03 Buwan

78 14 3
                                    

Ikaw ang aking buwan,
Sa problema'y naging sandalan,
Karamay sa lahat ng laban,
Hindi nagpatalo sa kadiliman.

Masaya akong nakilala kita,
Ika'y hindi matutumbasan ng iba,
Kahit sayo ako'y kaibigan lang pala,
Mananatili kang mahalaga.

Ngayo'y akin nang isasara,
Pahinang napuno ng maling akala,
At oo,ako ang may sala,
Ngunit di ko naman sinasadya.

Pipiliting hindi na umasa,
Babangon sa pagkakadapa,
Haharap ng may ngiti sa mukha,
Tatawanan ang katangahang nagawa.

Word Of MineWhere stories live. Discover now