#BWB09
As soon as I got home, I saw my mother waiting for me at the living room.
"Sumagot ka nga nang maayos kapag kinakausap ka. Saan ka nanaman galing at madaling araw ka nanaman umuwi?! Ilang oras ako naghihintay at nag-aalala sa'yo. Hindi ka manlang nag-reply sa text ko pati sa tawag ko," galit niyang wika
I sighed heavily. "Pwede ba ma, hinaan mo nga 'yang boses mo. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Gabi-gabi nalang tayong ganito," umiwas ako ng tingin at napailing
Pagod na pagod ako galing inuman tapos ito agad ang bubungad sa'kin pag-uwi? Hindi ba ako pwedeng maging masaya lang? Laging may kapalit na lungkot pagkatapos?
"Ayun na nga e. Hindi ka ba nagsasawa? Ayusin mo kasi 'yang buhay mo Tori. Nakakapagod na e. Nakikita mo ba 'yang sarili mo? Masamang impluwensiya talaga sa'yo ang ng mga kaibigan mo. Nahawa ka na sa kanila. Hindi ka na tumino. Mas lalo kang lumala-"
"Wala naman kasi kayong tiwala sa'kin 'di ba?" I cut her off
Namilog ang mata niya sa gulat sa sinabi ko. "Kahit kailan talaga wala kang respeto sa magulang mo. Hindi ko alam kung saan ba kami nagkulang sa pag-aruga sa'yo. Hindi ka gumaya sa ate mo," she said in disappointment
"Okay e 'di siya na magaling. Siya na may magandang buhay. Siya na perpekto. Wala akong pake!" sigaw ko
I hate it when she compares me with other people, especially my sister. Hindi ako nakatanggap ng kahit konting pagmamahal sa kanya. She loves my other two siblings more than me. She never really cared about me. She doesn't even love me.
"Tsaka pwede ba, tigiltigilan mo nga muna 'yang pagmomodel mo. Wala kang alam kundi puro pagpapaganda. Nakakasagabal 'yan sa pag-aaral mo eh. Wala kang ginawa kundi uminom at maglasing at," huminto siya at tinignan ang bibig ko. "Naninigarilyo ka din ba?!"
Lumayo ako sa kanya sabay iwas ng tingin. "Wala ka ng pake doon. Tsaka pwede ba ma, iyon na nga lang ang nagpapasaya sa'kin tapos pagbabawalan niyo pa ako? Lahat nalang ba pakikielaman niyo? Pwede ba, hayaan niyo naamn akong gawin ang gusto ko. Just leave me alone," sabi ko at nilagpasan ulit siya
Kahit kailan talaga, kontrabida sila sa buhay ko.
"Kung hindi ka marunong sumunod, makakaalis ka na sa bahay na ito. Kaya mo na ang sarili mo 'di ba? Ayaw mo nang pinakikielaman ka. Sige, pwede kang lumayas dito. Mamuhay ka mag-isa mo kung kaya mo," she warned
I stopped and clenched my fist in anger. "Fine! Mas gusto ko pang tumira sa kalsada kaysa dito."
Umakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto ko. I slammed the door shut and punched the wall of my room. Napamura ako sa sakit. I went to my bed then buried my head on the pillow and screamed. Bumangon ako at kinuha ang phone ko sa bulsa. Pumunta ako sa twitter at doon naglabas ng sama ng loob.
Pwede bang mamatay nalang? Nakakapunyeta mga tao dito :)
I threw my phone back on my bed. Pumikit ako ng mariin at pinakalma ang sarili. After a few minutes, I managed to calm down but I'm still pissed at my mom. Ang papel niya lang naman sa buhay ko ay pagalitan ako. Nagulat ako noong bigalng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ulit iyon sa kama. I saw a message from Ross.
rossclifford
Are u okay? I saw your tweet. Pwede mo sa'kin ilabas ang sama ng loob mo.
I rolled my eyes and didn't reply to his message. Pinatay ko ang phone ko at natulog na mabigat ang pakiramdam.
The next day, I feel much more worse. Inayos ko ang make-up sa CR para hindi ako magmukhang puyat. I applied concealer under the dark circle of my eyes. I also put some on my pimple marks. I put on contact lenses and applied mascara as well to make my eyes popped. I forced a smile on the mirror. Ilang sandali ay lumabas nadin ako ng CR.
BINABASA MO ANG
Breakthroughs within Barriers (Youth Series #4)
RomanceYOUTH SERIES #4 [COMPLETED] You only live once, so live life to the fullest. That is one of Alejandra Victoria Andrada's motto in life. All she does is party, get wasted, hang out with her girl friends, have sex, and repeat. She's the middle child o...