floor ng building. Sa ibaba kasi nito ay English room na. Nang kanilang usisain ay nakita nila sila Clerk Jon at ang mga kaklase pala nito ang maiingay. Binibiro nila si Clerk Jon dahil nalaman na nila ang buong katotohanan. Narinig kasi nila ang usapan ng dalawa. Sobrang lakas kasi ng boses ni Oraine kaya agad silang nabuko. Sa sobrang hiya ay napaiyak nalang si Izabelle at kumaripas ng takbo papunta sa comfort room. Agad naman siyang sinundan ni Oraine at pinakalma upang tumigil na sa pag-iyak. Humingi din ito ng paumanhin kay Izabelle dahil hindi naman niya sinadyang lakasan ang kanyang boses. "Belle, sorry na! I know it's my fault pero hindi ko naman sinadyang lakasan ang boses ko kanina. Malay ko bang nandoon sila sa Filipino room. Tumigil ka na sa pag-iyak mo dyan. Balik na tayo sa room dahil baka andyan na si Mrs. Langao. Kaya tara na!" pakiusap ni Oraine sa kaibigan sabay yakap. "Pero Oraine nahihiya na akong pumasok pa sa klase natin baka ako naman ang pagmulan ng kantiyawan. Hindi ko pa kayang magpakita sa klase ngayon lalo pa't namamaga ang mga mata ko. Pwede bang gawan mo nalang ako ng excuse letter sabihin mo na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na muna ako makakapasok sa klase. Pakikuha mo na rin ang bag ko habang wala pa si Mrs. Langao", pakiusap ni Izabelle kay Oraine habang pinapahid nito ang kanyang mga luha. Naintindihan naman ni Oraine ang kalagayan ng kaibigan niya kaya agad naman itong sumang-ayon sa pakiusap nito. Kinabukasan din ay pumasok na si Izabelle at nagkibit-balikat nalang siya sa naging issue kahapon. Imbis na maapektuhan sa mga kantiyawan ay mas binigyang pansin nalang niya ang kanyang pag-aaral.

Unang taon pa lamang ni Izabelle sa highschool ay nakitaan na siya ng kasipagan sa pag-aaral. Aktibo rin siya sa pagsali sa mga subjects club. Natutugma pa na napipili siyang President Officer sa mga paborito niyang subjects tulad ng Science, English, Math, at TVE. Dagdag points kasi ito sa non-academic performance niya kaya determinado siyang gampanan ang kanyang posisyon. Kapag may ginanap naman silang school events at activities ay napagtatagumpayan nila ito sa tulong ng kapwa niya officers. Hindi rin niya inakalang magrarank 1 siya sa kanilang section at sa buong first year level ng highschool. Ito rin ang simula ng kasikatan ni Izabelle sa kanilang campus. Higit itong nagbigay sa kanya ng kasiyahan dahil nagtagumpay siya sa kabila ng kanyang pagkabahala na baka hindi na siya magkaroon pa ng good performance sa highschool. Akala niya hindi niya makakaya pero salamat sa Diyos nagawa pa niyang manguna sa klase. Napatunayan din niya na kapag nagsumikap ka walang hindi kaya at walang imposible sa taong maagap at matiyaga . Siyempre sa tulong na rin ng kanyang mga guro, pamilya, mga kaibigan at mga kaklaseng nagsilbi niyang inspirasyon kaya napagtuunan niya ng maigi ang kanyang pag-aaral sa unang taon sa highschool.

The Sedulous Quest For Love And SuccessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon