#BWB26
After my birthday, I went to the groceries to buy food supplies because I was already running out of the things I needed for everyday life.
I never thought adulting would be this hard. Kailangan kong magtipid at bilhin lang ang mga dapat kong kailangan. Mahirap para sa'kin dahil noon ay magastos akong tao at madalas ay nauubusan agad ako ng pera sa dami ng gusto kong bilhin na hindi ko naman pala kailangan. I realized that I'm not really independent as I thought I was.
"Tignan mo yun oh, mukhang teenager palang pero buntis na."
"Talaga ba? Parang namumukhaan ko siya. Di ba siya artista?"
"Hindi ko alam pero nakaawa lang dahil sa mura niyang edad ay maagang nabuntis. Imbis na nag-aaral pa lang siya ngayon e, wala, sira na future niya."
"Hays. Mga kabataan kasi ngayon, akala nila madali lang magka-anak. Baka hindi pa siya maging mabuting ina sa anak niya."
"Madaming minor de edad ngayon ang nabubuntis tapos pinapaabort lang ang bata. Kawawa 'di ba? o kaya dinadala sa bahay ampunan. Maswerte ka nalang talaga kung tanggap ka ng magulang mo."
"Masyado kasi nilang ninonormalize ang teenage pregnancy. Proud pa nga yung iba na maaga silang nabuntis e."
"Napabayaan sila siguro ng magulang nila."
Habang kumukuha ng mga lata ng cornbeef at meatloaf ay narinig ko ang usapan ng dalawang matanda sa likuran ko. Alam kong pinag-uusapan nila ako. Nasa gilid ko lang sila pero medyo malayo sila sa'kin. I glanced at them and I caught them looking at me while gossiping. Umiwas ako ng tingin.
I looked at my outfit. I'm wearing a floral sleeveless dress that's below the knee partnered with a cardigan. I looked down at my baby bump. Inayos ko ang suot kong scarf at tinakpan ang ulo ko. I also fixed my sunglasses. Pagkatapos ay naglakad na ako palayo sa kanila.
Everytime I go to public places, hindi maiiwasan na pagtinginan ako ng mga tao. I know that some of them recognizes me that's why I wear a disguise. I became conscious of myself and my surroundings. Sometimes I feel anxious. Natatakot ako na baka dumugin nalang nila ako. Aaminin ko na nasasktan pa rin ako sa mga sinasabi nila sa'kin. Natatakot ako. Before, I always love and crave the attention from people but now, I feel uncomfortable and terrified.
Kung hindi ko lang kailangan mamili ng groceries para sa'kin ay hindi ako lalabas ng bahay.
"Girl. Tignan mo yun, parang familiar siya."
"Ha? Sino? Saan?"
"H'wag kang lilingon, baka mahalata niya. Basta para siyang si Victoria."
"Victoria? As in yung Victoria na may scandal?"
"Shh oo. Sino pa bang Victoria?"
"Shocks! Andito siya? Gusto ko siyang tignan."
"H'wag na sabi. H'wag na rin natin siyang lapitan, baka malasin din tayo."
"Weird. After ng scandal niya, bigla nalang siyang nawala sa internet. She deleted all her posts in instagram and deactivated all her social media accounts. Hindi nga siya nagsalita tungkol sa scandal niya e. It means it's true and she's guilty about it. Akala ko pumunta na siya sa America or something. Hindi ko ineexpect na makikita natin siya dito."
"She just disappeared. Some say she moved to a different country. Some assume that she's dead. It's been almost a year na rin simula nung scandal niya."
"Her career flopped. Paano ba naman kasi, masyadong maarte at ang sama ng ugali, mayabang kaya maraming may ayaw sa kanya e. Ang problematic niya pa, kaya sunod-sunod ang issue, ayan tuloy, bumagsak."
BINABASA MO ANG
Breakthroughs within Barriers (Youth Series #4)
RomanceYOUTH SERIES #4 [COMPLETED] You only live once, so live life to the fullest. That is one of Alejandra Victoria Andrada's motto in life. All she does is party, get wasted, hang out with her girl friends, have sex, and repeat. She's the middle child o...