02

402 9 0
                                    

#BWB02

"Putang ina ang sakit ng ulo ko," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa hallway ng school

"Hey Tori. Goodmorning," bati sa'kin ni Nicole

"Walang good sa morning."

She chuckled. "May hang over ka pa sis?"

"Obvious ba?"

I opened my locker and took some few books out. Nagulat ako dahil may nakita pa akong bra sa loob ng locker ko. Tinago ko nalang iyon sa sulok.

"Same. Pinilit ko lang pumasok dahil may quiz tayo ngayon. Umabsent nga si Aubrey at Tiffany eh."

"Dapat pala umabsent nadin ako," sabi ko habang hinihilot ang sentido

Fuck. My head hurts like hell! Parang may gera ng mga demonyo sa ulo ko.

"Nag-aral ka?" she asked

"Nope. Kopyahan nalang tayo. Katabi naman kita."

"Ako pa talaga inasahan mo."

"Matalino ka naman."

"Luh. Sakto lang."

"Kamusta pa ako?"

She smiled. "Fine."

Pumikit ako at sumandal sa locker ko. Kinuha ko ang tumbler ko sa bag at uminom ng tubig. "Para talaga akong magkakasakit."

She suddenly touched my neck. "Medyo mainit ka nga."

I smirked. "I know I'm hot."

She clicked her tongue. "Ang dami mo din nainom kagabi eh...tsaka nga pala, bigla kang nawala. Kasama mo ba si Jared nun?"

I nodded. "We fucked."

Her eyes widened because of my boldness. "Oh...kaya," palihim siyang ngumiti

Ilang sandali ay biglang dumating ang iba naming kaibigan. Si Jude with his girlfriend, Karina and my boyfriend, Jared.

"Hey babe," he went to me and kissed me on the cheek

I smiled. "Hey."

"Oh, bakit 'di niyo kasama si Ross at Clyde?" tanong ni Nicole

"Absent si Clyde, 'di mo alam? Boyfriend mo yun di ba?" Jared said

Her lips parted. "Hindi ko alam na absent siya. May hang over din siguro."

"Ross is, I don't know where the fuck he is," sagot ni Jared sabay akbay sa'kin. I held his arm and leaned my head on his shoulder

Nicole nodded and shifted her gaze to Karina. "Ano 'yang hawak mo?"

Karina smiled. "Ahh, eto pala para sa inyo. I baked some brownies."

"Wow, mukha ka ng anghel ngayon ah!" I teased. "Unlike last night."

She rolled her eyes at me. "At dahil diyan, ikaw ang una kong bibigyan ng brownie."

She opened the box. My friends immediately dived into it. Nainis siya dahil sa bilis ng pagkuha nila. Agad nila iyong kinain.

"Here, taste it," she said and handed me one

I licked my lips. Itsura palang ay nakakatakam na. My mouth started to water. Mahilig pa naman ako sa sweets. Jared took one and gave it to me.

"Thank you," I smiled and unwrapped it

I was about to take a bite when someone held my wrist. Nanatiling nakabuka ang bibig ko. Lahat kami ay napatingin kay Ross na siyang may hawak ng kamay ko.

Breakthroughs within Barriers (Youth Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon