CHAPTER 7 - STUDY MUNA BAGO LOVELIFE

5 1 0
                                    

Sa kabila ng pangamba ni Izabelle sa naging kalagayan ni Clerk Jon sa taong ito ay naipagpatuloy pa rin niya ang nasimulang excellent performance niya sa academic area at maging sa non-academic area. Mas minabuti rin niyang sundin ang kanyang motto na "Study muna bago lovelife." Lalo na't siya ay napabilang ulit sa unang seksyon sa taong ito. Kaya naman mas challenging at mas nakukumbinse na niyang muling magsikap sa pag-aaral ngayon dahil nga seryoso, aktibo at studyholic din ang kanyang mga kaklase. Sa katunayan nga ay naitala niya sa 2010-2011 scholastic achievements niya ang mga sumusunod:

° kahit na malapit ang labanan nila pagdating sa academic area ay nagawa pa rin niyang maging consistent rank 1 sa kanilang section sa Science quiz bee by school level.
° Naging MTAP participant din siya ngunit sa kakulangan ng oras sa pagre-review ay hindi nagawa ng team niya ang makapasok sa placer. Katatapos lang din kasi ng Science Contest nila.
° Isa rin siyang manunulat ng feature writing sa kanilang school paper na pinamagatang "Ang Kapitan".
° Tapos during ng kanilang recognition day ay idineklara siyang 1st honor sa kabuuan ng 3rd year student. Nakatanggap rin siya ng Certificate bilang best in ICF.
Bukod sa mga naging achievements niya sa academic area ay naipagsasabay rin niyang isingit ang kanyang oras sa pagsali sa co-curricular activities at mga organisasyon sa paaralan. Kaya naman makikita mo sa 2010- 2011 scholastic record niya ang mga sumusunod:
°Vice President sa SSG Organization
° President sa Math Club
° Associate Editor ng "Ang Kapitan "- school paper's name
° President in TVE Processing
° Chapter & Sub-Chapter Officer's sa PSYSC
° Drum Corps Band member (Zylophoner)
° At naging Class President siya sa kanilang section.

Ang lahat ng ito ay naabot at nagampanan niya sa tulong ng mga inspirasyon niya sa buhay. Bagamat mahirap at nakakapagod ang taong ito ---- para kay Izabelle sulit pa rin at talagang nag-uumapaw ang kanyang puso sa kaligayahan sa nakamit na mumunting tagumpay. Sa taong ito nagkaroon na kasi siya ng peace of mind kaya naka-focus na siya sa kanyang studies . Labis din itong ikinagalak ng kanyang guardian, pamilya, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro. Sobrang pasasalamat din niya sa Poong Maykapal sa ibinigay nitong sunud-sunod na biyaya para sa kanya.
Maliban sa mga nabanggit na co-curricular activities at mga organisasyon ay nakilahok din si Izabelle sa mga malalaking social events tulad ng Girl's Scouts of the Philippine Encampment, Science Festival Camping, Drum Corps Competition during City Fiesta,Christmas Party, Junior at Senior Promenade at Wedding.

Pero sa lahat ng mga nabanggit na social events, ang pagsali niya sa Junior at Senior Promenade or in Short JS Prom ang isa sa mga importante at hindi niya makakalimutang event. Ginanap at itinuon sa buwan ng Pebrero pagkatapos ng araw ng mga puso. Maswerte sila dahil sa school year na ito ay nagkaroon ng collaboration ang mga guro at kanilang mga magulang na payagan silang Junior students at Senior Highschool students na magkaroon ng sabay na promenade para isa lang ang gastos sa food catering, venue design, music amplifier, invitation card at tokens. Sa una medyo nag-aalangan si Izabelle sa pagsali dahil siguradong gagastos siya ng malaki. Mabuti nalang at laking pasasalamat niya dahil pinahintulutan pa rin siya ni Mrs. Lihat, ang kanyang guardian na makasali sa nasabing event.
Bago pa man naganap ang promenade ay abala na ang lahat sa paghahanda para sa big event. Kaya naman todo practice na ng regudon dance ang Junior students samantalang Cottelion naman ang pinagkakaabalahang insayuhin ng mga Senior Highschool students. Mahigit isang buwan din nila itong pinaghandaan. Dalawang Linggo nalang bago ang promenade ay inakala ni Izabelle na makakahabol at makakasali pa si Clerk Jon sa kanilang regudon dance. Nabalitaan kasi niyang bumalik na ito sa kanyang pag-aaral matapos ang dalawang buwang pagpapahinga o recovery. Isa kasi sa mga rason niya sa pagsali sa promenade bukod pa sa additional grade niya sa non-academic area ay gusto niyang maka-partner at maging escort si Clerk Jon during their promenade. Kaso hindi siya pinalad. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil si Arjon M. Pajar ang naging escort niya at partner niya sa regudon dance. At least kakilala at kaibigan niya.
         Tapos tatlong araw bago ang promenade ay naghanap kaagad sina Izabelle at ka-batch mates niya ng maisusuot sa upcoming event ---- gown sa mga babae at polo/barong tagalog at slack naman sa mga lalaki. Laking tuwa ni Izabelle dahil ang nirentahan niyang gown ay kulay pink----- ang kanyang paboritong kulay. Bumili rin siya ng sandals na kulay silver na may dalawang pulgadang haba ng takong para makaindak siya ng maayos lalung-lalo na sa pagsasayaw ng regudon.
        Pagdating naman ng araw ng promenade --- Pebrero 22,2011 ay labis na ikinagalak ng Junior at Senior Highschool students ang kanilang pagdalo. Eksaktong 3 o'clock ng hapon ay nagsimula na ang big event sa pamamagitan ng marahang pagpaso ng mga nagsisigandahang dilag suot ang kanilang magagarang gown. Kasabay nilang lumakad ang kanilang mga escorts na naka-barong at slacks. Nang makarating na ang lahat sa venue ay pormal na inumpisahan ang event ng  doxology, singing of the Philippine National Anthem na "Lupang Hinirang" at prayer dinner.

The Sedulous Quest For Love And SuccessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon