18 Pasado

12 1 0
                                    

Dedicated to Mharc143

Malayo at magkaiba ang takbo,
Ako pa lamang ay naririto,
Samantalang malapit ka na sa dulo,
Sitwasyon natin ay napakagulo.

Hindi inasahang tayo'y magtatagpo,
Na ako'y pipiliin mo,
Sa kabila ng bilyon-bilyong mga tao,
  Sa napakalawak nating mundo.

Ngunit mayroon sa aking puso,
Tila pangamba na baka di naman ako,
Ang talagang gusto mo,
Dahil malabo ang salitang tayo.

Nandiyan ka at narito ako,
Tayo'y magkaiba at magkalayo,
Ngunit kahit bukas ay hindi sigurado,
Ikaw lang ang sa aki'y pasado.

Word Of MineWhere stories live. Discover now